The whole week was more stressful. Finals is coming so I needed to study more. I have to ace my grades so I could have something to be proud of. Kahit para sa sarili ko na lang. Hindi na muna ako masyadong nag-abala pa sa kung ano anong mga bagay. I deactivated all my social media accounts at tinago na rin ang ukelele ko para hindi na ako matukso pa.
Mas kailangan kong mag-aral ng mabuti.
Sabado na ngayon at sa lunes na magsisimula ang aming eksaminasyon. Nagpapahinga lamang ako saglit at bumalik na ulit sa pag-aaral. Malapit na akong mag-college kaya kailangan ko ng magandang grado para makapasok ako sa magandang University.
Pababa na ako sa hagdanan namin upang kumuha ng makakain ng may narinig akong tawanan sa aming sala. Siguro mga kaibigan ito ng kambal. Paminsan-minsan ko na silang nakikitang pumupunta rito sa bahay upang maglaro ng basketball dahil may half court naman kami sa labas. Minsan rin ay nakikita ko silang tumutugtog kaya patago ako kung minsan para makinig sa kanila.
Hindi ko hinaayan ang sarili ng makalikhi ng ingay habang pababa sa hanggang pero tila ay matatalas ang mata nila at nakita rin ako.
“Oh, nandito na pala prinsesa niyo.” rinig kong sabi ni East habang ina-ayos ang kaniyang pilak na hikaw. Mas lalo itong bumagay sa guwapo niyang mukha.
Sikat ito dahil isa rin itong Dela Paz. Apat silang magkakapatid na kumpas. South, North, West at siya na si East. Ewan ko ba kung bakit ganyan iyong mga pangalan nila. Anak sila ng isa sa pinakamayang angkan sa aming probinsiya. Sila ang nagmamay-ari kadalasan sa mga resort dito kabilang na ang pinakasikt at malaking resort na ang Dela Paz Beach Resort.
“East! Hayaan mo na 'yan!” sigaw ng kapatid ko na si Rawl. Siya ang mas matanda ng dalawang minuto kay Namiel. Pareho na silang nasa kolehiyo ngayon at pareho rin ang kinuhang kurso.
Ewan ko rin sa kanila kung bakit nila sinunod iyon gusto ng Papa na maging isang seaman. Rinig ko pa naman na gusto ni Rawl na maging isang business man. Kung si Namiel naman ang usapan, parang wala iyong patutunguhan.
“Off limits ba talaga 'to? Sayang naman ang ganda.” sabi pa niya at ngumuso kaya pinaulanan ito ng mga mura ng kambal na nasundan naman ng maraming tawa galing sa kanilang magkakaibigan.
Tinalikuran ko na sila dahil sa takot kong mapagalitan mamaya kung bakit pa ako lumabas ng kuwarto ko kung gayong may mga lalaki silang bisita. Masyado silang protective sa akin sa mga lalaki kahit ang totoo ay hindi rin naman ako masyadong nakikipaghalubilo sa mga tao, lalo na sa mga lalaki.
Tiningnan ko ang kabinet namin para maghanap ng ibang makakain dahil ayaw ko na ng kahit anong tinapay, nau-umay rin ako minsan kaya mas gusto ko na lang magluto ng instant foods minsan o 'di kaya ay ibang process foods.
“Oh. Do you know how to cook?” it was East again. Hindi ko namalayang nasundan niya pala ako.
“Sino bang hindi marunong magluto ng hotdog?”
Tulad ng sabi ng kambal na dapat ako umastang maging maldita sa harapan ng kanyang mga kaibigang lalaki. Kung sa natural na araw man 'to, iyong hindi ako pagod ay malamang sa malamang ay hindi ko iyon susundin. Ibang usapan itong ngayon at hindi ko rin gustong makipag-usap sa kanya dahil sa mga naririnig ko tungkol dito.
“Uh-huh. I like you already.” sabi niya kaya nagulat ako.
“Dahil marunong akong magluto?”
“Yes and you're beautiful.”
“O baka sadyang pakboi ka lang?” hindi ko mapigilang hindi mainis sa mga sinasabi niya.
“Ouch. I'm not like other boys naman. I always treat woman like a queen kaya. You hurt my feeling, ah?” mas lalo pa akong naiinis sa kanya nang dahil sa mga sinasabi niya.
BINABASA MO ANG
Summer to Forget ✔️
RomanceIt was that summer time that Tamila Miracle Marcil badly wanted to forget.