"Every moment we're together could be our last. And that makes every moment precious."
- My Love from the Star
✈️| T H E N – 2012 |✈️
I was typing out the last sentence of my report for a minor subject when I felt someone gently kiss my left cheek. Of course, it was Seth.
"You ready to go home, love?" he asked.
Kasabay ng pagupo niya sa tabi ko ang paglinga ng ibang mga estudyante sa Half-Moon Drive sa boyfriend ko.
Mga inggitera.
"Not yet. Dito na muna tayo, ayos lang ba?" tanong ko at hinawakan agad ang braso niya. He put his arm around me and kissed my hair.
"You're the boss," he replied easily.
Ganito talaga ang routine namin ni Seth. Pag magkalapit ang oras ng huling subject namin ay dadayuhin niya ako rito sa CPU para sabay kaming umuwi.
"May sasabihin pala ako sayo."
"Ano 'yun?" he asked, taking his arm off me so he could put away my laptop in its bag.
"Sumali ako sa Ms. CPU! Pinilit ako ni Dean eh."
Alam ko na hindi niya 'yun magugustuhan pero matagal na akong sinasabihan ng mga teachers ko tungkol dito.
"Hmmm... hindi ka ba mahihirapan na pagsabayin 'yun sa academics mo?"
"Hindi naman. Advanced naman ako dahil kahit hindi kailangan mag summer class ay nag-enroll na ako ng dalawang summer."
He looked away for a moment and I was afraid that he was gonna dissuade me.
"Ikaw ang bahala, Andy. Kung pinayagan ka ng Mama at Papa mo, ayos lang sakin."
Since both my parents are nurses abroad, actually sa Tita ko ako nagpaalam. Sa kanila na ako lumaki ni Tito Rick kasama ng sarili nilang anak.
"Nagpaalam na ako kay Tito at Tita. Sila na ang bahala na magsabi sa parents ko," I replied and this time, I was the one who kissed his cheek.
"Ang bait talaga ng boyfriend ko! Sabi ni Felix hindi ka raw papayag eh."
"Ba't naman ako hindi papayag e gusto mo 'yun."
✈️
"O Ms. Arts and Sciences, halika na rito!" malditang tawag ng bading na in-charge sa choreography ng production number namin para sa pageant.
"Wait lang po!"
I looked back at them as I clicked on my phone to send the message to Seth telling him to go home ahead of me. Alam ko na abala rin siya kaya hindi na ako magpapahintay.
"Nagpaalam ka na naman sa boyfriend mo, no?" nanunuyang tanong ni Fatima, representative ng Nursing department.
I just smiled uneasily at her. Hindi naman talaga ako nagpaalam. Sinasabi ko lang naman kay Seth na gagabihin na naman ako. Hindi ko alam bakit ginagawan nila ng issue.
"Don't mind them, Andy. Inggit lang 'yang mga 'yan," sabi Andrei sabay tapik sa braso ko.
I've made a few friends among the contestants. Hindi naman kasi lahat sa kanila interesado na maging kaibigan ng iba pang kalahok.
Isa mga mga pinaka-competitive ay si Fatima at Kenneth ng Nursing department, 'yung iba naman hindi man suplado o suplada pero hindi lang likas na pala-kaibigan.
That's fine with me though. I'm not that friendly either anyway. As long as they're not being mean, I don't mind their aloofness.
Among the other contestants, I can say that I'm closest to Andrei. Mayroon kasi siyang boardmate na kaklase namin ni Ruby Rose kaya alam ko na ang pangalan niya kahit hindi pa kami nagkakilala.
Mabilis kaming naging magkaibigan dahil siya 'yung tipo na magaling makihalubilo sa mga tao.
I smiled at him to assure him I don't mind what the others said. Gumanti rin siya ng ngiti na nagpalabas sa dalawang biloy niya. No wonder maraming nagkakagusto sa kaniya lalo na at sikat siya sa college nila.
Alas nuebe na nang natapos kami sa pagpa-practice, kaya agad kong tiningnan ang phone ko, nagbabakasakali na naghintay si Seth. I don't really expect nor want him to wait for me because I know he's busy with school too.
"Andy! Sumabay ka na samin ni Andrei!" tawag sakin ni Lulu na kapareha ni Andrei na representative ng College of Engineering. Dahil may sasakyan si Lulu ay gabi-gabi na kaming sumasabay sa kaniya nina Andrei at Ben na parehong taga-Molo.
Okay naman silang kasama at komportable na sila sa isa't-isa dahil magkakilala na sila dati pa.
"Hindi ka na ba sinusundo ng boyfriend mo, Andy?" tanong ni Ben.
"Ah hindi na. Ako na rin nagsabi sa kaniya. Pagod na rin 'yun."
"Hindi pala taga-CPU ang boyfriend mo 'no?" usisa ni Lulu.
"Nope. Sa ISAT siya nag-aaral."
"I see..." sagot ni Lulu bago saglit na bumaling kay Andrei at kumindat dito.
Hindi ko man nakuha kung para saan ang kindat, hindi ko na 'yun ininda.
✈️
"Malapit na malapit na pala ang Mr. and Ms. CPU ah! Oh my gosh. Are you ready to be crowned?"
I playfully glared at Mimay. As much as I am hopeful I'd win, I don't want someone to hear her and think I had assumed myself the winner already. Baka magalit si Fatima.
"Manood kayo ah!" sabi ko kahit alam ko naman na hindi nila 'yun palalampasin ni Felix.
"Andy, nakita ko kayo ni Andrei kagabi sa may gazebo ah. Hindi ba kayo na-late sa practice niyo?" I grew a bit cold at that Felix said.
"Ah! Wala kaming group practice kahapon. Nagpatulong lang ako kay Andrei sa kanta ko para talent portion."
"Ay ganun? Dumating si Seth kahapon e. Akala niya sabay kayung uuwi. So sabi ko baka may practice ka at hindi mo lang nasabi," he said testily.
"Hinanap ba niya ako?" Another chill went up my heart. Nakita niya kaya kami?
Tiningnan ako ni Felix ng ilang segundo. He watched me squirm while pretending there wasn't any issue.
"Hindi. Umuwi rin siya agad."
Nakahinga ako nang malalim nang sinabi 'yun ni Felix.
"Andy, may problema ba kayo ni Seth?" Mimay asked.
"Huh? Wala ah. Bakit naman kami magkakaproblema? Okay kami, guys!" I replied defensively.
Totoo naman eh. It's just that we're both busy right now and haven't been seeing or talking much. It's not like I'm hiding something.
"That's nice to hear. I guess, magkikita na lang kami para manood ng pageant mo."
For some reason, amidst the suppressed feeling of uneasiness, I felt a stab of pain. Malapit na ngang matapos ang pageant. Ibig sabihin, magkakahiwalay na kami ni Andrei... at ng iba pang bago kong mga kaibigan.
BINABASA MO ANG
Tayo Sana
Romance| COMPLETED | To quote John Green, "... unrequited love can be survived in a way that once-requited love cannot." If only Ariadne "Andy" Lucero can say she agrees with him in theory only. Alas, Andy can totally relate, because she had the perfect bo...