Naiirita kong kinalkal ang bag ko. Saan ko ba iyon nalagay? Nakalimutan kong may quiz ngayon, noong weekend pa naman happy-happy lang ako, gigimik-gimik pa! Nasaan ba ang notes ko?!
"Girl!" Matinis na boses na salubong saakin ni Phillie.
Tumango lang ako at nagpatuloy sa pagkalkal sa bag ko. Nagkagulo-gulo na tuloy ang laman ng bag ko, maybe it's for a change. Kailangan ko nang maging organize sa mga gamit ko, para hindi ako nahihirapan ng ganito.
Pabirong hinila ni Phillie ang buhok ko. Inirapan ko lang at nagpatuloy sa paghahanap. Gumagawa ng malakas na tunog ang bote ng perfume ko sa bawat nadadampian ng mga ballpen ko.
"Gaga ka, ano bang hinahanap mo diyan? Jowa? Wala ka non." Humalakhak siya nang malakas.
Tumigil ako at umirap. "Bakit ikaw ba meron? Teka nga, wala ka bang pasok?"
He sighed dramatically. "Meron, nag-cutting ako." Humalakhak siya. "Minor lang naman iyon, kayang-kaya kong bawiin."
Yun, yun eh, edi siya na matalino! Oo, Dean's lister ang gaga! Isang malakas na 'sana all' nga diyan.
"Okay." Walang gana kong sabi.
"Ano ba kasing hinahanap mo diyan, ha?" Sumilip pa siya sa bag kong gulo-gulo na.
Napabuntonghininga ako. "Meron akong quiz, nawawala ang notes ko. Di' pa ako, nakakapag-review."
Ngumawa ako at nagpapadyak. Naiiyak na ako! Paano ba naman, major subject ko iyon! Paano pag nai-bagsak ko toh ngayon? Wala akong bilib sa stock-knowledge ko! Baka pa summer class ang anihin ko!
"Uy! Wag' ka ngang ngumawa diyan, nakakahiya ka." Inakbayan niya ako. "Ano maglagay na ba tayo ng hidden camera?"
Kumislap ang mga mata ko. Akala ko iyon na ang sagot sa pagdurusa ko, kaso humagalpak siya ng tawa. Bumagsak ang mga balikat ko at sumimangot.
Pinitik niya ang noo ko. Napahawak tuloy ako roon, masakit bobang toh!
"Aray! Ano ba?!"
"Aral-aral din kasi minsan, girl. Kahit gusto kitang tulungan eh paano naman? Malay ko ba diyan sa course mo! Ang layo ng akin, business ad ako girl." Umiikot na naman ang mga mata niya.
"Oo na! Aalis na ako. Maghahanap na lang ako ng way. Tseh!" Inirapan ko siya bago tumalikod at naglakad ng mabilis papasok ng library.
Kinuha ko ang phone ko sa pocket ng uniform ko. Inopen ko ka-agad ang wifi, madaming nagsipasok na notifications. Pero inuna ko ang pag-chat sa gc namin.
Me: Hi guys! I need help, sinong may notes sainyo? Na misplaced ko kasi iyon akin :(
Egdar Roel: I have!
Russel: Ako din meron!
Charles: I'll send it to you. You should just chat me.
Faith: I have! Send ko sayo? Beauty tips muna!
Shannel: Meron ako, se-send ko sayo.
Emmy: sent a photo.
Umirap ako, ang dami pang sinabi. Buti pa tong si Emmy sinend agad. Umupo agad ako at sinumulang i-sulat sa isang 1/2 lengthwise, hindi kasi ako sanay na sa cellphone nagre-review. Na di-distruct ako! Baka pa ma-uwi sa pagce-cellphone ang magawa ko.
I was in the middle of writting when someone pulled the chair in front of me. I rolled my eyes.
"Phillie, I said go away! Edi ikaw na kasing walang quiz!" Singhal ko.
Hindi siya sumagot. Sumimangot ako lalo at nagpatuloy sa pagsusulat, hindi na halos maintindihan ang sulat ko! Syempre marami-rami iyon, baka maubos ang time ko sa pagsusulat at hindi ko na ma-review. Apat na oras pa mayroon ako, kaya medyo chill pa.
BINABASA MO ANG
To Fall Again
RomanceIt was truly, 'love is sweeter in the second time'. We'd fell apart, at the age of thirty I had divorced in the man I loved the most. To my first love, to the man I was willing to spend my life with. We'd learn how to let go and sacrificed. It was...