Chapter Ten
A few days had passed after that tiring dinner and I decided to just stay at home and enjoy the last moments of summer. My routine didn't changed at all. Pero kung hindi siguro nangyari ang dinner na iyon ay baka bumibisi-bisita ako kay Klea.
I don't know how but I felt that our family dinner drained my energy for the whole week. I literally stayed inside my room trying my best to be a little more cheerful.
It's probably because I realized how dysfunctional our family is. Alam ko na ito noon pa but observing everything that happened, it just dawned me. Paano pa kaya kung naroon ang magulang nila mom? It would be a disaster!
Pinilit ko ang sarili ko na bumangon. Hindi ko naman kailangang gumising ng maaga dahil mamayang before lunch pa kami magkikita-kita nina Natasha at Klea para sabay-sabay na mag-enrol.
Kakauwi lang ni Natasha noong nakaraang araw at mamaya ang una naming pagkikita after ng ilang buwang nasa ibang bansa siya.
I really miss her. I miss her sarcastic remarks. Sigurado ako na hindi niya ako titigilan patungkol kay Nero 'pag nagkita kami at iyon lang ang ikinakatakot ko para mamaya. Si Klea kasi ay agad itong ibinalita sa group chat namin.
'The cute guy from the rooftop that Athyl met at a party is actually a batchmate of ours, oh and hey, it's a close friend of mine.' As she stated on her chat.
Noong araw na iyon ay pinilit akong magkwento ni Natasha. I already told her everything but she said she need to hear it in person. Sigurado rin daw siya na may hindi pa ako sinasabi. Tsk.
Nagulat ako nang makita ko si Gail na papaalis na. Right, she'll start working na. She's wearing a corporate attire with her favorite make up look.
"Done with breakfast?" Tanong ko kaya napabaling siya sa akin.
"Yeah," she simply said. She look pretty confindent so I think she'll be fine on her first day.
"Ingat," sabi ko. She said thanks bago tuluyang nagpaalam.
Habang nag-bre-breakfast ay 'di rin mawala sa isip ko si Gail. I know that this will happen pero ngayon lang nag-si-sink in sa akin na magtra-trabaho siya. Medyo hindi lang ako makapaniwala dahil she's a straight up party girl tapos biglang ganito kalaking responsibilidad ang hahawakan niya. I'm not judging, I know that my sister worked really hard to prove that she deserves this, but para sa akin na kapatid niya at hindi sa ganitong bagay ko siya nakikita, I realy can't believe it. But of course, I'm also really proud of her.
Inaalala ko lang din ang mga tao na makakasama niya sa trabaho. Most of them knew our family's history. It was not a secret. Nagugulat na nga lang ako minsan at may mga tao na lalapit sa akin at magtatanong patungkol kay Gail. Ganoon karami ang nakakaalam ng nakaraan ng pamilya namin dahil malaki ang pangalang Hidalgo sa Pilipinas. Kay hindi ako magtataka kung oag-usapan si Gail sa kompanya, which what I worry the most. I hope that they won't say anything against Gail.
After ko mag-almusal ay nagtungo ako sa kwarto para maligo at mag-ayos. Matagal pa ang hihintayin ko pero minsan talaga ay naghahanda na agad ako para mamaya ay aalis na lang.
I was scrolling through my socials when someone messaged me.
Nero:
Pupunta ka rin ng school mamaya?
Ngumuso ako. First time niyang nag-text sa akin ng tagalog na sentence. I face palmed at agad sinuway ang sarili.
Pati maliliit na bagay pinapansin! Rupok talaga!
Me:
Yup.
Nero:
See you then.
![](https://img.wattpad.com/cover/237172480-288-k631445.jpg)
YOU ARE READING
Something Beyond The Silence
General Fictiontwo hearts. two souls. two people who understands. - Something Beyond The Silence a novel by huenaa