MATAGAL na kaming may mina manmanan na isang grupo na madalas ang paglabas pasok sa isang bar. Kaya heto kami ngayon papasok at balak na namin silang hulihin katulad ng napagplanuhan.
Nalaman kase namin na nag bebenta pala ang mga ito ng drugs at maraming mga customers ang tumatangkilik dito. Mga kabataan.
We don't wear our proper uniforms dahil baka mataranta ang aarestuhin namin, nakasuot lamang kami ng puting damit at pants.
Gaya ng plano ay naghiwahiwalay kami pagpasok. Tumango lang sila sa akin nang nakapwesto na sila.
"Crizzie. Huwag kang lalayo sa akin at baka mapahamak ka." Bulong ni Police officer Santos habang nililibot ang mata sa maraming taong nag sasayaw.
"Capt. Admiral." Matigas at madiin kong usal.
"Ay oo nga pala. Pero tayo lang naman hayaan mo na." Kumindat pa siya nang sinabi yon at hinila na ako sa medyo malapit sa grupo ng aarestohin namin.
Sumasayaw ang ilaw at malakas ang tunog ng musika kaya masyadong magulo. Nahihilo din ako sa mga ibat ibat ilaw kapag tumatama iyon sa aking mukha.
Nang may mapadaan na isang waitress na may dalang mga alak ay mabilis kumuha si Police Officer Santos at ininom yon.
"Sexy mo." Bulong niya saakin.
Mabilis ko siyang siniko kaya namaluktot siya sa tabi ko.
Pinanlakihan ko siya nang mata. "Umayos ka Hendrix. Police officer ka kaya tigilan mo yang kamanyakan mo."
"Sayo lang naman dahil gusto kita."
Ngumuso lamang siya ng pinukol ko ng masamang tingin. Magsasalita sana siya ulit nang may lumapit sa amin.
"H-ey, Do you smoke M-iss?" Ani nang binata na medyo kinakabahan pa yata dahil nauutal.
"Nope. But I do smoke." Seryosong sabi ni Hendrix sa gilid ko at hinawakan pako sa bewang.
Chansing nanaman tong bakulaw na ito.
Pinakatitigan ko ang binata. Sa likod niya ay ang mga grupo na sinusubaybayan namin.
"How much?" Rinig kong usal ni Hendrix
"20k full pack Sir." Ani nang binata na kita mong kinakabahan.
Mukhang bagong kasapi nila ang binatang ito.
"Okay. I'll take that." Ani ni Hendrix at uminom ulit ng alak nang may madaang waitress.
Mabilis na bumalik ang binata sa mga kasama niya para kunin siguro yung drugs.
Smoke means drugs.
Tiningnan ko ang mga kasamahan ko at tumango. Tumango din si Hendrix bilang pag hahanda.
Nang bumalik ang binata ay dala na nga nito ang droga. Ngunit bago pa niya maibigay kay Hendrix yon ay naposasan ko na siya.
Nagulat siya at nataranta. Ngunit wala na siyang nagawa kundi ang umiyak.
Mabilis ang pangyayari at nag kagulo sa loob nang bar. Nahirapan kaming hulihin ang iba dahil maraming sumisigaw at bukod pa don ay may mga baril at nakipag palitan pa sila nang bala sa amin.
BINABASA MO ANG
Stop, Kill Me Now
Misterio / SuspensoCaptain Admiral and Police officer Santos. Completed.