"Hindi ka naman masyadong adik sa mukha mo no?" Sarkastiko kong sabi nang matanaw muli ang sandamakmak na pictures ni Calsey sa penthouse niya.
She sighed and looked up as if thinking deeply. "Not really."
Ngumiwi ako at tamad na na-upo sa couch niya at sinindihan ang TV para sana manood ng Youtube, nang tinamad matapos mapanood ang dalawang bagong uploads ng paborito kong vlogger pinatay ko nalang muli ang TV at tinignan ang pagra-ratrat ni Phillie.
"Ano iyan? Jowa?" singit ko sa usapan nila ni Lany.
Lany laughed and stood up. "Para namang may jo-jowa sa baklang iyan. Bigyan mo ng kotse, papahipo iyon sayo."
Asar na umirap si Phillie sakanya kaya natawa ako. Tanga talaga iyong gaga na iyon, sobrang deretso magsalita walang filter. Well, sanay naman na kami sa pagiging bastos niya.
"Yosi lang ako." Lany walked towards the balcony.
Napakunot ang noo namin at nagtininginan. I shrugged my shoulder. Anong meron? Anyare kaya sakanya?
"Does Lany girl had problema ba?" Calsey said still looking on her Ipad.
"Ewan ko, hindi naman siya palaging nagyo-yosi eh." Phillie lazily laid on the couch, nasipa pa niya ng bahagya ang mukha ko. Hinampas ko nga ng malakas.
"Gaga! Paa mo! Anyway, may gumugulo na naman siguro sa isipan niya." I shrugged.
Tumayo si Calsey at dumiretso sa kitchen. Araw ng Sabado at narito kami sa penthouse ni Casley para tumambay. The whole week was liked a fairytale, para akong teenager na first time magkaroon ng boyfriend! Bukas pa lang ulit kami magkikita, nakila Mavy raw siya ngayon. Ang OA ko lang kung sasabihin ko na miss ko na siya agad, pero oo miss ko na siya!
"Wala bang pagkain diyan, Calsey?!" Reklamo ni Phillie.
Bumalik si Calsey sa inuupuan niya, at kinuhang muli ang Ipad niya. May kinalikot siya roon bago iniharap saamin.
"Wala eh. I had meal plan, and had my food deliver." She shrugged.
Napangiwi ako, hindi fresh kinakain neto. Phillie groaned and sat. Mukhang nagugutom na nga talaga siya.
"Tapos ang lakas ng loob mong bumukod! Ni hindi ka marunong magluto!"
"Eh sa hindi ako marunong eh!" Asar na agad si Calsey.
Umismid si Phillie at napatingin saakin. Biglang lumiwanag ang mukha ng boba! Kulang na lang makita ko ang light bulb sa tuktok ng ulo niya.
"Ang ganda siguro at mas convenient kung iyong Cullinary student diyan magpe-presintang magluto." pagpaparinig niya pa.
Umikot ang mga mata ko at tamad na humiga sa couch, binelatan ko pa sila. "Wag' ako! Tinatamad ako."
Bayolenteng nagpakawala ng buntonghininga si Phillie. "Ano ba yan! Miss ko na luto mo Fin."
"Tse! Ayoko. Padeliver na lang tayo."
Tumuwid na umupo si Calsey at maarte kaming tinignan. "Let's play rock, paper, scissors. The one who lost will make luto, what do you think?"
"G!" Phillie gestured his hand.
Umiling ako at hindi nakisali, baka pa matalo ako eh ayoko ngang magluto! Ka-haggard ang init pa naman pag-nagluluto, asar!
Edi syempre dahil da-dalawa lang sila, isa sakanila ang talo, and it was Calsey who lost. Impit na natawa si Phillie, umiling lang ako.
Calsey rolled her eyes. "Ellaine.." tinapik niya ang naka-tulog nasi Ellaine sa tabi niya may hawak pang libro sa isang kamay. Well she likes reading novels. "Your talo. You make luto na sa kusina." pang-uuto ng gaga.
BINABASA MO ANG
To Fall Again
RomanceIt was truly, 'love is sweeter in the second time'. We'd fell apart, at the age of thirty I had divorced in the man I loved the most. To my first love, to the man I was willing to spend my life with. We'd learn how to let go and sacrificed. It was...