CONTINUATION.

179 11 7
                                    

Habang tumatagal mas lalong napapalapit si ace kay lazaro, kung minsan nga ay nasasabi ng anak ko na sana ay si lazaro na lang ang papa. Hindi ko alam kung paano ko ilalayo ang bata sakanya hindi nya pwedeng malaman kung sino at kung ano talaga kami sa buhay nya. Ikinuwento sakin ni cedrick na isang himala na nabuhay si lazaro naisip ko na siguro ay sadyang maypagkasadimonyo talaga si lazaro kaya hindi sya namatay, ang kaso nga lang ni hindi nya matandaan lahat mag mula sa kung sino sya at kung ano ang nakaraan nya!

Susunduin kona sana si ace dahil gabi na, hindi naman kami masyadong nag uusap ni lazaro si cedrick naman eh madalas na kasama nya eh si agustus habang sina manang fe at manang rosa naman ay nagtutulungang mag alaga kay amanda, si ace naman ay si lazaro habang ako naman ay inaasikaso ang negosyo ko.

"Hi" bati ko kay lazaro ng pag buksan ako nito ng pinto.

"Ikaw pala! Pasensya kana, napagod si ace kakalaro namin kanina!" Masayang sambit nito

"Nako! Pasensya kana hayaan mo ipapakuha kona lang sya kay agustus para hindi kana maistorbo dito!"

Nakita ko ang pagkunot ng noo nya dahil sa sinabi ko.

"Hindi naman istorbo sakin ang anak mo! Alam mo tuwang-tuwa ako sakanya dahil napaka talino nya!" Naka ngiting sabi nito saka inalok ako ng tiquila.

"Thanks!" Matipid kong sabi ng abutin ang baso.

"Pwedw ba kitang maka kwentuhan? Total tulog naman ang susunduin mo!" Naka ngiting sabi nya.

"Sige basta ikaw mag kukwento hindi ako!" At naupo sa upuan.

"Alam mo ang akala ko kami lang ng kapatid ko ang tao dito! Pero hindi pala, may isang magandang dilag pala ang naririto." Tinitigan ako ni lazaro na ikinatawa ko. "May nakakatawa ba sa sinabi ko?"

"Wala ka paring pinag bago lazaro! Napaka bolero mo parin hanggang nagyon!" Sabi ko sa isip ko habang naka titig sakanya.

"Ms.lily?" Tapik nya sakin.

"Ay! Hindi natawa lang ako kasi si cedrick ba yung tinutukoy mong kapatid?"

"Oo! Bakit hindi ba halata?"

"Hindi eh!" Natatawang sagot ko.

Napangiti sya at napalagok ng tiquila.

"Nasaan ang asawa mo? Bakit hindi ko yata sya nakikita?"

Napatitig ako kay lazaro na para bang hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa tanong nyang iyon, nakita na kasi nya si amanda at ngayon lang kami nag kausap ng ganito.

"Ah! Wala nagka problema kasi kami kaya nagpakalayo-layo na muna ako!" Sagot ko saka nilagok ang tiquila.

"Nabanggit sakin ni ace na hindi nya daw kilala ang tunay nyang papa? Totoo ba yon?"

"Teka! Diba ikaw lang dapat yung mag kukwento? Bakit parang Question and answer na ito?"

"Seryoso! Pwede mo bang ikwento sakin yung mga masalimuot na nangyare sa buhay mo? Napapaisip lang kasi ako eh!"

"Napapaisip?" Nagtatakang tanong ko.

"Oo! Tulad ngayon yung tanong ko sayo kung nasaan yung asawa mo? Ang sagot mo naman sakin nagka problema kayo!"

"Hindi mo din maiintindihan, lazaro!"

Pinipilit nya akong mag kwento pero ayoko talaga, hanggang sa ikuwento nya yung kaisa-isang alaalang hinding-hindi nakalimutan ng puso't isipan nya.

"Ano naman yon?" Seryosong tanong ko habang naka titig sakanya.

"May babaeng palaging laman ng panaginip ko! Halos sya lang yung napapanaginipan ko, pero hindi ko maaninag yung buong itsura nya!"

"Babae?"

"Oo! At sa tuwing imumulat ko ang mga mata ko may mga luhang rumaragasa sa mga mata ko, para bang ang sakit-sakit peeo hindi ko maintindihan!"

"Baka naman mama mo lang or kapatid!"

"Wala nakong pamilya! Yon ang sabi ni cedrick, pero kung sino man yung babaeng napapanaginipan ko araw-araw wala nakong pakialam don!"

Nasamid ako sa sinabi nya kaya naibuga ko ang alak at agad namang pinunasan ni lazaro,

"Wala kana bang ibang naaalala?"

Ngumiti ito at huminga ng malalim.

"Naaalala ko lang yung araw na ikakasal yung babaeng mahak ko pero hindi sakin!" Naka ngiying sabi nito.
"Hindi ko man maaninag yung mga mukha nilang pareho pero kilalang kilala ko sila! Kaya hindi ako titigil hanggat hindi ako nakakapag higanti sakanila!"

"Bakit ka mag hihiganti?" Mahinang tanong ko.

Tumitig ito sakin at di kalaunan ay yumuko ito.

"Niloko nila ako! Pinagkaisahan at pinaglaruan! Kaya hinding-hindi ko sila mapapatawad!"

"Paano kung dumating yung araw na magkita kayong muli? Anong gagawin mo?"

"Sino?"

"Yung babaeng minahal mo ng lubusan! Pero iniwan ka ng walang dahilan!" Sagot ko.

"Hindi ko alam! Mukhang malabo na ding mag kita kaming muli! Dahil alam kong masaya na sya kasama yung lalaking pinili nyang ibigin at makasama kesa sakin!"

Ngumiti ako ng matipid dahil hindi kona alam yung mga isasagit ko.

"Mahal na mahal ko parin sya kahit hindi na ako yung mahal nya!" Ngumiti ito sakin at muling uminom ng alak. "Alam mo bang sya lang yung babaeng minahal ko ng higit pa sa buhay ko! Handa kong isakripisyo lahat maski ang buhay ko kaya kong isakripisyo para lang sakanya, dahil ganoon ko sya kamahal! Masaya naman kami dati, pero nagulat na lang ako ng magising ako sa katotohanang hindi na pala ako yung mahal nya! Hindi na ako yung mahal nya pero ako yung kailangan nya, minsan nga sinasabi ko sa sarili ko na sana hindi kona lang sya nakilala at sana hindi kona lang ipinilit yung sarili ko sa taong hindi naman ako yung gusto!" Nagulat ako ng bigla itong tumawa, "minsan ang daya din ng panahon at ng diyos! Ito na nga yung matagal ko ng hinihingi sakanya na sana makalimutan ko lahat pero yung ginawa nya! Hinayaan nyang makalimot ako sa lahat pero hindi sa sakit na ipinadanas nya sakin!"

"La-lazaro?" Mahinang sabi ko.

"Sana hindi kona lang sya minahal! Sana hindi ko hinayaang umikot yung mundo ko na sya ang kasama ko, hindi kona sana sya tinulungan noong mga panahong kailangan nya ng kakampi! Pero sa dinamirami ng pwede kong kalimutan bakit hindi sya yung nakalimutan ko?"

Nanatili akong tahimik habang naka tingin sakanya, gusto ko syang yakapin! Gusto ko syang hawakan pero nahihiya ako! Naiinis ako sa sarili ko, ni hindi ko man lang naisip na sobra ko syang nasaktan! gusto kong sabihin sakanya na ako yon pero hindi ko magawa, ramdam ko yung galit nya! Hindi ko sya masisisi kung bakit ganon na lang sya kagalit. Hindi ko namalayang napaluha na pala ako at natauhan lang ako ng punasan nya iyon at ngayon ay magkalapit ang mga mukha namin at kapwang nagkakatitigan.

"Im sorry, lazaro!" Naluluhang sambit ko.

Sunod-sunod yung pagbagsak ng mga luha ko at halos hindi kona mapigilan

"Bakit ka nag sosorry? Wala ka namang kasalanan sakin! Yung babaeng yon ang nagkasala sakin at hindi ikaw!"

"Im sorry!" Naiiyak kong sabi at dali-daling lumabas.

Naguluhan si lazaro, nakaramdam sya ng pananakit ng ulo at biglang may sumagi sa isipan nya! Naalala nya yung araw na nagkasagutan kaming dalawa. Gabing-gabi na sa pagkakaalam ko ay tulog na sila manang fe! Gusto kong sumigaw at napansin kong malayo nako sa bahay kaya nag patulot lang ako sa paglalakad hanggang sa napaupo ako dahil halos hindi kona kayanin yung sakit na nararamdaman ko dahil sa mga binitiwang salita ni lazaro.

WELL! DIPA AKO NALILIGO GUYZZZZZ! SHARE KO LANG HAHAHAHAH

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 26, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TRUE LIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon