𝙷𝙴𝚁 by reynangpaperworld

69 3 10
                                    

𝗧 𝗜 𝗧 𝗟 𝗘:

HER. Actually, catchy yung title. It makes me wander kung sino yung HER na tinutukoy sa title. kung ito ba ay isang nerd, isang mayaman, anak ng presidente, or so on.

However, the title is not that powerful for me (In my opinion lang po ha?). Kasi parang ang dating sa'kin nung title is common na siya. Parang may ibang kwento na kasi na similar sa story title mo po.

But I think, you have your own reason sa kung bakit iyon ang title. And it's definitely up to you po kung papalitan niyo, dadagdagan, or not change at all. We will respect that.

𝗕 𝗢 𝗢 𝗞  𝗖  𝗢 𝗩 𝗘 𝗥:

Okay sana yung book cover, kung wala yung pink na nakabalandra sa mukha ng babae sa picture.

For me, hindi kasi bumagay yung background sa pink color na pinili mo for the Title. Hindi siya gaanong readable kaya kaninang unang kita ko sa book cover, akala ko wala kang nilagay na title doon.

Maybe try to look for another color? Yung mas madaling mapansin yung title sa book cover. Or, instead of using the pink one, pwede niyo pong subukan yung parang punit na papel tapos doon niyo po ilagay yung title para mas mabasa yung title. Subukan mo rin pong huwag takpan din yung mukha nung babae since your story focuses on the woman the story is referring to. Or, you can pick another picture po.

𝗗 𝗘 𝗦 𝗖 𝗥 𝗜 𝗣 𝗜 𝗢 𝗡:

I don't know what to say on this one. Noong binasa ko ang description ng story mo, I was already hooked up with it. ang simple lang ng description pero it makes me think on how will the story unfold.

Hindi siya ganoon ka-revealing kahit sa kung sino man lang ang characters ng story mo, but that's okay dahil maganda naman na ang description mo. Basta! I love your description so much.

𝗢 𝗩 𝗘 𝗥 𝗔 𝗟 𝗟:

▪︎First, napansin ko yung grammars mo. Pero hindi naman iyon yung sobrang prinoblema ko sa story mo kasi bilang lang yung mga mali-mali per chapter. Actually, hindi mawawala sa prob ng ibang writers ang grammar (just like me) like sa chapter 1. Instead of "who I'M calling me", you can try "who IS calling me".

Kagaya rin ng "can" to "could" and vice versa.

Isa rin iyong "10th grade in highschool". 10th grade is enough to tell that the character is in highschool kasi wala namang 10th grade sa primary and tertiary. be aware of it kasi nagiging redundant na siya.

yung word na "nakakabagot," mas okay na ang gamitin ay "nakababagot". Alam kong pangit pakinggan, but its better kung sundin yung tamang grammar :)

▪︎Second, napansin kong binanggit mo yung salitang "Retrograde Amnesia". Karaniwan kasing ang alam lang ng ibang readers ay kung ano ang amnesia, ito yung wala kang maalala kasi nabagok ka or nasangkot ka sa aksidente, atpb. And since it was specified na "Retrograde Amnesia" iyon, mas okay siguro kung maglagay ka ng brief/short decription para hindi magtaka yung mga readers mo sa kung ano iyon, anong pinagkaiba ng amnesia lang sa retrograde amnesia, kung may iba pa bang klase ng amnesia, at para hindi nila iwan ang story mo para lang i-search ang meaning nun or habang buhay na lang silang mag-iisip ng kahulugan ng salitang iyon dahil wala naman silang pang-search. Ang magiging resulta rin nito ay hindi na lang nila pakekealaman ang bagay na iyon at magtataka na lang sila sa mga following chapters.

▪︎Third, maganda yung way kung paano mo sinimulan yung description kaya naengganyo akong ipagpatuloy na basahin ang kwento mo. Kaso, nang mag chapter 2 na ako, naalala ko po kasing nabanggit mo na kasi sa chapter 1 na nagka-amnesia siya, hinanap yung babae, naging sila, then nag hiwalay, parang sobrang bilis ng pangyayari kaya hindi ko po maramdaman yung chemistry na nabuo kay Cath at Zihan. Gusto ko lang kasing maramdaman yung naramdaman ni Zihan noong sila pa ni Cath para mas ma-thrill sana akong malaman kung ano ang mangyayari once na mahulog ang loob ni Zihan at Kazil tapos mahulog ulit si Cath kay Zihan.

Isa pa, yung word na "people-person." Sorry kung medyo 'di ko get iyon kasi wala yatang salita na people-person at ngayon ko lang yun narinig. But, I will respect it kung merong ganoong salita sa inyo.

▪︎Fourth, narealize ko yung paggamit mo ng tuldok (.) at kuwit (,). Honestly speaking, may mga parts kasi sa story mo na imbes sana na kuwit ang gamitin mo ay tinutuldukan mo agad, and vice versa.

For example, instead of
"Reserve nga ang mesang 'yan," mas okay siguro kung "Reserve nga ang mesang 'yan."
-unless, may idurugtong ka pang statement kaya mas okay na kuwit ang gamitin. Pwede mo ring gamitan ang kwento mo ng tutuldok (:) at tuldok-kwit(;).

▪︎Fifth, despite the grammatical and typographical errors, I get to enjoy your story kahit na iilang chapter pa lamang ang natatapos mo. Maybe try mo magsingit ng kahit isang chapter lang where the story revolves on Cath and Zihan so that the readers could understand Zihan's emotions better. Make your readers feel the pain that the MC is feeling upang mas maging effective yung emotion na kayang ibigay ng characters mo.

Maganda nga dahil nag-focus ka sa part about sa mga GxG stories kasi wala nang gaanong stories na ganito ngayon since people criticize these kinds of topics. Good job, author!

□▪︎□▪︎□▪︎□▪︎□▪︎□▪︎□▪︎□▪︎□
Since you're story is still on-going, sana ay matapos mo ang kwento at sana hindi ka magalit sa mga sinabi namin😅 #NoHateJustLove lang tayo🥰

PS.
Hindi po kami ganoong kagalingan when it comes to writing kasi we still have errors and mess in our own works. But we hope that this shop was able to help you improve in writing. Thank you for trusting this shop.

PPS.
reynangpaperworld You can invite your friends to try our shop.

PPPS: Unfortunately, one of our admins said na nasira po yung phone niya kaya baka medyo matagalan po ang pag-update namin because we will re-read the current story the admin is critiquing. Sorry po if medyo matagalan ang pag-update namin. But don't worry, we will finish critiquing all of the pending stories.😁 Have a nice day guys!

CRITIQUE 2020 [TEMPORARILY CLOSE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon