CHAPTER 15

104 5 5
                                    

Pag gising ko sa umaga sinilip ko sina manang fe mukhang masarap ang tulog nila medyo malikit silang tignan pero ang sarap nilang pag masdan, pinuntahan ko si ace sa kwarto nya pero wala sya kaya ginising ko sila manang rosa at nag hiwa-hiwalay kami para mahanap si ace, si manang fe naman ay naiwan dahil walang bantay kay amanda.

"Aceeeeeeeeeee?" Tawag ko sa pangalan nya

Panay din ang tawag nila agustus at manang kay ace pero walang lumilitaw na ace sa harapan namin,
Nabalot ako ng kaba dahil hindi ko kakayanin kapag may nangyareng masama sa anak ko hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

"Nakita nyo ba?" Agad na tanong ko kina manang rosa

"Wala! Susmaryosep na bata ito oh!" Kinakabahang sabi ni manang rosa

"Agustus hindi ba't kayo ni ace ang mag kasama buong gabi?"

"Opo boss! Pero hindi ko naman napansin na malis sya!"

"Kailangan kong mahanap ang anak ko!" Nangingilid ang mga luha ko ng iwan ko sila.

Sa kaliwang gawi ako nag hanap kasama si agustus habang si manang rosa naman ay sa kanang gawi. Halos mag ta-tatlong oras na kaming nag hahanap kay ace ng makita ko ang si manang rosa na yakap-yakap si ace at ang lalaking naka talikod sakin pero hindi kona ito hintay na lumingon sa halip ay dali-dali akong tumakbo papunta sa gawi nila at naitulak ko pa ang lalaki bago ko yakapin ang anak ko.

"Baby! Jusqoooo, sanka ba nag pupupunta ha! Pinag alala mo kami!" At muling niyakap si ace. "Tinakot moko! Huwag mo ng uulitin ha? Gigisingin mo si mommy kapag may kailangan ka ha?" Naiiyak na sabi ko

"Im sorry! I'm just looking for a playmate, mama" sagot ni ace

"I know son! Pero kailangan mong mag paalam ka samin ha?"

Nakita ko ang reaction nila agustus parang naka kita ng multo habang naka titig sa likuran ko pero hindi ko iyon pinansin ng muling mag salita si ace kinuwento nya kung paano sya napunta sa bahay ng lalaki kaya napa ngiti ako, pagka harap ko nagulat ako ng makita ang lalaking naka tayo sa harapan ko! Hindi ko alam kung nananaginip ba ako o totoo? Hindi ko maigalaw ang buong katawan k ni makapag salita hindi kona nagawa, napaluha na lang ako ng wala sa oras! Mag sasalita na sana ako ng bigla na lang akong nawalan ng malay.

Nagising ako at inilibot ko ang paningin sa kabuuan ng silid, napaka lawak at napapalibutan ng mapupulang bulaklak napatingin din ako maging sa kulay ng mga gamit doon! Napansin ko lang na halos kulay pula lahat ng gamit doon, nabighani ako sa ganda ng loob ng malala ko ang nakita ko at napa tingin sa pabukas na pinto kaya nag kunwari akong wala paring malay, halo-halo ang emosyong nraramdaman ko hindi ko alam kung imumulat koba ang mga mata ko o mas gugustuhin kona lang na manatiling tulog dahil hindi ko pa kayang harapin ang lalaking nasa harapan kona ngayon.

"Hindi pa ba sya nagigising? Jusqooo! Wala bang doktor na maaaring tumingin sakanya?" Si manang rosa.

Napaka OA ng datingan mo jan manang ha!

"Hindi pa ho! Pero huwag ho kayong mag alala! Magigising din ho si lily" sagot ng lalaki.

Maya-maya pa ay iminulat kona ang mata ko at napa bangon dahil kitang-kita ko yung taong kinamumuhian ko noon subalit minahal ko naman ng buong-buo, bakit bumibilis ang tibok ng puso ko na may halong kaba! Inalalayan nya ako ng tapikin ko ang kamay nya.

TRUE LIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon