Gabriella POV"Long time no see, Isabella."
Hinawakan ko ang kamay ni mama at tumayo sa harap nya.
"Papa."
Nagawi ang tingin ni papa sa akin at napangiti.
"My daughter! Gabriella! You're finally back! Na miss ka ng papa mo, come and give me a hug."
Nakangiting anya nito na binukaka pa ang dalawang kamay at hinihintay ang yakap ko.
"Papa, why do you have a gun?"
Napatigil sya sa tanong ko at napatingin sa hawak nyang baril.
"This? Bakit? Hindi ba pwedeng magdala ng baril? Just for safety purposes of course."
Napabuga ako ng hangin at lumapit ng kaunti kay papa.
Kukunti lang ang tao dito sa harap ng amusement park dahil halos lahat ng tao ay nasa loob at nagsasaya. Mabuti na iyon para walang makakita.
"It's safe. Give me your gun, papa."
Inilahad ko ang kamay sa harap nya. Pero sya ay tinitigan lang ang kamay kong nakaabang sa harap nya.
"Pa."
Pagtawag ko sakanya pero biglang nandilim ang mukha nya. Naalarma ako at umatras ng ilang hakbang palayo sakanya.
"I told you to give me a hug. Gab, nagiging matigas na ata ang ulo mo. Sinabi ko din na wag kang aalis ng bahay at wag na wag kang pupunta sa eskwelahan na iyon!"
Napagitla si mama sa naging sigaw ni papa habang ako ay hindi natinag.
This is not the time for me to be afraid.
"Pa, I just did that to confirm and to get answers for my questions."
"Bakit hindi ka nagtanong sakin?! You choose to disobey your own father!"
Napapikit ako.
"Bakit? Sinagot mo ba ang tanong ko ng tinanong kita kung sino ang pumatay kay mika? Diba wala kang sinabi?"
Napatigil si papa.
"T-that's..."
Tinitigan ko si papa.
"Why, pa? Why are you so cruel to my mother? To my sister?"
I already know everything. Ikinuwento ito lahat sa akin ni schalzi bago pa ako makaalis ng akademya. Sinabi nyang iyon daw ang mga sinabi ni Dave sakanya dahil alam nila na hindi ko kakausapin si dave tungkol doon.
Napatingin sa amin si papa at lumipat ang tingin kay mama.
Lumungkot ang mukha ko.
"You used your own daughter, my twin. Just to accomplish your goal. Ano? Nakuha mo ba ang gusto mo? Nakuha mo ba si mama? Diba hindi."
Napatingin ako kay mama.
"N-no... i didn't accomplish my goal... a-and... and that is all because of vincent and his sons! I tried to fool that dave! Para mahatak ko din sa ibaba ang gagong vincent na iyon! Inagaw nya sakin ang mama mo, gab! Bakit hindi mo ako kinakampihan?!"
Inis akong napapikit at nilapitan si papa saka sinampal ng pagka lakas lakas.
"Get a hold of yourself. Papa, you can't get mama this way. Dahil mali mali ang ginagawa mo. You forcing her, paanong hindi ka nya tatakbuhan? Why can't you try being gentle for once, pa?"
YOU ARE READING
SPECIAL ACADEMY [UNDER MAJOR REVISIONS]
Mystery / ThrillerWelcome to the intriguing world of the Special Academy, a prestigious institution shrouded in mystery.