Chapter EIGHTEEN

2 0 0
                                    

Today was our flight to Batanes, I was so bored the other days in school but now sitting beside him in the airplane makes my hearbeat fast as he gently hold my hand with his.

"Aren't you sleepy?" He huskily asked.

Ngumuso ako at bahagyang umiling kahit na medyo inaantok na nga. Gusto kong sulitin ang mga oras na ito, lalo pa't first time naming  dalawa na mag-travel o kung travel ba ang matatawag dito kahit na sasamahan ko lang naman siya paggawa ng research niya.

I lay my head on his shoulder and tightened my grip on his hand. He glanced at me with those gentle and dark eyes. I smiled at him.

"Hindi ako inaantok." malamya kong sabi.

He sighed. "You should sleep now. It's already one in the morning. Malayo pa ang Batanes."

Humikab ako, siguro nga tama siya. Napagod pa ako kagabi para matapos ko na lahat ng projects and recuqirements ko para wala na akong gagawin pagbalik namin sa Manila.

Pipikit na sana ako nang may maalala. Binitawan ko siya at umupo ng maayos, kinuha ko ang shoulder bag na nasa tabi ko at kinuha ang DSLR ko.

"Picture tayo!"

He nodded and waited for the next movements I'll do. Inanggulo ko ng mabuti ang camera para makuhanan kaming dalawa. He wrap his arm on my waist and stared seriously on the camera. Bumitaw ako at hinarap sakanya ang camera. Hindi siya ngumiti at nagtaas lang ng kilay.

"Uy, pogi! Ngiti naman diyan." Pang-aasar ko.

He smirked and shook his head, kinuhanan ko agad iyon. Ngumisi ako at inayos muli ang camera.

"Ngumiti ka naman, bilis!" I insisted.

He smiled a bit, sumimangot ako dahil sobrang pilit ng ngiti niya. Binaba ko ang camera at sinamaan siya ng tingin.

"May ipipilit pa ba sa ngiti mo?" Asar kong tanong.

Hinawakan niya ang kamay ko at hinigit palapit sakanya. He wrapped his arms, hugging me from behind.

"I don't like picture."

Inirapan ko siya. Ang arte-arte talaga ng mokong.

"Tss." I hissed.

He sniffed on my hair and chuckled a bit. "But we can do it together."

Tinanggal niya ang isa niyang kamay na nakapulupot saakin. Tinignan ko siya at nakitang kinuha niya phone niya sa bulsa. Linahad niya iyon saakin.

Kinuha ko iyon, I opened his phone and saw default as his lockscreen wallpaper. Pinakita ko ulit sakanya.

"Your password?"

He hugged me tightly from the back. "050806"

Ngumuso ako at tinipa ang password niya. Ano kayang ibig sabihin ng password niya? Hindi naman niya iyon birthday, mas lalong hindi ko naman iyon birthday! My eye balls was almost jump out because of what I saw.

Ang kahiya-hiyang hd wallpaper niya ay walang iba kung hindi ang pinaka-pangit kong kuha! I was eating ice cream in the picture, nakasimangot habang nakatingin sa camera may kaunting ice cream pa sa gilid ng labi! Bakit sa lahat ng picture ko ay ito pa ang pinili!

Masama ko siyang tingnan. There was a ghost of smile on his lips. Inismiran ko siya at binuksan ang gallery niya.

"Don't change it." banta niya.

Umirap ako at inexit na lang at linagay sa camera. Ngumiti ako sa camera kahit hindi pa siya nakakangiti ay pinicturan ko na. Hindi pa din siya ngumiti sa sumunod na picture at naka-dagan lamang ang baba sa tuktok ng ulo ko. Ngumisi ako at kinuhanan iyon. Umayos ako ng upo at nag-peace sign sa camera.

To Fall AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon