12: I'm So Sorry

436 17 2
                                    


Alas onse na ng gabi pero di gising pa rin silang dalawa at panay ang nood ng movie.

"Matulog ka na kaya hon? Anong oras na oh may pasok ka pa bukas.." Sabi ni Yoo Mi habang nakasandal sa dibdib ni Ryuki.

"Mamaya na..parang ayaw ko na kasi matapos tong araw na to" Sabi nito at pinagpatuloy ang pag aamoy sa buhok ng asawa

"Hon..ano ba talaga ang pinagselosan mo?" Tanong ni Yoo Mi at umayos ng upo para tignan ang asawa.

"Wala..wag mo nang alalahanin yun,let's forget about it" Sagot lamang ni Ryuki at pinasandal ulit ang asawa.

Natigil ang dalawa ng biglang tumunog ang cellphone ni nila ng sabay,uminom muna si Yoo Mi ng gatas bago ito tinignan.

It's a message from their group chat.

>Sakira: Guys! Gala naman tayo oh!
>Anica: Saan?
>Yoo Mi: gagala?
>Sakira: sa malayoooooo!
>Renz: Tsk ang saya mo ah? Siguro sinagot ka na ni Warren.
>Sakira: heh shatap! May ina announce ako epal ka!
>Dwayne: Saan ba?
>Sakira: saaaaaaaaaaaaaaa
>Anica: Pabitin lang?
>Ryuki: argh c'mon!
>Sakira: Korea! Bukas! Tomorrow! 6:00 ang flight! Nag book na ako! Sayang pag di kayo pumunta! 7 tickets yun kasama si Princess! Sama lahat ah! Pag hindi aalis na ako sa grupo nyo!.
>Yoo Mi: parang sobrang layo naman ata
>Sakira: Pleaseeeeeeee minsan na nga lang tayo mag out of town e!
>Yoo Mi: Fine.
>Dwayne: Deal.

"A-attend ka hon?" Tanong ni Ryuki ng makitang ibinaba na ni Yoo Mi ang cp nya.

"Oo,di ko matitiis si Akira e" Napangiti si Ryuki sa sinabi ng asawa.

Medyo matagal din silang nag stay sa ganung posisyon ng maramdaman ni Ryuki na nakatulog na pala si Yoo Mi.Binuhat nya ito ng parang bagong kasal at diniretso sa kwarto nila,kinumutan nya ito hanggang balikat at hinalikan sa noo bago pumunta sa closet.











'Pumayag din sila sa wakas!'

Ngumiti ng matamis si Akira bago,Napakasaya nya ngayong araw dahil bukod sa mag a-out of town sila ay masaya din sya sa kinalabasan ng meet up nila ni Warren.

"Naaalibadbaran na ako sayo huh! Kanina ka pa talon ng talon!" Sabi ni Renz sabay alis ng earphones nya.

"Heh! Pake mo ba huh?!" Sagot naman nito.

Pumunta kasi si Akira kila Anica dahil hindi sya nakapag luto ng ulam para sa hapunan at nadatnan nya rin doon ang kinaiinisan nyang si Renz.

"Uy! Mag kwento ka na kasi tungkol sa date nyo! Ang damot nito!" Sabi ni Anica pero ngumiti lang ulit si Akira at nagtatalon na naman.

Napairap na lamang sa kawalan si Renz habang nakatingin kay Akira.

"Ano bang nagustuhan mo dun?! Eh muka ngang babaero yun eh!- Aray!" Daing ni Renz nang batuhan sya ng unan ni Akira na galing sa sofa.

"Matalino sya tsaka mabait! Kumapara naman sayo! Puro lakwatsya lang ang alam! Tamad pa!" Napakuyom ng kamao si Renz sa narinig.

"E a-ano naman huh! Atleast mas gwapo at mas m-matangkad ako dun!" Umirap si Akira at dinuro sya.

"Okay ka na sana eh..kaso wala ka man lang naitutulong! Di parehas ng kuya mo! Masyado kang galaero! Ano bang natulong mo huh- Wahhhhh!" Sabay silang napatili ni Anica ng suntukin ni Renz ang lamesa kaya nagsihulog ang mga bubog dahil sa pagkabasag nito.

Agad na umalis si Renz at hindi ininda ang sakit ng kamay nya na ngayon ay nagdurugo na dahil sa malakas na pagsuntok nya sa lamesa.

Parang natulala naman si Akira at nakonsensya sa sinabi kay Renz.

"Off limits na ba ako girl?" Nakatulalang tanong nya kay Anica.

"Oo sumobra ka ata,sundan mo sya..nasaktan yun ng sobra" Lumingon si Akira kay Anica bago pumihit paalis para hanapin si Renz.

Hindi nya alam kung saan hahanapin si Renz,palinga linga lamang sya sa paligid at umaasang makakita man lang ng bakas ni Renz pero wala syang makita maski isa.

Malalim na rin ang gabi pero hindi na sya nakaramdam ng takot dahil sa kagustuhang makausap si Renz.Bigla syang kinilabutan ng mapadaan sya sa isang kanto ng may mga nag iinuman.Lumingon ito sa kanya at ngumiti bago tumayo ang isa sa kanila.

"Uy miss ganda? Saan tayo? Gusto mo hatid na kita?" Sabi ng lalaking may malaking katawan at may balbas.

"A-Ah may h-hinahap lang akong t-tao" Nauutal na sabi ni Akira ng dahil sa kaba.

"Pahinga ka na muna sa paghahanap..tara samahan mo kami dito" Sabi nung isa pang lalaki at tangkang hahawakan sana ang kamay nya ng iwakli nya ito kaya nainis ang lalaki.

"Ay pakipot si miss ganda" Nakangising sabi nung payat.

'Renz asan ka na ba?'

"Tara na kasi! Pakipot pa eh!" Hinawakan sya ng mahigpit sa pulsuhan nung lalaking may balbas.

"Bitawan moko!!" Sabi nito at panay ang pagpupumiglas.

"Sumama ka sabi e!-" Sasampalin na sana nung lalaki si Akira ng biglang may sumuntok sa muka nito.

"Puta! Sino ka ba?! Pakialamero!!"

Sinugod nung dalawang lalaki si Renz at madali nya namang naiiwasan ang mga suntok mula dito.Hahampasin sana sya ng upuan nung ikatlong lalaki ng sinipa nya ang hawak nitong upuan kaya natumba sya sa sahig.

Bumwelo si Renz para sipain ang isang lalaki na nagawa nya namang mapatumba.Sinuntok naman nya sa sikmura at sa muka ang isa at di na nagawa pang makatayo.

Isa na lang ang kailangan nyang ligpitin.Sinugod sya nito at agad na pinaulanan ng suntok sa muka pero sa di inaasahan ay hindi nya nagawang iwasan ang dalawang sunod sunod na suntok nito kaya napatumba sya at napadura ng dugo pero agad ding bumangon.

Sya naman ang sumugod at sinuntok ito sa sikmura..bumwelo sya ulit at sinipa ng napakalakas ang lalaki kaya nakatulog ito agad,tinignan nya si Akira na tulala kaya hinawakan nya ito sa pulsuhan at tinakbo na papunta sa ibang lugar.

"Nababaliw ka na ba huh?! Bakit ka gumagala ng gabi ng mag isa?!" Galit na sabi nya kay Akira.

"H-Hahanapin sana kita-"

"Bakit?! May kailangan ka pa bang idagdag sa mga sinabi mo-" Hindi nya natuloy ang sasabihin nya ng yakapin sya ni Akira.

"I'm so sorry Renz..sa mga nasabi ko,sana mapatawad mo ako" Sabi nito

"Salamat din..kung hindi ka dumating siguro may nangyari na sakin ngayon,salamat talaga" Gumanti ng yakap si Renz at tinapik tapik ang likod nya.

"Wag ka nang lalabas sa gabi" Tanging sabi lang ni Renz.

Kumalas ng yakap si Akira at tinitigan sya,nakita ni Akira sa mga mata ni Renz ang labis na pag aalala,napatingin sya sa labi nitong pumutok dahil sa nakuhang suntok kanina.

"Hayst nabangasan ka tuloy.." Sabi ni Akira at hinaplas ang labi nito ng hawakan ni Renz ang kamay nito na nasa labi nya.

Saglit silang nagkatitigan ng unti unting ilapit ni Renz ang muka nito kay Akira,

"A-ano,Tara na..gagamutin pa natin yang sugat mo" Sabi ni Akira ng iiwas nya ang muka nya dito.

Ngumiti na lamang si Renz at tsaka tumango.

*****
Author's Note;
So ayun,magkakaroon na nga sila ng out of town! So ayun sino ba ang gusto nyong couple? Akinz ba o Wakira? Comment na daliiiii


THAT MEAN PROFESSOR IS MY HUSBAND (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon