Chapter ELEVEN

2 1 0
                                    

I held my chest while breathing heavily, this is not true. Oh god, I can't believe this. Is this really happening?

Hubby: I'm sorry, I didn't plan to court you yet but, are you okay with it?

Oh my gosh! I do, Primo! Let's marry already! Charot!

Nanginginig ang labi ko at maging ang mga daliri! But I still managed to type a message for him.

Fin Niana: Okay lang.

Ay ang pabebe! Aarte pa ba ako?! Eh eto na oh, yung crush na crush ko liligawan na ako! Ene beh.

Excitement dripping on me, I can't help but to think about it. This is not the first time that someone will court me but this is the first time that I got very excited!

Hubby: I'll pick you up tomorrow. You should sleep now. I'll go home now.

Kinagat ko ang labi ko para mapigilan ang pagngiti na miserable namang hindi napigilan. Kinikilig ako leche!

Fin Niana: It's your birthday party, bakit mo iiwan ang mga bisita mo.

Hubby: It's not like they can't party without me. It's okay, I'm going home now.

Tss, pesteng lalakeng toh! Pinapakilig ako masyado!

Fin Niana: Sige ikaw ang bahala. Matutulog na ako. Bye! See you tomorrow!

Hubby: Goodnight.

Ngumisi ako at humagikhik. Bago ko linapag ang phone ko naghanap muna ako ng pwede kong ibigay sakanya bukas. Birthday niya ngayon at wala akong gift!

I slept happily last night. Even when I woke up earlier the smile was still plastered on my face. I was excited to go to the dinning area, I greeted mommy and daddy a kiss even when I'am not used to do it! I'am that happy!

"Good mood tayo ah? Anong meron?" Siko saakin ni Kuya.

Ngumisi ako at kinagatan ang hotdog na nakatusok sa tinidor ko. Mabagal ko iyong nginuya.

"Eh kasi yung crush ko, liniligawan na ko'!"

Napaubo siya at napatigil sa pagkain. He blinked twice, his forehead creased too. Wala naman pakealam sa pinaguusapan namin sina daddy at mommy since they're talking for something really important, muntik pa ngang magtalo.

"Isaiah didn't mention that. He's still your crush, ha? After all these years? Madaming lalakeng umiyak at dumaan sa'yo pero wala roon ang nakatalo kay Isaiah? You love him that much ha?" Nangungutya ang tinig niya at siniko pa ako.

Umirap ako at muntik ko ng itusok sa mata niya ang tinidor na hawak ko.

"Bobo hindi siya! I'd move on already. Hindi siya yung tinutukoy ko."

His brow arched. "Sino kung ganoon? Siguradong.." ngumisi siya. "Mas gwapo ako roon." he winked.

I rolled my eyes. "Oh come on."

"Ipakilala mo nga sakin yan. May plano ka ba? Seseryosohin mo ba iyan?" Tumawa siya.

"Ofcourse! I'm tired of being a playgirl." Nagkibit balikat ako.

Inubos ko na ang kinakain ko at naiwang windang si Kuya Zayn, laglag ang pangang nakatitig saakin. Ngumisi ako at sinara ang bibig niya, kinindatan ko pa bago ako umalis at umakyat sa kwarto.

I immediately go to the bathroom then to take a bath, after that nagpunta ng closet to wear my uniform. Sinukbit ko sa balikat ang bag ko at agad na naglakad palabas nang makatanggap ng mensahe kay Primo.

Hubby: I'm here already.

Fin Niana: Pababa na ako.

Kumaway ako sakanya nang makita siya tapat ng bahay namin. Nakasandal siya sa kotse niya, his arms we're crossed across his chest. Naka-puting button down longsleeve, itim na slacks at dark brown shoes. His hair was still wet, inayos niya ang mga maliliit na buhok na malayang dumadampi sa noo niya. Then I noticed the watch on his hand, iba iyon at nabagay sa suot niya! Silver ang kulay ng relo niya ngayon.

To Fall AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon