Chapter FOUR

2 1 0
                                    

Titig na titig ako screen ng phone ko matapos kong pinindot ang 'add friend'. Kinakabahan ako! Sumandal ako sa headboard nang kama, pumikit ako nang mariin. Bakit ba ako kinakabahan?!

Umiling ako at binuksan muli ang phone ko. I tried to find his other social media accounts. I saw his twitter and Instagram. I followed him right away. Ang daming followers, famous! Tatlo lang post niya sa IG yung isa sila ata nang family niya while on a beach. Yung isa naman picture niya na nakaharap sa dagat, stolen picture bongga! Yung huli concert picture, wala siya roon background lang.

Hindi ko makita ang tweets niya, private ang account eh. Nagra-rant din kaya siya? Mukhang hindi eh, ang suplado, ang hirap makipag-landian!

Two hours had passed, hindi pa din niya inaacept! Ang kapal nang mukha! Chos, I'll wait for you bb.

Nakatulugan ko na ang paghihintay, kinabukasan maaga ako pumunta sa school niya. Nag-order ako ng breakfast, kasi nagmamadali ako kanina, hindi na ako nakakain!

Kinagatan ko ang hawak kong ham and cheese sandwhich. I pouted while looking outside the glass wall, grabeng effort na to ah! Sa mga past flings ko hindi ko naman to ginagawa! Sila pa ang naghahabol! Bakit parang bumabaliktad?

Kinuha ko ang phone sa bulsa ng uniform ko. I tried to search for his friends' accounts. Agad ko din silang inaad sa fb, and finollow sa IG at twitter. Mav accepted my friend request right away! Buti pa siya!

He posted a story in facebook, it was a video actually. Nasa sasakyan sila, I almost jump when I saw Primo in the shotgun seat! He was reading a thick book! Ang fresh niyang tignan halatang bagong ligo! Ang gwapo!

May caption din ang story niya na 'goodluck sa exam doc!' My mouth formed a 'o', my eyes we're widened too! Dr. Weegee Primo Evangelista, naks! Bagay




Siya saken. Lol

Ngumuso ako at binilisan na ang pagkain, mukhang hindi ko makikita ang bb ko ngayon. Anyway, may next time pa naman. Tanginang kalandian toh.

Dumiretso na ako sa school after that, hindi ako mapakali habang nasa klase ako! Wala pa naman akong ka-chikahan dahil isang minor subject ko lang kaklase ang mga bruha! Tulala lang tuloy ako sa klase, is not that loner ako ha! Di ko lang talaga trip ang mga kaklase ko, mga peykprends.

"Dali na! Libre ko ulit!" Pagpupumilit ko sakanila.

Ayaw nila akong samahan! Anila'y nakakatamad tumunganga roon, bakit hindi na lang daw mag bar! Mga mukhang alak!

"Girls! Hmm? Please last na toh." I said unwillingly.

Bumuntonghininga sila at nagtitigan. Parang may pinag-uusapan gamit lang ang titig nila. Okay? Di ako belong?

"Tapatin mo nga kami, Fin." Seryoso ang mukha ni Lany.

"Ha?" Naguguluhang sabi ko.

"Are you pregnant ba kaya you make habol that guy?"

Muntik na akong masamid sa sinabi ni Calsey. Tengene nemen. Buntis agad?! Kaloka!

"No way! Ano ba kayo." Naiiritang sabi ko.

Sabay-sabay silang napabuntonghininga, parang nabunutan ng tinik. Mga gaga!

"Mabuti naman. Jusko haler! Hindi pa ako ready maging ninang!" Nalolokang sabi ni Phillie.

"Ako din naman noh! Sabi ko naman sainyo, fresh pa ang aking vagi---"

Tinakpan ni Ellaine ang bibig ko at ngumiwi. Bastos.

"Oo na, oo na." She nodded repeatedly.

"You make promise! Last na toh." Umirap si Calsey.

I smiled widely and nodded repeatedly like a kid convincing her parent that she'll be a good girl.

To Fall AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon