Chapter Three

5 1 0
                                        

Chapter Three

It was painfully silent on our way home. Wala ng nagsalita after ng sinabi niya. It was really awkward and I mentally face palmed when I realized what I said.

I've always seen Gail as a really bold and daring person. There are times when I wish I was her because of how brazen she is. I placed her way up there on the pedestal kaya tila nalimutan ko na deserve ng kapatid ko ang repesto. Na kailangan ipagtanggol mula sa mga tao na gustong mag-take advantage.

I feel so stupid for letting myself say things without even thinking. Like, who on the right mind would think that it's okay to be disrespected? I really should be aware of what's about to come out of my mouth. Feeling ko talaga ang sama ko sa oras na ito.

Nanatiling tahimik ang maikling byahe. Somehow, Caius knew where we live. Mabuti na rin iyon para wala nang magsalita sa amin after ng sinabi ko. I will never forget this day and hour because of this stupidity.

Nag-text ako sa isang guard na buksan ang gate kapag may dumating na SUV kaya naman mabilis kaming nakapasok nang makarating kami.

Wala pa rin sila mom kaya walang humarang sa amin para magtanong nang inaalalayan namin, or actually ni Caius, si Gail papasok ng bahay.

Nauna ako sa paglalakad dahil ako ang magtuturo kung saan ang kwarto ni Gail. Nang may makasalubong na kasambahay ay nag-request pa ako ng ice pack.

"Dito..." I said atsaka binuksan ang pinto ng kwarto.

Caius is carrying Gail in bridal style dahil ayaw na talaga kumilos ng kapatid ko. Pinauna ko siyang papasukin dahil hihintayin ko ang ni-request ko.

Nakatayo ako sa may pinto pero nakatangin ako sa dalawa. Nilapag ni Caius si Gail sa kama. Dahil sa biglang pagkilos ni Gail pagkahiga ay umangat ang laylayan ng dress niya na agad hinatak pababa ni Caius at tinabunan agad ng comforter.

"It's hot!" Gail moaned.

Yumuko ang lalaki at may ibinulong kay Gail. She's probably half asleep and she giggled with whatever Caius said.

"Babe!" My sister tried to be seductive but she's so drunk that it sounded funny.

Napaiwas na lang ako ng tingin nang namilit mang yakap ng kapatid ko at ayaw bumitaw sa polo ni Caius. Umalis din ako sa hamba ng pintuan para maiwan ang dalawa. Inabangan ko ang pinakuha ko sa may tuktok ng hagdan at nang maiabot ito sa akin ay bumalik ako sa kwarto. Ngayon ay tulog na ng tuluyan at balot ng kumot ang kapatid ko samantalang nakatayo sa gilid nito si Caius ay nakahalukipkip.

Nagtama ang mga mata namin. Umiwas agad ako ng tingin at pumunta sa kabilang gilid ng kama at umupo.

"Ako na—"

"Hindi, ako na ang gagawa." Sabi ko.

I dab the ice pack on her forehead. Ginawa ko rin iyon sa kanyang leeg.

Naalala ko bigla noong high school pa lang kami. I'm on seventh grade while she's on eleventh. She got drunk with her friends at ayaw niyang magpahuli kila mom. Tinawagan pa niya ako para lang dalhan siya ng ice pack sa may park ng village namin. She said it's one of the ways to cure hang over. Ewan ko ba kung totoo iyon o hindi, basta ginagawa niya.

"I'm sorry about a while ago. I didn't mean it on that way." Biglang nagsalita si Caius dahilan kung bakit napatingin ako sa kanya.

Umiling ako. "Nah. I really said something stupid."

"No you didn—"

"I'm thankful you said that. I realized that maybe I really don't know my sister because there's this picture of her that I placed above. Na para bang nalimutan ko na magkapatid nga pala kami dahil sa taas ng tingin ko sa kanya. Ewan ko ba." Napailing ako. "Hindi ako nag-iisip kanina. Sorry..."

Something Beyond The SilenceWhere stories live. Discover now