"Do you know how far the distance is between a couple when they sleep with their backs to each other? Once around the earth. If you want to see the other person's face again, you have to go around the earth. If you turn your back, that's how far it becomes."
–Lovers in Prague
✈️| T H E N – 2012 |✈️
Sinubukan kong tawagan si Seth pero nagpalit yata siya ng numero. Ilang ulit din akong pumunta sa ISAT kahit wala akong ideya kung saan siya hahanapin pero hindi kami nagkita kaya hinayaan ko na lang siya.
Kaya't sa huli ay naisipan kong pumunta sa pinsan niya.
"Andy? Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ni Tricia sabay hila sakin papasok ng bahay nila.
"Trish, puwede mo ba akong samahan sa bahay nila Seth? Hindi ko alam kung saan eh," direstso kong tanong sa kaniya.
"Huh? Andy ano ka ba? Umuulan o! Alam ba nila tito na pupunta ka rito? Alas otso na," alalang tanong niya sakin.
"Trish, samahan mo 'ko," I asked her again, taking her hand this time. I swallowed my pride because I was already so desperate.
Nakakahiya. Pati si Tricial nalaman pa tuloy na may problema kami ni Seth.
"Teka hintayin muna natin tumila ang ulan, Andy. Baka mahirapan din tayong makasakay ng jeep," sabi niya at tuluyan na akong dinala sa kuwarto niya.
"Suwerte mo wala rito sina Papa at Mama. Mala-late 'yun dahil traffic sa city," saad niya sabay bigay sakin ng tuwalya at t-shirt.
"Salamat," I replied meekly and went to her bathroom.
Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako sa banyo at nadatnang nakaupo na sa kama niya si Tricia pati ang nakababatang kapatid niya.
"Hello, Ate Andy!" magiliw na bati ng bata.
I smiled blandly at her and turned towards Tricia again. Alam niya na ano'ng ibig kong sabihin kaya nagsalita siya agad.
"Tinawagan ko na si Seth. Siya na lang ang pupunta rito."
Tumango ako at umupo na rin sa tabi ni Tricia. Kahit saang anggulo mo tingnan, hindi talaga magandang plano 'to. I suddenly realized how embarrassing the whole thing is.
Pinikit ko nang saglit ang mga mata at pinigilan ang sariling mag-isip pa.
" 'Day, doon ka nga muna sa baba. Antayin mong dumating si Kuya Seth mo," sita ni Tricia sa kapatid para maiwan kaming dalawa.
"Salamat, Trish ha. At saka, pasensiya na talaga sa abala," sabi ko nang nakalabas na ang kapatid niya.
"Andy, hindi ko alam kung ano'ng problema niyo ng pinsan ko. Ang alam ko lang, handa na sana siyang ipakilala ka sa Mama at Ate niya. Ano ba kasi ang nangyari?"
Umiling ako at tuluyan nang umiyak. Paano ko sasabihin kay Tricia ang kasalanan ko? Nakakahiya.
"Okay, hindi mo kailangan magkuwento. Pero Andy, sana 'wag mo naman saktan ang pinsan ko. Graduating 'yun at saka alam mo naman na may problema ang pamilya nila sa pera simula nang mamatay si Tito. Kapag naapektuhan ang pag-aaral ni Seth... pati ako magagalit sayo."
Bigla akong nahiya dahil sa inasal ko. Ni wala akong kaalam-alam sa mga pinagdadaanan ni Seth kahit isang taon din naman ang itinagal ng relasyon namin. Lagi akong nagrereklamo dahil nawawalan siya ng oras sakin, lalo na nang nagtrabaho siya nang summer vacation sa call center.
Selfish. I'm so terribly selfish.
"Ate, andito na si Kuya Seth!" sigaw ng kapatid ni Tricia. Tatayo na sana ako nang pinigilan niya ako.
"Dito na lang kayo mag-usap at mukhang seryoso masyado ang problema niyo. Tatawag ako kay Tito Rick para ipaalam sa kaniya na nandito ka."
"Trish! Please, 'wag mo muna ako ipasundo. Mag-aalala 'yun. Ako na lang ang uuwi mamaya."
"Sure ka? Ang lakas ng ulan!"
I smiled reassuringly at her and she shook her head before going downstairs to get Seth.
I fidgeted nervously, hearing the loud beating of my heart.
"Andy?" Galit ang boses niya nang pumasok siya sa kuwarto.
"I'm sorry! Hindi ka na dapat pumunta rito," I blurted out and cried again. Tinakpan ko ang mukha ko at tuluyan nang humagulhol. Lagi na lang akong nagso-sorry sa kaniya! Lagi na lang akong gumagawa ng eksena!
"Love, I'm sorry..."
Lumapit siya at lumuhod sa harap ko. Niyakap niya ako nang mahigpit kaya mas lalo akong nahiya sa sarili ko. I felt how selfish I was just at that moment. Seth has his own struggles and concerns and yet I'm bothering him with mine. Ang laki ng kasalanan ko sa kaniya pero heto siya ngayon at pinuntahan ako kahit hindi naman talaga kailangan.
"Please don't cry... Hindi ko kayang makita kang umiiyak," bulong niya na mas lalong nagpaiyak sakin.
It took a few moments before I could compose myself face him.
"Gusto ko lang ulit mag-sorry. Hindi kasi tayo nagkaroon ng malinaw na breakup."
I swallowed back the longing I felt because I should be the one to walk away. I shouldn't bother him anymore. I'm not worth it. I had my chance with him and I lost it.
"Andy, pag-usapan muna natin 'to," he asked in a pained voice.
✈️| N O W – 2018 |✈️
"Andy, paalis ako papuntang Canada."
There goes my hope then. Mukhang hindi talaga tumatama ang panahon at sirkumstansiya para sa aming dalawa. The stars did align in 2012 but I let him go, and lost him... apparently for forever.
I bit my lower lip and nodded to let him know I understand. I will always try to understand because everything's my fault. Some mistakes simply cannot be undone.
"We shouldn't have done it last night," he apologized in a voice that was so soft and tender it undid the very core of my being.
"Seth..."
"I should have realized how vulnerable you are, Andy. I'm sorry."
Muli niyang hinalikan ang buhok ko.
"Hindi mo kasalanan. Ginusto ko rin."
"Andy... you shouldn't put me on a pedestal."
I moved my head so that I was facing him. He must have seen the crease on my forehead because he sighed.
"Ano'ng ibig mong sabihin?"
"Andy, hindi ako perpekto. Hindi ibig sabihin na naghiwalay tayo dati dahil sa ginawa mo, masama kang tao at mabuti ako," paliwanag niya.
"Pero Seth..."
"Kung hindi man tayo naghiwalay dati, hindi rin naman natin masasabi na hanggang ngayon tayo pa rin 'di ba? Andy, nagbabago ang tao, nagbabago rin ang damdamin."
I swallowed hard, discovering I could hurt even more today.
"Just because you made a mistake in the past, doesn't mean you need to make it up to me forever."
"Ang gusto mong sabihin, kailangan kitang pakawalan, 'di ba?" The bitterness leaked out of my voice. Is this his way of telling me to leave him alone?
Umiling si Seth at muling nagbuntong-hininga bago sumagot.
"No. That's not what I mean. What I'm saying is, Andy, you have to let go of what you did in the past... It's not wrong for you to be happy again. It also doesn't mean you can only be happy with me..."
Alam ko naman 'yung sinasabi niya pero mali ba, 'di ba talaga puwede na kami ulit?
"I still love you," bulong ko sa kaniya.
"Magsisinungaling ako kung sasabihin ko na mahal pa rin kita, Andy."
BINABASA MO ANG
Tayo Sana
Romance| COMPLETED | To quote John Green, "... unrequited love can be survived in a way that once-requited love cannot." If only Ariadne "Andy" Lucero can say she agrees with him in theory only. Alas, Andy can totally relate, because she had the perfect bo...