The class has already started and I am not expecting to be late today. Hindi naman sa hindi ayos sa akin na maging late sa first day ngunit gusto kong maka-una ako sa classroom dahil gusto kong makaunang pumili ng pwesto. Gusto ko sana sa unahang parte na upuan para makapag-aral ng maayos at iwas chika.
Kung papipiliin lang siguro ako, gusto ko na kami na lang ulit ng mga kaklase ko ang magkakaklase ngayong taon. Para hindi na ako mahirapan pang pakisamahan ulit ang mga tao makakasalamuha. Kaya ayun, nakaupo ako ngayon sa harapang bahagi ng silid, kinakabahan baka may gagawin pa kaming pagpapakilala sa aming sarili dahil nasa ikalabing-isang antas na kami ng highschool.
Kahit kinakabahan ay hindi ko maiwasang makipag usap sa katabi na siyang kaklase ko rin noong Grade 10 na si Ailyn. Buti na lang at marami-rami kami rito na magkakaklase kaya hindi na ako masyadong nahirapan pang maghanap ng kaibigan kahit hindi ko talaga ugaling magkaroon ng maraming kaibigan. But I needed it. Lalo na dahil wala rito si Lau na palaging handang makipagbangayan sa kung sino-sino lang.
“Bakit wala pang teacher?” tanong ko sa katabi ko.
Nagkibit-balikat naman ito at inayos ang suot na hood. Halos kalahati sa amin ay hindi pa nagsusuot ng aming mga uniporme dahil binigyan pa kami ng isang buwan ng paaralan upang matapos ang pagpapatahi ng aming mga susuoting uniporme. Kahit may uniporme na rin ako ay hindi pa ako nag-abalang nagsuot rito dahil alam ko namang ganito rin ang mangyayari.
Just like before, I wore a peach sweater and a jeans with a pair of my maroon converse shoes and my mint green bag pack. Dahil halos pastel colors na rin naman ang mga gamit ko, ito na lang ang mga ginamit ko. Thank God! I bought different colors of my sweater online. Mostly black or white and stripes.
“Ewan ko sa kanila, mabuti na rin.” sabi pa nito at tumawa bago ipinatong ang kamay at ulo sa lamesa niya at matutulog siguro.
Mag aalas-nwebe na ng umaga ng mapagdesisyonan kong lumabas sa saming silid-aralan dahil nakaramdam na ako ng gutom, nang dahil sa pagmamadali ko kasi kanina ay hindi na ako nakakain pa. Paano ba naman kasi, nakalimutan kong mag alarm kaya, ayun, late. Muntik ko pang makalimutan na tapos na ang summer!
There are actually five canteens in this school but mostl of them are near on the junior high schools building. Buti na lang rin at napag-isipan na maglagay ng isang canteen dito malapit sa building namin at hindi na bumaba galing sa bundukin namin na building.
Nakakasira ng sapatos eh!
Nakapwesto kasi ang aming building sa likurang bahagi ng skwelahan kaya tinatawag na ring bundok. Swerte lang siguro iyong may mga sasakyan na dala nila sa kanilang pagpasok.
Dahil gusto ko pang patunayan na tahimik ako sa araw na ito ay hindi na ako nagpasama ng kung sino man sa mga kaibigan ko. Mainit na sa labas kaya kinuha ko iyong cap na dala ko at sinuot ito. Naglakad ako mag-isa hanggang sa makarating ako sa canteen. Marami ng tao roon at wala ng bakante na lamesa kaya napag-isip-isipan kong sa classroom na lang namin kumain.
Pumila sa ako sa pila kung saan ako makakabili ng mga fingerfoods kaya nakasunod ako sa isang matangkad na lalaki na nakasuot ng itim na hoodie. Nakatingin ito sa cellphone niya na sa tingin ko ay naglalaro dahil rinig ko pa ang sound effects ng laro. Halatang ML.
“Excuse me, usog ka na po.” sabi ko ng hindi na umuusog ang linya namin kahit marami na ang nakabili ng pagkain.
I actually felt a little annoyed since kanina pa ako rito at gutom na talaga ako. Sinabihab ko ito ulit at tila narinig naman nito ang sinabi ko kaya umusog na ulit ito hanggang sa malapit na kami nang bigla itong napalingon sa akin ng nasamid ako sa sariling laway ko. Nakatingin ito sa akin na nakataas ang isang kilay at inilagay sa panyo sa kaniyang bibig na tila nandidiri sa akin.
BINABASA MO ANG
Summer to Forget ✔️
RomanceIt was that summer time that Tamila Miracle Marcil badly wanted to forget.