Chapter 9

7 2 0
                                    

Tamara's POV*

Nakaupo ako sa Sofa Habang Nanonood ng Tv pero Kahit Nanonood ako parang Hindi ko naman Naririnig ang sinasabi nito Dahil Sa iba Umiikot ang Pag-iisip ko.

Nagigising na kasi ako sa Katutuhanan na Mali ako. Kahit na anong gawin kong pagtaas ng Pride ko.Mali ako.Simula't Sapol Mali ako.

"Para kang tanga d'yan Nanonood pero Lumilipad ang Isip "

Naglalakad s'ya at pansin ko kanina pa s'ya Lakad ng Lakad. Kasi Naglilinis s'ya ng kwarto namin.

Sipag n'ya no? HAHAHAHA.

"Mali ba talaga ako? " Tanong ko sakan'ya.

"Maling-Mali! " Sigaw n'ya sa'kin.

Bumusangot nalang ako.

“Ano Nakapag-isip kana ba Kung lalapit ka sakan'ya uli at humingi ng tawad? ” Sabi nito sa'kin ng Pagkabalik n'ya kung Saan man's ya galing.


"Yun na nga eh! Hindi pa" Nakanguso akong tumingin sakan'ya.

Napasabunot nalang s'ya sa buhok n'ya.

Iniisip ko parin kung Mag-mamakaawa ba ako kay Jenefer na patawarin n'ya na ako. Pero kasi Urgh! Nakakasayang ng Ganda ko yon.

"Para sabihin ko sayo Hindi ka Maganda kaya Bukas Pumunta ka ng Hospital at Humingi ng Tawad. " Saad ni Tom Habang buhat ang mga labahan. Tinutulungan n'ya kasi si Manang Delly.


Pinatay ko ang TV bago padabog na sumunod sakan'ya.

"Pa'no kung Pinaalis na naman ako? " Tanonh ko.

"Di' umalis ka Tapos Kinabukasan balik ka. " Saad n'ya.

"Ano ba yan! Tom naman" Nagdadabog akong Tumingin sakan'ya.

"Nasasayang Ganda ko "

"Pake alam ko sa Ganda mo?! Ha!? Ibaba mo yang pride mo ha?! Naiirita ako sayong babae ka! " Singhal n'ya.

"Oo na pupunta ako roon At hihingi ng tawad sa mga ginawa ko sakan'ya. Magsosorry ako. Ano Happy kana? Ha? Hayop ka!" Sigaw ko sakan'ya.

"Galit na Galit? Gustong Manakit? Aba't Bakit? " Tumaas ang kilay n'ya.

Bakla

"Bakla kaba? " Tanong ko.

"Hindi.Tanga! "

Iniwan n'ya ako bago n'ya ako sigawan. Bumalik na ako ulit sa Sofa bago naupo roon.

"Wag kang matakot Mabigo, Ang Mahalaga Sinubukan mo. " Nagulat ako ng Nasa Harapan ko si Tommy na nakangiti.

"Sana Mapatawad n'ya ako. " Malungkot kong saad.

"Hindi Matigas ang puso ni Jen para Hindi ka Mapatawad nun. Alam kong Mahal ka nun. " Ngumiti ito sa'kin bago Naupo sa tabi ko.

"Lahat ng Bagay Naaayos, Pero di lahat Naibabalik sa Dati" Malungkot parin akong Tumingala sakan'ya.

"Maibabalik mo sa Dati Basta Matuto kang Bumalik Sa Dating ikaw. " Ngumiti ito sa'kin Pampagaan ng loob ko.

"Isang Araw Tam magiging maayos din ang lahat" Sumandal ako sa Braso n'ya ng Maramdaman kong Tumulo ang luha ko.

I hate how Sensitive I am Sometimes.

"Iyakin ka parin? " Pang-aasar n'ya.

"Aisshh" Pinunasan n'ya ang mata ko.


THE LAST LIFE√Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon