Matapos may mangyare kina lily at lazaro ay mas lalo pa silang naging malapit sa isat isa, ipinakita ni lazaro na karapat dapat sya para kay lily talagang inalagaan at minahal nya si lily. Kahit madalas na nasa palasyo si lily ay hindi naman sila nagkaka problema ni lazaro hanggang sa ipinag bubuntis na pala nya si ace hindi nya ipinaalam kay lazaro buhat ng malaman nyang may kina aadikan itong isang babae! Balak na sana nyang ipaalam kay lazaro pero hindi na nya itinuloy dahil sa nahuli nya ito. Hanggang sa alukin sya ni oscar na mag pakasal, nag paalam ito kay oscar na uuwi sya sa china para sana kamustahin ang mga kamag anak nya pero ang totoo ay doon nya balak ipanganak si ace! At ng bumalik sya ay inayos na nila lahat ng mga gagamitin nila for the wedding, at 2 times ding may nangyare kina oscar at lily and then hanggang sa dumating na ang araw ng kasal nila at halos lahat ng mga matataas ang posisyon sa ibat ibang lugar ay imbitado kaya napaka laking okasyon talaga ang naganap sa kasal nila, doon din may nangyareng muli kina lazaro at lily dahil sa pag kidnap ni lazaro kay lily! Hanggang sa napatay si lazaro.
Namatay nga ba? Charotttttt! HAHAHAHA🤣 guys baka maguluhan kayo ha? Abangan nyo na lang yung next.
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-"Paano mo nagawa sakin toh, lily?" Nanghihinang tanong ni oscar sakanya
"Hindi ko din alam! Basta nagawa ko lang, gulong-gulo nako simula pa lang nung una, oscar!" Pinahid ang luha "kaya nga nung una palang iniwasan na kita, oscar! Pero, pero ikaw yung kusang lumalapit sakin! hindi ako!"
Nilapitan ni oscar si lily at hinawakan sa magkabilaang braso,
"Minahal mo ba sya?"
"Ano bang klaseng tanong yan, oscar?" Naka titig na sagot nito
"Sagutin mo ang tanong ko! Minahal mo ba-------"
Naputol ang sasabihin nito ng sumagot ito ng oo, kaya agad na sinakal nya si lily at napahiga na ito sa kama at halos malagutan na ng hininga dahil sa higpit ng pag kakasakal nya rito. Agad na naawat nina aling awring si oscar ng makitang nangingitim na si lily sa pagkakasakal nya rito, natauhan si oscar ng makitang nag hahabol ng hinga si lily at halos humagulgol na,
"Lily? I-im sorry!!"
"Daddy? Mommy?" Ace said na kagigising lang
Ng hawakan ni oscar si lily upang yakapin ay agad sya nitong itinulak na hinang-hina,
"W-wag ka-kang la-l..lalapit!" Kapus hiningang sambit nito kasabay ng pag hagulgol nya at agad na bumangon.
Iniligpit nya ang mga gamit nilang mag iina at iniwan ng tuluyan si oscar. Mas minabuti na lamang ni lily na lumayo na muna upang pareho silang makapag isip! Maging si manang rosa ay malaki ang galit kay oscar dahil sa ginawa nito sa alaga nyang si lily na halos ituring na nyang parang tunay na anak! Bago pa man sila tuluyan umalis ay dumaan pa ito sa puntod ng kanyang mga magulang at doon ay inilabas lahat ng hinanakit.
"Mommy? Sila po ba ang lolo and lola ko?" Ace said na naka ngiti habang hawak-hawak ang mga bulaklak
"Yes! Honey, say hi to your lolo and lola!" Naka ngiting sambit nito at inayos pa ang naka tayong buhok ng anak
Lumapit ang bata sa puntod ng kanyang lolo at lola at inilapag ang mga bulaklak at parang mga buhay ito na kinakausap nya,
"Hi lolo! Hi lola!" Medyo may pagkama arteng bati nito "you know what! Mommy and i are really missed you too! And look my little sister are smiling," at saka nilingon sina lily na nakatayo "mama? Come here! Lolo and lola want to talk to you, "
Agad namang lumapit sina manang rosa at naupo ito sa tabi ni ace habang si lily naman ay iniabot si amanda kay manang rosa na tila gusto ding kausapin ang dalawang matanda.
"Michelle? Joel? Paki kausap nga yang anak ninyong dalaga dahil nako, hindi kona alam ang gagawin ko riyan!!" Sambit ng matanda na biglang nahagulgol
"Ma? Pa? Nandito na ho yung pangarap nyong maging apo, lalaki at babae ho!" Naka ngiting sabi nya "Mama? Papa? Patawarin nyo ho ako!" At napaluhod habang humahagulgol "Patawarin nyo ho ako kung, kung hindi ko ho natupad yung gutso nyo para sakin! Hindi ho ako naging mabuting tao tulad ng inaakala nyo! Mama! Papa! Miss na miss kona ho kayo, ng dahil sa kagustuhan kona umangat sa buhay at maalis sa putik na kinalulubugan ko, , , heto ako ngayon at napaka samang tao!"
Napaiyak na si manang rosa maging si agustus na hawak-hawak si ace ay hindi na din napigilang mapaiyak, habang pinag mamasdan ang naka luhod na si lily at humahagulgol. Agad din silang umalis matapos ng iyakang naganap sa puntod ng mga magulang nya, saktong pagkaalis nila ay ang pag dating naman nina oscar kasama sina diana at borja.
"Mr. President? I think nakaalis na sila bago pa tayo dumating!" Diana said at tinignan ang mga bulaklak na iniwan doon ni lily
"Kailangan natin silang makita!" Oscar said saka sumakay sa sasakyan
Nag tinginan pa sina diana at borja bago sumunod kay oscar.
Nakasakay na sa yate sina manang rosa patungong isla kung saan sila lang mismo ang nakakaalam, yun ang isla na pangarap nya sanang manirahan kasama si lazaro kung hindi nasira ang lahat ng iyon. Masyadong mahaba ang biyahe nila kaya inabot na sila ng hapon, limang isla pa kasi ang kailangan nilang lagpasan bago nila marating anh islang pupuntahan nila! Iniwan nila ang sasakyan sa kakilala ni agustus ipinagamit na din nila iyon at pinapalitan nadin ng plate no. Para incase na mamukhaan ang sasakyan.
"Maalikabok na ito nak!" Manag rosa said ng hawakan ang lamesa
"Siguro ho yung kwarto hindi paki akyat na lang sa taas si ace agustus! Nay rosa? Tara ho muna sa taas!"
Ng mailapag na nila ang mga bata ay hinitay na muna nila ang kausap ni manang rosa na kaibigan nya na malapit lang sa isla nakatira, si fe ang kaibigan nya noong kadalagahan nya.
Hindi nag tagal ay dumating na din ang matanda kaya naibilin nila ang mga bata habang sila naman ay nag umpisa ng mag linis, may katabing malaking bahay sina lily pero medyo magkalayo ito. Halos inabot na sila ng gabi ng matapos iyon, naka pag luto na din si manang rosa at naka ligo narin sila! Lima ang kwarto ng bahay at 3rd floor naman ang taas ng bahay, ang isang kwarto ay kay agustus doon banda sa baba, ang isa dalawa namang kwarto sa 2nd floor ay kina manang fe at manang rosa ang kwarto naman nina lily ay sa itaas, naka tulog na ang mga bata kaya nag inuman na muna silang apat sa may labas hindi masyadong umiinom si manang fe dahil nga baka magising sina ace, nag tatawanan sila habang nag iinuman."Ngayon ko lang nakita ang mga ganyang ngiti at maging ang pag tawa mo ng ganyang kalalakas eh ngayon na lang ulit!" Naka ngiting sabi ni manang rosa na ikinangiti ni lily
"Masyadong malayo ang isla na ito! Paano kapag bumalik kayo sa manila nyan, ?" Agad na tanong ni manang fe
"Hindi na ho kami babalik sa manila! Dahil mas panatag ho kami kapag tahimik!" Tanging sagot ni lily
"Kaya nga ho!" Sabat naman ni agustus "sa manila ho kasi magulo at isa pa maingay! Eh dito ho sa isla eh naoaka tahimik at sariwa pa ang hangin!"
"Nakakatuwa kang bata ka! Ano mo nga ito Ms. Lily?"
Napa tingin si lily kay agustus,
"Kapatid ko ho sya!" Pagpapakilala nya rito
"Ah, sakto may apo ako kasi bata pa sya tiyak na magugustuhan mo sya kaso napaka sungit!" Natatawang sambit ni manang fe
"Sya ba si sarah? Ang inaanak ko?" Sabat naman ni manang rosa
"Oo! Napakalaki na ng batang iyon!"
"Bakit ho hindi nyo sya isinama dito?" Singit ni agustus
"Hayaan mo tatawagan ko sya upang papuntahin dito! Ng sagayon ay magka kilala kayong dalawa!"
Nabalot ng saya at napuno ng tawanan ang gabing iyon para sakanila.
BINABASA MO ANG
TRUE LIES
RomanceLily ann Cortez is a Queen drug lord sa buong mundo. Sakim sa kapangyarihan at walang ibang iniisip kundi ang sarili lamang nya, makikilala nya ang presidente ng pilipinas sa pamamagitan ng ibang pagkatao. Oscar Hidalgo is the president of the phili...