02

13 2 0
                                    

Today's another day of summer, as usual bored in the house. Had nothing to do except on scrolling on my social media account, painting, playing with our cute havanese dog, listening to different kinds of old music and learning how to play instruments, iyan ang palagi kong ginagawa kapag nasa bahay lang ako.

I was almost done with my sketchpad, kaunti na lang at mapupuno ko na iyon. Buti at may iba akong pinagkaaabalahan at nang hindi lang lahat sa paggawa ng arts nakatuon ang atensyon ko. I sort of like doing letterings or it is called calligraphy?

Thinking how it might be if I will be visiting the rice field this time. I kinda miss the fresh air in the place while eating an unripe  mango. Magdadala na talaga ako ng bagoong at sili sa susunod.

While scrolling through my spotify, I noticed a new song entitled: Beautiful Scars, it's a new release song and it kind of catch my attention due to its title. Napatango na ako simula pa lamang na tumugtog ang mga instrumento nito ngunit hindi ko inaasahang maganda rin pala iyong mga salitang ginamit ng kanta kabilang na ang tono nito. Nakakaengganyo.

I was still lying in my bed until I heard a knock on my door. Bago pa man ako lumabas sa kuwarto at tinignan ko muna ang aking repleksyon sa salamin upang makita ang aking kabuuan. I saw Dad again on the door waiting for me to open it. As usual, I gave him a smile and asked him with manners. Hindi pa naman ako handang mapalayas sa bahay na ito.

“Po?”

“Pakidalhan ulit sila ng pagkain sa palayan dahil magtatanim na ulit sila ng palay,” sabi niya at sumang-ayon na ako agad at nagtungo na sa banyo at naligo.

This time, nakasuot lang ako ng pambahay dahil wala rin namang ibang tao roon kung hindi ang mga trabahante at ibang kakaunting tao lamang. Dinala ko na rin ang aking ukelele upang may mapagkaabalahan ako roon lalo na't mukhang matatagalan muli kami tulad ng dati. Kumain muna ako at naghintay saglit bago kami tumulak kasama ang mga pagkain at ang aking tinatagong bagoong at sili sa isang plastic cup.

“Oh iha, napasyal ka?” tanong ng  isang medyo katandaang lalaki na nakausap ko noong isang araw. I forgot his name.

Nakaupo na ito sa isang mono block na upuan at tumayo mula sa kaniyang inuupuan at akmang ibibigay ito sa akin ngunit naunahan ko na itong tanggihan. Itinuro ko na lang ang malaking puno ng mangga kung saan may maraming bunga na hindi kalayuan sa amin habang dala-dala ang instrumento kong ukelele.

“Napag-utusan lang po,” mahina kong sagot bago ako nagpaalam upang pumunta na para mamitas ng hilaw na mangga.

Nang nakakita ako nang hindi masyadong kataasan na puno ay naghanap na rin agad ako ng stick para gamiting pangkuha ng mangga. Sinungkit ko iyong bunga at pilit na ina-abot gamit ang kaliwang kamay. Muntukan pa akong napasigaw sa saya ng tuluyan na akong nakasungkit ng mangga at mabilis itong pinulot mula sa pagkahulog.

Nang makahanap ako ng magandang puwesto ay inilagay ko ang aking gamit at akmang kakagatin na ang mangga para kumain nang may biglaang tumawag sa aking pangalan kaya napalingon ako rito.

“Hugasan mo muna ‘yan,” sabi niya at inilahad sa akin ang isang tabo na may lamang tubig.

May ngiti na sa kanyang mga labi kaya binigyang ganti ko na rin siya. Nagpasalamat ako sa kanya habang inilagay iyong mga nakuhang mangga sa may tabo at hinugasan.

“Kain tayong mangga,” pag-aaya ko sa kanya ngunit umiling siya at itinuro niya ang ukelele na nasa tabi ko gamit ang kanyang bibig. Typical Filipino.

“Can I borrow it?”

Agad naman akong tumango at nagtanong. “Do you play Ukelel too?”

“Hindi masyado,” sagot niya kaya napatango tango ako.

Summer to Forget ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon