"It'd be amazing if time could flow backward, but what can we do? There's no use in crying over spilled milk. You have a lot of time. You can fill up the glass again slowly. So don't cry too much. Don't beat yourself up for too long. But never forget what happened."
-While You Were Sleeping
✈️| T H E N – 2012 |✈️
I felt the kiss on my cheek before the words and the voice registered in my mind. "Congratulations." Ilang akong lumingon kay Andrei at sinapo ang pisngi ko na hinalikan niya.
"Oh. Uhhh... thanks, sayo rin," I replied automatically.
I didn't win of course. Not with Fatima at the helm. 2nd runner-up kaming pareho ni Andrei.
"Ariadne."
Pareho kaming lumingon ni Andrei kay Felix na kasama nina Mimay at... Seth.
Kakababa lang namin sa backstage at hindi ko inasahan na makakapasok sila agad doon.
"Hi!" Dali-dali akong lumapit kay Seth at sa mga kaibigan ko kahit kabado ako na nakita nila ang ginawang paghalik ni Andrei sakin.
My boyfriend embraced me although I could sense his eyes were still trained on Andrei.
"Congratulations, girl! Ang ganda mo!" saad ni Mimay na mukhang sinusubukan na patayin ang tensyon.
"Sayang 'di ka nanalo," mahinang sabi ni Felix at kumindat pa.
"Uwi na ba tayo?" tanong ni Seth na ngayon ay direstso nang nakatingin sakin.
"Love, 'di ba nagsabi na ako sayo na may lakad ako pagkatapos ng pageant?"
He frowned a little and then he sighed. "Yeah, but I thought you'd change your mind."
"Nag-commit na kasi ako, love. At saka huli na naman 'to. Pagkatapos nito, magiging busy na kami ulit," paliwanag ko.
Hindi ko rin masabi kung bakit gustong-gusto ko na sumama sa nightout ng iba pang kasama naming contestant at ng committee members ng pageant na tulad din naming mga estudyante.
Niyakap ako ulit ni Seth bago bumulong, "Sigurado ka ba na ayaw mo pa umuwi? Nagpaalam ka na ba?"
Nakaramdam ako ng kaunting iritasyon. Sinabi ko na naman na ayoko pa eh.
"Nag-text na ako kay Tita," I replied coldly.
Kung sa Mama ko ako nagpaalam ay sigurado talagang hindi ako papayagan nun. My aunt's cooler than my mom. Basta umuwi lang ako, okay lang sa kaniya kahit late na.
"Sumama kaya ako," Seth suggested.
"Love, hindi puwede. Kami-kami lang eh. Sorry talaga. Next time na lang."
Even I could hear the whiny quality of my voice. Hindi talaga istriktong boyfriend si Seth. Pero ano'ng gagawin ko kung hindi siya pumayag? Desidido akong sumama sa nightout.
Bumuntong-hininga siya at tumango na lang.
"Okay pero magiingat ka. Tawagan mo 'ko kung kailangan mo ng sundo."
✈️
The group ended up in Annex. Karaoke raw ang trip nila kaya sinakyan ko na lang. Wala namang problema sakin eh.
My two bestfriends had looked even more disappointed when I told them I'll just meet up with them the next day which is also our University Day. Mas magtatampo pa siguro 'yung mga 'yun kaysa kay Seth.
Seth. Oh right. I need to send him a message before my battery completely drains.
"Okay ka lang?" tanong ni Andrei at marahang binangga ng braso niya ang braso ko na tabi sa kaniya. The others had insisted na tabi kami.
"Yeah," I replied and took out my phone.
Sakto namang nasend ko na ang message ko kay Seth na ako na lang ang uuwi mamaya at mag ta-taxi na lang ako, nang namatay nang tuluyan ang cellphone ko.
"Shit," I muttered.
"Andy, mamaya ka na mag-text sa boyfriend mo, ikaw naman ang kumanta!" panunuya ni Erik o Derek (not sure ano'ng name niya) na Commerce ang kurso.
"Oo ba!" I gamely replied. I should loosen up a bit. Sumama ako sa nightout kaya hindi ako dapat KJ.
I sang Sway by Bic Runga before handing it to Andrei who took the microphone.
"Kayo na lang pumili, wala akong maisip na kantahin eh," sabi niya sa mga kasama namin.
"Ano na lang... hmmm... ano'ng song ang gusto mo na ide-dedicate kay Andy!" pangaasar ni Lulu.
Ngumiti na lang ako pero nagtaka na rin kasi parang may laman 'yung pangaasar ni Lulu kay Andrei eh.
"Hmmm. Sige. Jeepney by Spongecola," sabi ni Andrei at nagsimula na nga siyang kumanta.
He kept looking at me as he sang and the group loved it. Feel nila talaga kaming gawin na loveteam. Sinakyan ko na lang ang pangaasar nila kahit medyo naiinis ako dahil bakit sa amin silang lahat nakatingin.
The night wore on cheerfully enough. Mas malakas silang uminom kaysa sakin kaya ako na siguro ang pinaka-sober nang bandang alas dose na.
Si Kenneth naman ang kumakanta ng Gemini ng Spongecola at tahimik na sila, pagod na rin yata.
"Pagod ka na?" tanong ni Andrei na nakasandal sa couch.
"Okay lang ako," I replied.
Nabigla na lang ako nang hinawakan niya ang kamay ko na nakalagay lang naman sa tuhod ko. Namawis ako agad sa kaba pero hindi ko 'yun hinatak palayo. Ano'ng nangyayari?
He gently rubbed my knuckles with a thumb and I eventually calmed down.
Later on, I was silent as Lulu, Ben, Andrei and I were in the car. What just happened there? What's happening here? Kung dati ay nasa front seat ako, ngayon ay si Ben ang nandoon at magkatabi kami ni Andrei sa backseat. He was still holding my hand and I leaned on his arm sleepily.
Bakit ganito ang nararamdaman ko? Para bang ayoko na dumating ang bukas. Kasi sigurado, kailangan na namin bumalik ni Andrei sa totoong mundo.
BINABASA MO ANG
Tayo Sana
Romance| COMPLETED | To quote John Green, "... unrequited love can be survived in a way that once-requited love cannot." If only Ariadne "Andy" Lucero can say she agrees with him in theory only. Alas, Andy can totally relate, because she had the perfect bo...