Gabriella POV
Napatitig ako sa kabuuan ng mansyon namin.
Nakaalis na ako sa akademya at ngayon nandito ako sa harap ng bahay namin at nakatunganga lang.
Should I go in or not?
Nandito ba si papa? Wag nalang kaya.
But, I need to confront dad. Kailangan kong malaman galing sakanya kung totoo ba ang mga nakuha kong impormasyon
Lumapit ako sa gate ng mansyon at umakmang pipindutin ang doorbell.
"Gabriella! Stop!"
Gulat akong napalingon sa pagmamay ari ng boses at halos matuwa ako at galak na galak na lumapit dito.
"Mama!"
Mabilis ko syang niyakap at ganun din sya ng makalapit kami sa isa't isa.
"Oh my poor girl! Mama missed you!"
Naramdaman ko ang bawat halik ni mama sa buhok ko kaya natuwa ako.
"Mama! I miss you too!"
Binaon ko ang mukha sa dibdib ni mama at nag iiyak iyak. Doon ko nilabas ang bigat ng pakiramdam ko. Pinunasan naman ni mama ang luha ko sa pisngi at hinalikan ako sa noo.
"My good girl, someone marked you. And what a pretty mark it is."
Napangiti nalang ako at napahaplos sa noo.
"Mama. I'm happy you're here."
Nakita kong ngumiti si mama at hinaplos ang pisngi ko.
"Gab, umalis muna tayo dito. Come, let's talk in my car."
Hindi na ako umangal pa at nagpahila nalang kay mama. Pumasok ako sa loob ng kotse nya at ganun din sya.
Naka ngiti kong nilingon ang mama ngunit biglaang napawi ng makita kung gaano ka seryoso ang mukha nya.
Nagtaka ako.
"Ma? May problema ba?"
Mabilis nya akong nilingon. Nakita ko ang pag buhos ng luha nya.
"My poor girls. Huhu, this is all my fault. Sana buhay pa si Mikaella kung hindi lang ako umalis sa puder ng papa nyo."
Biglang kumirot ang dibdib ko at napayuko.
"Hindi mo kasalanan, ma."
"No, sweety. Kasalanan ko. Kasalanan ko ang lahat. Your father did everything just to make me come back to him again. Ginamit niya pa ang kakambal mo para gawin ang mga nais niya. My poor Mika, she was also fooled by her own father."
Mabilis akong napaangat ng tingin kay mama.
"W-what do you mean?"
May alam talaga si mama?!
Lumapit sa akin si mama at hinaplos ang pisngi ko.
"I'm sorry, I didn't tell you. Alam kong ako ang rason kung bakit nagawa ng papa mo na gamitin si mikaella para sa mga plano nya. He wants me back pero pinagtatanggol ako ni Vincent at pinoprotektahan laban sa papa mo."
"Si tito Vincent? Ang papa nila Estevan at Dave? I don't understand, akala ko ba dahil nambabae si papa kaya mo sya hiniwalayan, ma?"
Umiling iling sya.
YOU ARE READING
SPECIAL ACADEMY [UNDER MAJOR REVISIONS]
Mystery / ThrillerWelcome to the intriguing world of the Special Academy, a prestigious institution shrouded in mystery.