Two | 두

229 32 196
                                    

"Until I can figure out this confusion, until I know what these feelings are... don't you dare go far from me."

-Moon Embracing the Sun

✈️| N O W- 2018 |✈️

"Sigurado ka bang safe ka riyan, anak?"

I multi-tasked by speaking to my parents who are still currently working abroad and arranging the stuff I had brought from Myeongdong last night after I got back from Nami Island.

"Ayos lang po. 'Wag na kayong mag-alala. Malaki na 'ko."

"Baka naman may trabaho riyan na puwede sayo, 'nak," komento naman ng Tatay ko.

"Wala po eh. Hindi po sila tumatanggap ng mga Pilipino as teachers. Native English Speakers po dapat."

"Eh 'yong kaibigan mo? Si Ruby?"

"Housewife siya, Ma."

"Tanungin mo lang 'nak. Malay mo, makapag-trabaho ka riyan," suhestiyon ni Papa.

"Mabuti 'yon para may matuluyan kami riyan ng Papa mo kung sakaling makapagbakasyon diyan. Saan ka ba pumunta kahapon?" excited naman na usal ni Mama.

Tulad ko ay adik rin sa kdrama si Mama kaya mas excited pa siya para sakin nang sinabi ko na na-approve ang tourist visa ko pa-Korea.

"Petite France, Nami Island and Myeongdong– 'yong isa sa mga shopping district nila rito. Bought you a Mr. Buckwheat stuffed toy."

Tumili si Mama na parang teenager nang narinig ang sinabi ko. "Thank you, 'nak!"

Kilig na kilig ang boses niya dahil paborito niya talaga ang Goblin. Kaya ko sinadyang bilhan siya ng Goblin merch.

"You're welcome po, Ma."

"Basta 'yong napag-usapan natin ha. Pagbalik mo sa Iloilo, mag-apply ka na for Training Specialist sa HR. Sayang naman ang abilidad mo!" pangungulit na naman ni Papa.

I said goodbye without responding to his reminder. It's not something I want to think about right now, lalo na at gusto ni Papa na bumalik na ako sa pagtuturo, "sa totoong trabaho". His words, not mine. I'm a licensed teacher but I honestly don't feel like I can stand teaching for the rest of my life.

See this is what they don't tell you as young people. They expect you to know what you want to do for the next forty years at the tender age of sixteen. But you don't even know yourself thoroughly at that age. And the sad reality is, intelligence isn't enough to make good career choices. Being smart is not enough; you should have a realistic vision of the future, make strategic career plans and work hard to achieve them. Snagging a job isn't enough, one must plan for a career– hopefully, one that you love and can sustain your lifestyle.

Just thinking about it now is giving me a headache.

Pagkatapos naming mag-usap ay umalis na ako para makapunta sa EWHA Women's University. Wala talaga 'yon sa itinerary ko pero ayun sa Google maganda ang shopping district doon.

However, in the end, hindi ako masyadong natuwa sa mga coats na binibenta doon dahil medyo pricey. Naalala ko na naman si Ruby Rose! GRRR.

Nevertheless, I bought a nice black coat because it was either that or bear the cold (which was totally out of the question). Gusto ko man na mag-explore din sa EWHA Women's University ay minabuti ko na balikan na lang ito sa susunod.

My next stop was Lotteworld. Dahil nakabili na ako ng ticket sa Klook ay hindi ko na kailangan na pumila. 'Yon nga lang ay iba pala ang entrance para sa mga Klook ticket holders. ₱1,365 ang bili ko sa app pero kung dito ako bumili ay aabot ng higit sa ₱2000 kaya ayos na rin siguro. Lalo na at kasama na rin ang ticket sa Aquarium.

Tayo SanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon