CONTINUATION OF CHAP. 14

125 4 0
                                    

Halos 3 weeks na kaming nasa isla, hindi ako masyadong lumalabas ng isla dahil mas gusto kong nasa loob lang at nag kukulong! Hanggang sa naisipan nila manang rosa na maligo kami sa dagat kasama sina ace syempre ayoko namang tanggihan sila kaya pumayag ako ang hindi ko alam naka prepared na pala sila na ikinatawa ko, habang nag tatampisaw sa tubic sina agustus at ace ay pinapahiran naman ako ni manang rosa ng sun black habang nag uusap, si manang fe naman ay pinatatawa ng pinatatawa si amanda.

"Lily?" Si manang rosa.

"Ho?"

"Sigurado kana ba sa desisyon mong ito? Mag tatago lang ba tayo dito o makikipag hiwalay kana ng tuluyan kay oscar?"

Napaharap ako kay manang rosa at napa buntong hininga, tinanaw ang kagandahan ng karagatan at bumuntong hininga.

"Nandito ho tayo para mag pakasaya at hindi para dalhin dito yung problema!"

"Gusto ko lang malaman anak kung ano ba ang gusto mong gawin! Mas magandang mag desisyon kana lumalaki na ang mga bata, si ace hindi mo pa naipapaliwanag don sa panganay mo kung sino ba talaga ang tunay nyang ama! Matalino ang batang yon kaya alam ko na mauunawaan nya kapag ipinaliwanag mo sakanya!"

"Alam ko po yon! Pero sa ngayon ho eh kailangan kona munang palamigina ng utak ko dahil baka sumabog ako ng wala sa oras!"

Niyakap ako ni manang rosa at masaya naming pinag mamasdan sina ace na malakas ang tawa at nakikipag habulan kay agustus. Ng ako na lang ang mag isa! Natanaw ko ang isang lalaki na umahon mula sa pagkakalublob sa tubig hindi ko masyadong maaninag ang mukha nito dahil napakalayo sa kinaroroonan namin, may kasama pa syang lalaki na may iniabot sakanya, napalingon ako kay ace na tumatakbo pa punta sa dalawang lalaki at ng madapa ay agad akong tumayo at tinungo ang direksyon nito ng bigla akong tawagin ni manang fe at iniabot sakin si amanda na kanina pa umiiyak at gusto ng dumede kaya si manang fe na ang inutusan ko upang kuninsi ace doon.

Pag lapit nila ace sakin ay may dala-dala na itong teddy bear na maliit at isang maliit na bangka na inukit sa kahoy! Tuwang tuwa ito maging si manang fe ay namumula sa kilig at ikinuwento ang nangyare.

"Matagal na ho ba sila jan?"

"Noong isang araw pa daw sila nariyan at hindi daw nito inaasahan na may tatao din pala sa islang ito!" Si manang fe

"Eh gwapo ba? May asawa ba?" Si manang rosa

"Manang? Ito kamo!" Sita ko rito kaya napa belat ito sakin

"Napaka guwapo at napaka laki ng katawan! Ay jusko po napaka bait pa!"

"Malaki ang katawan? Ang ibig mo bang sabihin eh may muscle at abs ang lalaking iyon?" Kinikilig na tanong ni manang rosa

"Oo, ang laki talaga ng kuwan nya!" At tumitig ito kay manang rosa na para bang sa tinginan nilang iyon ay nagkakaintindihan na sila.

"Eh, malayo pala ang pagakakapareho nila sa asawa mo, lily! Si oscar eh laki lang ng tiyan ang meron yung binata jan sa kabilang bahay eh may abs!" Natatawang sabi nito

"Manang rosa??? Hindi naman ho kasi sukatan ang pangangatawan at itsura ng isang tao sa pag iibigan! Dapat ho kasi naka base tayo sa pang loob na kaanyuan!"

"Eh, tama nga ba ang napili mo?" Singit ni manang rosa na ikinatahimik ko.

Sa nagawa sakin ni oscar napaisip ako na kulang pa yon bilang kabayaran sa mga nagawa ko sakanyang kasalanan!

"Kung si lazaro na lang kasi ang pinili mo eh di sana masaya ka at hindi nakakaramdam ng sakit!"

"Lazaro?" Si manang fe

"Oo! Ang dating nobyo ng alaga ko! Eh kung hindi lang namatay eh di sana hanggang ngayon eh ipinag lalaban nya pa ito! Eh ang kaso nga lang ang sobrang pag mamahal nya mismo ang pumatay sakanya!"

Tumayo ako at nilapitan si ace na nag lalaro ng buhangin, umiwas nako dahil ayokong bumalik ang alaala ng nakaraan sakin! Lalong lalo na ang nakaraang sobra kong pinag sisihan pero hindi kona maibabalik ang buhay ni lazaro, hindi na!.

TRUE LIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon