Every Moment With Her by si-huli

9 0 0
                                        

TITLE:

I should really be honest with your title. And, your title really gave justice to your story, which really gave this feeling to read your story. Maganda na ang iyong story title dahil catchy siya. Yung feeling na pagkabasa mo pa lang ng title, alam mo nang may something sa mga characters kaya hindi mo na po kailangang palitan since realted naman po talaga ang title sa kabuoan ng iyong kwento.

But, upon reading the title, ang una talagang pumasok sa isip ko ay ang buong kwento ay magre-revolve lang sa bidang lalake dahil ang title ay parang kwento siya ng bidang babae pero ang bidang lalake ang may POV ng buong kwento.

But then, may certain POVs pala ang main characters kaya I was a bit disappointed kasi gusto ko talagang magbasa ng kwento na mga lalake ang main narrator sa buong kwento.

But good thing na rin na hindi yung lalake lang ang nagsasalita para naman malaman yung side ng babae.

BOOK COVER:

The book cover is nice. Eye catching talaga ang book cover since napansin kong yung ganiyang mga vibes ng book covers ang kadalasang binibigyang pansin upang basahin. Malinaw na nababasa yung title at hindi masakit sa mata ang book cover. Basta, parang chill and cold lang yung vibes.

However, para sa akin kasi, ang book cover mo ay hindi siya yung tipo ng teen story. Base kasi sa book cover, akala ko isang you know, possessive series or something like mature content ang kuwento. But the story talks about pala sa teens kaya parang 'di gaanong related yung ginamit mong background.

Pero, since series pala ang kuwento ko at napansin kong magkakapareho pala ang vibes ng iyong kuwento, I suggest na huwag mo na lang palitan kasi baka mahirapan kang mag-isip ng ibang gagamitin na background. Hindi naman po namin kayo pipiliting mag palit ng book cover because it is always up to you dahil kwento niyo po iyan. We will respect you, so we hope you can also respect po our opinions.

DESCRIPTION:

Nabanggit na sa description ang nangyari sa girl kaya alam kong malungkot ang magiging takbo ng kwento. At base na rin sa title, parang alam ko na ang kabuoan ng iyon kwento na ang setting nito ay yung araw na nagkakilala sila hanggang sa, you know, mamatay yung MC.

But, I was intrigued by how you relay the description of the story kaya na-hook kaagad ako ng iyong kwento.

Hindi mo na kailangang palitan ang description dahil okay na since related naman na siya sa title at book cover.

OVER ALL:

▪︎First, with the way on how you began your story with the prologue, I was so happy to read your story dahil maganda ang simula ng iyong kuwento. Halatang pinag-igihang isulat ang kwento kaya hindi rin ako nahirapang basahin ang kabuoan.

But, as I continue with the story, paunti-unting nababawasan yung spark noong sinimulan kong basahin ang iyong kwento.

But, the story is well written. Halatang bihasa po kayo sa inyong sinusulat kaya masaya po akong sabihin na hindi po ako naguluhan sa pagbabasa ng inyong kuwento.

▪︎Second, your story was too long. Masyadong maraming chapters kaya doon ako medyo naka problema. Because, I was never a fan of stories with a lot of chapters po. Siguro, masyado lang talaga akong nasanay na ang puro nababasa ko lang na kwento ay umaabot lang ng hanggang 30-50 chapters. And for me po, para sa akin lang po ha?, I don't really enjoy reading stories with so many chapters tapos bawat chapter ay mahahaba.

But, since it is your story, we respect your decision since marami rin naman pong sumusuporta sa inyong kwento kaya sana hindi makasira sa pagsusulat niyo po ang honesty namin. Magkakaiba lang po talaga  ang mga readers. Some love stories with many chapters while others are like me. Kaya sana po ay maunawaan ninyo.


Actually, wala pong gaanong problema sa inyong kwento. Maliban na lang po talaga sa mga minention ko sa taas.

Keep on writing. Keep on improving. Keep on striving to do better. Good luck sa iyong journey as a writer.

▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎

PS: @si-huli, thank you for trusting our shop! I hope it somewhat helped you in any way but if you feel that we may have said something that may hurt you as a writer, please don't hesitate to message us so we could discuss about it in a very private way. Iniiwasan po kasi namin yung for example ayaw ninyo yung pag critique namin ay magpopost po kasi in any social platforms just to ruin our name, hope you understand po.

PPS: Pasensiya na po ulit kung natagalan. Super busy lang talaga and hectic yung sched tapos mahina pa po ang signal kung nasaan ako. Sana po ay mapatawad niyo kami sa inconvenience.

Anyways, sana nakatulong kami sa pagbibigay namin ng aming honest opinions regarding sa inyong kwento.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 27, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CRITIQUE 2020 [TEMPORARILY CLOSE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon