Chapter THIRTEEN

1 1 0
                                    

Pulang-pula na siguro ang mukha ko ngayon. Mas lalo kong napatunayan nang asarin ako nina Phillie at Lany, na kararating lang ang lakas na agad mangasar.

Lany looks so fabulous with her black backless gown, her hair was in a high ponytail making her nice jaw and cheekbones highlighted. She put red lipstick for fiercer and bold style. Phillie on the other hand looks really handsome, nasasayangan talaga ako sa baklang to eh. Swear sobrang gwapo niya! His moreno skin suited his black suit very well, his hair was in a nice style today. Hindi siya cross-dresser, kaya madami pa ring nagkakagusto sakanya even though they knew that he is a gay.

"Ang gwapo ng fafa na nakita ko doon, grabe Fin why are you late ba ha?" Maarteng inikot ni Phillie ang mga mata niya.

"We're not late, maaga lang kayong naglibot." I stated the naglibot, meaningfully.

Lany chuckled and drank on her wine glass. "Hindi kaya! By the way, I saw Calsey kanina. She looked really stressed and bored, sa lahat ng may birthday siya lang ata ang ganoon."

Humagalpak kami ng tawa. Si Calsey kase ayaw sa sosyal na party tulad nito dahil boring daw, gusto niya iyong bar party yung tipong kung pwede lang mag-hubad ang mga tao habang nagsasayawan at masayang nagiinuman ganoon! She was homeschooled before from Primary to Senior high, ngayon lang na college hindi. Their family was really prim and proper, parang mga royalty, syempre sobrang yaman ba naman. But I guess masyadong nahumaling si Calsey sa pagiging malaya at ayaw na ng kaboringan na tulad nito.

"Oo nga eh, kanina pa nakasimangot. Puntahin kaya natin?" Suggest ko.

"Oo nga, nakaka-tamad umupo dito." Ellaine pouted.

Malisosyang tumawa si Phillie at pabirong sinampal si Ellaine.

"Ellaine Talitha wag' mo akong ginaganyan. Nakita ko iyong lalakeng ka-MOMOL mo last friday, nasa malapit na mesa." Nginuso ni Phillie ang kabilang mesa malapit saamin.

Sinundan ko iyon ng tingin. My mouth form a large 'O' when i saw the handsome guy who drag Ellaine out of the bar last time! Oo makakalimutin ako sa mga lalake, pero hindi ko ata malilimutan ang lalakeng unang pumukaw saaming mahinhin na Ellaine.

"A-no? H-indi naman sa ganon. Gusto ko lang makita si Calsey." Natatarantang sabi ni Ellaine.

I smirked widely and surveyed the guy again. Gwapo. His hair was messy, making his hazel brown eyes highlighted. He has a narrowed nose and thin red lips. His white skin can compare to mine, pareho lang ata kami eh. Maganda ang pangangatawan base on his suit, naka-grey suit siya at black leather shoes. He was smiling a bit, may katabing babae mukhang sila ah? Nagbubulungan eh.

"Woah, ang hot. Saan mo napulot yan Ellaine potpot?" Siko ni Lany sakanya.

Sumimangot tuloy lalo si Ellaine. "Hindi ko kilala yan. Tara na nga."

Eskandalosang tumawa si Phillie. Napailing ako at natawa din, medyo napawi nga lang nang marandaman ko pagpatong ni Primo ng kamay niya sa tuhod ko. I glanced at him, he was looking at me with narrowed cold eyes.

"What?" I whispered.

Umiling lang siya. I pouted and glanced back to my friends. Napano ang lolo niyo?

"Nagseselos ka girl? Hilahin mo yung jowa mo! Sayo yun eh, ano tulak kita mamaya sa kanya?"

"No! Ano ba kayo. Hindi nga kami."

Tumayo na kaming lahat para puntahan si Calsey. Ang braso naman ni Primo agad na pumulupot sa bewang ko pagkatayo palang namin.

Nga lang ang malditang si Phillie pasimpleng itinapon sa babaeng kausap noong jowa daw ni Ellaine ang alak na nasa kamay niya. He acted like he was so shook. Pinigilan ko ang tawa ko.

To Fall AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon