"Wait for me. Whenever you're struggling or scared or in danger, call my name and I'll run to you and protect you. Because I love you."
- A Korean Odyssey
✈️| N O W- 2018 | ✈️
Pagkatapos namin makabalik mula sa DMZ tour ay nagtungo ako sa Dongdaemun. 'Yun ang maganda sa Seoul. Puwedeng-puwede ka mag-isa pag nagto-tour dito basta may google map ka at mobile data. Hindi naman ganun ka hirap intindihin ang bus o 'di kaya ang train system nila kaya hindi ka maliligaw basta alerto ka lang.
Puro mall ang sa area na 'yun kaya nagpasya akong maglakad sa gilid ng Cheonggyecheon Stream at subukan ang mga streetfood sa Gwangjang Market.
Lagi kaya si Seth pumapasyal o hindi?
Wala talaga akong masyadong alam sa buhay niya rito dahil hindi naman siya mahilig mag-post sa Facebook. Minsan nakikibalita ako kay Tricia na pinsan niya pero wala rin siyang communication talaga kay Seth.
Bago ako umuwi sa apartment ay bumili ako ng souvenir na payong. Maganda ang disenyo dahil may mga itim na lace sa palibot nito. Medyo mahal lang pero tingin ko ay matibay naman. Kung sakaling umulan habang nandito ako, magagamit ko rin 'di ba.
I haven't received any message from Seth after that conversation from last night and I don't have any plans of contacting him tonight. Ayoko na makulitan siya sakin dahil baka hindi na talaga siya magpakita.
✈️
"Ano'ng sabi mo na hindi na malamig dito sa Korea?" bungad ko kay Ruby Rose nang tinawagan niya ako.
"Bakit? Hindi na kaya malamig dito sa Changwon," depensa niya sa sarili.
"Ruby Rose, iba ang temperature rito sa Seoul! Pasalamat ka may dala akong isang jacket. Tapos nag-shopping na lang ako nang wala sa oras!"
"Ay! Sorry, Andy!"
I just rolled my eyes and laughed the annoyance away. Alangan naman mag-suplada pa ako 'di ba?
"Puntahan mo 'ko rito sa Changwon, Andy. Para makabawi naman ako sayo. At saka para makita mo rin itong inaanak mo."
"Sorry Ruby, hindi na talaga kasya sa schedule ko kung ba-byahe pa ako riyan. Ikaw na lang kaya ang pumunta rito sa Seoul."
"'Di rin ako puwede. Sayang naman. Pero at least, nandiyan si Seth at sinasamahan ka 'di ba?"
"Bakit ba ganiyan ang iniisip niyong lahat? Seth and I are over, okay?"
Tumawa si Ruby Rose nang marahan bago sumagot, "Sabi mo eh."
Maybe she isn't as slow as I remember.
✈️
Lampas isang oras na akong naglalakad-lakad sa Buckhon Hanok Village pero hindi ko pa rin makita ang Sanggojae o 'yung bahay ni Son Ye Jin sa Kdrama na Personal Taste.
I am enjoying looking at the mostly-traditional Korean houses a.k.a. hanoks but I came here to find that specific house.
I posted a photo of myself frowning heavily on Facebook before approaching a Korean woman. Sa wakas ay may nakasagot na rin ng tanong ko!
Ang daming turista na umiikot na naka-hanbok o yung traditional Korean costume. Gagawin ko rin sana 'yun kung may kasama ako kaso... waley eh. Napaisip tuloy ako. Kung hindi ba kami nagbreak ni Seth dati, kami pa rin ngayon. Magkasama kaya kami sana rito na namamasyal? Siguro 'di ba? He was the perect boyfriend. 'Yun lang hindi ko 'yun binigyan ng halaga. Ano'ng masasabi ko, tanga eh.
✈️| T H E N – 2011 |✈️
"Tabihan mo si Andy ha, mag-isa 'yan."
I looked up from the plate I was balancing on my lap, towards Tricia's teasing voice.
"Oo naman," Seth replied smoothly with that cute smile of his.
I could strangle Tricia for her insinuating looks if I wasn't so grateful.
Pamangkin si Tricia ng kaibigan ng Tito ko kaya magkalaro kami nang mga bata pa kami. We aren't really close anymore but then Uncle Rick asked me to go with my cousin to Tricia's sister's party. Ayoko pa sana eh. Buti na lang tumuloy ako.
"Hi Andy, been a while, huh?" Seth said and touched my knee gently with his.
"Oh... yeah. Kamusta na?" I asked awkwardly.
We actually never really stopped talking but it wasn't as regular as before. Thankfully, matapos ng party na 'yun ay naging malapit ulit kami sa isa't-isa. Maybe this is the chance that destiny is throwing at me.
"Sino'ng ka-text mo?" Felix asked as I smilingly typed on my phone.
"Don't tell me si Ethan na naman 'yan ha? Naku talaga Ariadne. Kapag nagpa-uto ka pa sa mokong na 'yan, hahambalusin na talaga kita," dagdag pa niya.
"Nope. It's Seth," I replied, a wicked glint in my eyes. Alam ko na si Seth talaga ang gusto nila para sakin.
Hindi nga ako nagkamali na matutuwa si Felix dahil nakipag-high five pa sakin.
Hinila niya ang earphones na nakalagay sa dalawang tenga ni Mimay at binalitaan.
"Mimay, natauhan na rin itong kaibigan natin!" maarteng sigaw ni Felix.
"Ba't parang mas na-miss niyo pa siya kaysa sakin?"
Kunwari na pagtatampo ko kahit na sa totoo lang, masaya rin ako.
"Asus! 'Wag kang ano diyan!" hirit ni Felix na kinurot pa ako sa braso.
"Ouch!" I said in my most girly voice even though it didn't really hurt.
Seth arrived just at that moment and immediately caressed the area that my friend had pinched.
"Felix, 'wag mo nang uulitin 'yun ah," Seth warned him with a smile and a merry look in his eyes.
"Ang harot niyo!" sagot ni Felix sabay kurot sa braso naman ni Seth.
"Hay naku, Felix, tara na nga at ayokong maging chaperone ng dalawang ito!" sabi ni Mimay at hinatak niya na ang kaibigan namin.
"Okay ka lang, love? Nasaktan ka ba?" he asked when my friends had gone.
"Nope. I'm okay," I replied and laughed cheekily.
Wala na talaga akong hahanapin pa kay Seth.
He's very handsome- actually he looks like a jock or a fuckboy. Siya 'yung aakalain mo na typical na manloloko dahil ang guwapo niya talaga. He doesn't seem all that conscious of his good looks though- another plus point for him. Seth is a year older than me- senior student na siya sa Iloilo Science and Technology University sa kursong Information Technology.
"Ang haba ng hair mo ah!" kantiyaw ni Mimay habang tumatambay kami sa library, kaunting research na rin.
Mimay, Felix and I grew close after a semester of being classmates in NSTP-LTS. Halo-halo ang mga students sa NSTP classes kaya kahit hindi kami magkatulad ng kurso ay naging magkakaklase kami. Idagdag pa na Sabado ang klase namin kaya madalas nagkakayayaan pumunta sa SM City.
"Please lang, friend, alagaan mo na 'yan si Seth ah. Huwag na huwag mo na pakakawalan. Kami na ni Mimay makakalaban mo!" banta ni Felix.
I rolled my eyes at them and continued writing down my notes from the books I've been reading. I know how lucky I am to have Seth kaya hindi na sila dapat mag-alala pa.
BINABASA MO ANG
Tayo Sana
Romance| COMPLETED | To quote John Green, "... unrequited love can be survived in a way that once-requited love cannot." If only Ariadne "Andy" Lucero can say she agrees with him in theory only. Alas, Andy can totally relate, because she had the perfect bo...