Chapter NINE

2 1 0
                                    

Me: You're concern? Kikiligin na ba ako?

Pigil na pigil ang tawa ko nang makita ang reply niya.

Weegee Primo Evangelista: Flutter yourself.

Me: Tss. Concern ka lang eh. Kung concern ka, ibigay ko ang location ko ngayon. Teka.

Weegee Primo Evangelista: Really, Niana Josefina Mariel?

Nalaglag ang panga ko. Nakakadiri! Banggitin ba naman ang buong pangalan ko? Nakaka-suka.

Me: Yuck! Ano ba yan! Saan mo nalaman yan? Stalker!

Weegee Primo Evangelista: Are you talking to yourself? Stalker?

Me: nyenye whatever Weegee Primo.

Weegee Primo Evangelista: I'll read now.

Sumimangot ako. Magbabasa na naman? Hindi ba siya nagsasawa?!

Me: Okay, hubby. Take care of our daughters okay? I'll be home late, you know naman minsan lang magyaya ang friends ko. Nga pala, Daisy said she has assignments, magaling ka naman sa science kaya tulungan mo na siya. Don't forget to feed Wendy! Also change her diapers, meron din naman naka-handang milk sa tabi ng kama nila hanapin mo nalang. Okay? Bye na hubby. I love you, mwah!

Humahighik ako matapos niyang ma-seen iyon. Ang tagal mag-reply! Nakapag-tapos na ata ng college, charot! Ang tagal eh, umabot ng sampong minuto bago siya naka-reply ulit.

Weegee Primo Evangelista: .

Humalakhak ako ng makita iyon. Baliw talaga. Ngumisi ako nang may ma-isip na kabalastugan. Pumunta ako sa settings, at pinalitan ko ang nickname niya.

You set the nickname for Weegee Primo Evangelista to Hubby.

Hubby: Wtf?

Humagalpak ako ng tawa.

Me: I'll go now, hubby! Bye.

Hindi na siya nag-reply pa. Ngumisi ako nang makitang hindi naman niya pinalitan. Pinatay ko na ang phone ko para makapag-focus sa mga kaibigan.

Hindi matanggal ang ngisi ko sa labi. Kinikilig pa rin! Anak ng teteng, nga naman oh! I drank the shot that Phillie's gave me.

"Ano ba yan, may naamoy ako." Lany pinched her nose.

Tumaas ang kilay ko at suminghot-singhot. Wala naman ah? Hindi naman mabaho.

"What? Malapit ang bibig sa ilong, girl." Pagbibiro ni Phillie.

Lany rolled her eyes and raised her middle finger. "Gaga! I smell somthing fishy..alam mo iyon? Mukhang may magkaka-jowa na, at isa pa mukhang seryoso! Imba! Magseseryoso na ba?"

She was smirking at me.

Tumawa ako at umiling. Magseseryoso? Hmm, pwede den kung para kay Primo. Charot!

"Let's see." I shrugged my shoulders.

Naghiyawan ang mga gaga. Pinagsasabunot pa ako nina Calsey at Phillie! Mga gaga talaga!

Nga naman pag-patak ng alas nuebe, antok na kaming lahat. Si Ellaine lasing na lasing na, nagpasya na kaming umuwi. At dahil wala kaming kotse at si Lany lang ang meron, hinatid niya kaming lahat. Sobrang gigil niya at ang laki nang pagsisisi. Tinawanan lang namin siya.

"Bye." I winked at them.

Syempre hindi ako sa main door dumaan. Sa secret passage, alangan naman magpa-huli ako kay mommy. Dumiretso agad ako sa banyo pagkapasok sa kwarto. Nga naman sinabunan pa ako ng reklamo ni Kuya, nang dumaan ako sa kwarto niya. Hindi na raw siya naka-gimik dahil lagi niya akong kino-cover.

To Fall AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon