Epilogue

232 18 64
                                    



Because in here. Inside my heart here... you have a room. In this room, you and I will grow old together. And I will never let you go

-City Hall

✈️| N O W – 2018 |

I sent our family group chat on messenger (parents, aunt and uncle) a photo of me at Iloilo International Airport to let them know I've safely landed and hurriedly went to claim my baggage.

Balik na naman sa init ng Pilipinas.

Paglabas ko mula sa Arrivals ay agad akong naghanap ng shuttle van pero nagbago ang isip ko. Wala ako sa mood at mas maganda rin siguro mag-taxi na lang.

"Saan ka ba pupunta, Maám?" tanong agad ng isang driver sakin.

Sasagot na sana ako nang biglang may humatak sakin.

"Andy, dito," sabi ni Felix sabay hila sakin papunta sa sasakyan niya.

He loaded my bags in the trunk as I directly went in to ride shotgun.

"Mukhang uulan ah," komento ko sabay tingin sa langit nang makapasok na si Felix.

He didn't reply, he only looked at me. I smiled wryly at him even as the tears streamed down my face.

I composed myself after a minute or two.

"Sabi na nga ba uuwi kang luhaan eh," biro niya kaya sinuntok ko ang braso niya. He nodded towards the backseat where a box of pizza sat with a six-pack beer beside it.

"The perfect welcoming committee!" sagot ko.

✈️

"So... ready ka na ba talaga mag-move on?"

Dalawang linggo na mula nang makauwi ako galing Korea. Sa susunod na buwan ay flight na ni Seth papuntang Canada.

Ilang taon na rin pala siya nagpa-process ng papeles niya kaya tiniis niya factory work sa Korea. Hindi naman siya mahihirapan mag-establish ng sarili niya sa Canada dahil IT naman talaga ang expertise niya. Well hopefully.

Kasalukuyang nasa big field ng CPU kung saan nakaupo kami ni Felix sa damuhan, tulad ng madalas naming gawin nang nasa kolehiyo pa kami.

"Hmmm... hindi pa. Pero, gusto ko na."

Felix smiled wistfully at me before looking away again.

"Nakakatawa no? Ang pageant na 'yun ang nagbago ng buhay ko. I feel like my life changed because of meeting Andrei. What's ridiculous is I can't even remember Andrei's face clearly anymore."

"Hmmm in fairness naman, guwapo 'yung gagong 'yun. Lalo na 'yung dimples niya," sagot ni Felix.

"He was a jerk. Pero... ultimately, ako pa rin ang pumili ng mga desisyon na ginawa ko."

Sisihin ko man ang sarili ko nang paulit-ulit, parusahan ko man ang puso ko, hindi na maitatama ang nangyari na.

Hindi natin kontrolado kung ano ang itatapon ng buhay satin, pero tayo ang pumipili kung ano'ng puwedeng gawin o sabihin natin.

"Sayang, no? Pero ganoon talaga ang buhay. Higit sa lahat, patawarin mo na ang sarili mo, Andy. Matagal na 'yun, girl," sabi niya na nakatingin sa malayo. Kita mula kung saan kami nakaupo ang University church. Marami ng nagbago sa CPU pero masaya ako na hindi kasama sa paglaho ng mga nakasanayan naming mga bagay ang pagkakaibigan namin ni Felix.

Maya-maya lang ay tumawag na si Mimay.

"Hoy! Kanina pa kami naghihintay!" bulyaw ni Felix sa ka-video call namin.

"Sorry! Andy ang ganda ng photos mo sa Korea," sabi ni Mimay.

"Thank you! Nasaan na ang mga inaanak namin?"

"Andoon sa kuwarto. Natutulog. Buti nga. Ang hirap na may dalawang toddler!" saad ni Mimay sabay ngiti tanda ng pagiging kontento sa pagiging ina taliwas sa sinasabi niya.

"Kailan ka ba uuwi rito? Para mag-reunion naman tayo!" tanong ni Felix.

"Soon, guys! Sa wakas makakapagbakasyon na rin kami diyan!" excited na saad ni Mimay.

Sa susunod na taon pa raw 'yun pero ayos lang. Sabik na kaming magkita-kita muli. Kung maayos ang iskedyul naming tatlo, baka puwede pa kaming mag weekend sa Guimaras!

Nawala man ang ibang tao sa buhay ko, na sa akin pa rin naman ang mga kaibigan ko.

"So Andy, did you... you know, get the closure you've always wanted?" Nabigla ako sa tanong ni Mimay.

"Ano'ng closure eh gusto nga niya magkabalikan sana sila!" singit ni Felix.

"Hmm yeah... but in all honestly, it doesn't really matter if they did or didn't. Andy just... deserves to be happy," Mimay said thoughtfully.

Pareho kaming hindi nakasagot agad ni Felix. She hasn't had any strong opinions about anything really. Sa aming tatlo, si Mimay ang pinaka-kalma lang at hindi ma-opinyon.

"Thank you, friend. Tama rin si Seth. I shouldn't punish myself any longer."

"Do you still love him?"

✈️

✈️| T H E N – 2018; S. K O R E A |✈️

"Magsisinungaling ako kung sasabihin ko na mahal pa rin kita, Andy," huminto siya sa pagsasalita para pahiran ang mga luha ko.

"That doesn't mean I don't care about you. I will always love you, in a way..."

"Kung ganoon, ba't di natin subukan ulit? Kaya ko naman eh!"

"Sa Canada ako habang ikaw nasa Pilipinas? That isn't fair for either of us, Andy."

I knew he was right. We didn't work out when we lived in the same city. E di mas lalo na kung nasa ibang kontinente siya.

"I hate this. Wrong timing. Sana..."

Nabigla ako sa sinabi niya. Ano... ano ang gusto niyang sabihin?

"Sana tayo? Tayo sana?"

The End

Tayo SanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon