I groaned and hold my head tightly. Ang sakit ng ulo ko! Ang dami kong nainom! Napalinga-linga ako sa paligid. Napabalikwas ako sa pagkakahiga, mas lalo tuloy sumakit ang ulo ko.
Nasaan ako?
Napamura ako at unti-unting binaba ang tingin sa damit na suot ko, napabuntonghininga ako ng makitang iyon parin naman iyon. Pero nasaan ako? Tangina, ngayon lang ako nalasing ng ganito!
Napatalon ako sa gulat ng may kumatok sa pinto. My lips trembled when I saw who it was. He was staring at me with no trace of expression. He looked really handsomed with that white shirt and black cotton shorts. Naka-hilig siya sa hamba ng pintuan at naka-krus ang mga braso sa dibdib.
"P-rimo?" I stuttered.
He sighed and come nearer. Tinitigan niya ako, nahiya tuloy ako! Kasi naman, magulo ako matulog kaya paniguradong buhaghag na ang buhok ko ngayon! Isa pa hindi ako naligo kagabi, ang baho ko na!
"You're now feeling better?" He asked.
My lips trembled, hindi ako makahanap ng isasagot! Para akong na-bobo! Kahit bobo naman talaga ako!
"Y-eah, medyo masakit lang ang ulo."
He sighed. "How can't you have a headache if you drank too much last night."
"H-a? Naglasing ako?"
He rolled his eyes as if I'am so brainless person. Oo na! Ako na bobo.
"What do you think? You almost puked your whole internal organs last night."
Ano?! I gulped, nahihiya sakanya. Paano kung sinukahan ko pala siya? Nakakahiya!
"Uhm..n-saan pala ako?" I said shyly.
Napalinga-linga ako sa paligid. Sa tingin ko guestroom lang ito, simple lang ang motiff. Kaunti ang gamit, pang-guestroom talaga! White paints, brown curtains, cabinet and drawer. May isang pinto, banyo siguro.
"Bahay ko." Baliwala niyang sabi.
"Ah bahay mo." I nodded.
Napabalik ang tingin ko sakanya at nanlaki ang mga mata. "Bahay mo?!"
His forehead creased and brows furrowed. Ang gwapo pag nagsu-sungit. Wala bang goodmorning kiss diyan bb ko? Di pa nga pala ako nag-toothbrush hihi.
"P-aano ako napunta dito?" Nahihiya kong tanong.
"I don't know, stalker." He said.
Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Naglapag siya ng bottle of water sa maliit na cabinet sa tabi ng kama.
"Drink, after that wash up. Hindi kita pinalitan ng damit kagabi, nasukahan mo iyan kagabi pinunasan lang."
Napangiwi ako. Ang dirty! Hindi man lang ako pinalitan ng damit! Ayos lang naman, willing naman ako! Charot ang landi lang, tangina!
Binuksan ko ang bote at uminom roon. Pinagmasdan ko siyang tumalikod, he hold the door knob and stopped.
"By the way, you looked like a damn drug addict." He said and closed the door.
Naibuga ko ang iniinom kong tubig, anak ka ng! Tumayo agad ako at nagkukumahog na pumasok sa CR.
Pumipintig ng malakas ang puso ko dahil sa kahihiyan at sa pagtakbo kanina. Ngumuso ako, mukha ba akong drug addict? Kunwari compliment iyon, tseh! Sinong niloko ko? Insult yon! Insult, boba!
Nakita kong naroon na ang mga damit na pwede kong suotin. May tag pa, pinabili pa niya? Pwede namang t-shirt niya nalang! Ang landi, gago!
Binuksan ko ang shower, lumandas ang malamig na tubig, mayroong heater pero mas prefer ko ang malamig na tubig. I closed my eyes, medyo gumiginhawa na ang pakiramdam ko. But my head was still trobbing like hell though.
BINABASA MO ANG
To Fall Again
RomanceIt was truly, 'love is sweeter in the second time'. We'd fell apart, at the age of thirty I had divorced in the man I loved the most. To my first love, to the man I was willing to spend my life with. We'd learn how to let go and sacrificed. It was...