Chapter Nine
Nakaupo ako sa kama ko habang si Gail ay naglalatag ng mga damit sa tabi ko, namimili ng pwede kong suotin para sa family dinner namin. Mayroon na talaga akong napiling dress na susuotin but Gail disapprove because she said it's too casual.
Our mom prefer wearing formal outfits whenever we have our family dinner out. She chooses those fancy restaurants that's why Gail is picking my dress for tonight.
"You know that mom will be pissed if you wore that. So stop being so stubborn." Ani Gail habang tinititigan ang isang white dress para sa akin.
Napailing ako bago tumayo para isauli sa walk in closet ang isang loose white shirt that I paired with a long black skirt.
I know my choice is very off but I kinda want to push it because I wanted to be comfortable. Pero tama nga ang kapatid ko, baka pagalitan lang ako noon at imbis magkaroon ng matiwasay na dinner ay maging sermon pa iyon.
I sighed saka bumalik sa kama at nahiga naman. Gail showed me a simple white satin dress that has a slit. Nang pumayag ako ay nagtungo kami sa kwarto niya para sa make up.
Magkikita na lang kami ng parents namin sa piniling restaurant ni mom dahil may mga tinapos pa silang trabaho.
Nang maayusan ako ni Gail ay bumalik ako sa kwarto dahil para mag-ayos ng gamit. At alam ko rin na matatagalan pa siya sa pag-aayos sa sarili kaya nag-ubos ako ng oras sa kwarto ko.
Ilang minuto ang lumipas at nauna ako sa pagbaba at hinintay si Gail sa living room. I was texting Natasha nang marinig ko ang pagbaba ni Gail. She's sporting a black deep v-neck dress with a high slit. Nauna siya sa paglabas habang ako ay sumunod sa kanya.
"Hindi ba ikaw ang mapapagalitan niyan?" Tanong ko. Huminto kami sa paglalakad para hintayin na lumapit ang van.
"What do you mean?" Tanong niya.
Tinaasan ko siya ng kilay at itinuro ang kanyang dibdib. "That."
She looked at her outfit at tumawa. "Honey, I'm almost twenty four. Kapag pinagalitan ako, ewan ko na lang."
Napailing ako. Mom was never strict when it comes to clothes. Hinahayaan niya kaming magsuot kung ano ang gusto namin, basta tutugma sa kailangang daluhan na okasyon. But with what Gail is wearing now...
Kahit sinabi ko ng ilang beses kay mom na sana ay kaming apat na lang ang mag-family dinner, hindi siya pumayag. The last time I told her that, wala siyang sinabi. At nang sinabi niya kahapon na matutuloy na ang family dinner, sinabi pa niya na kasama ang mga kapatid niya at pinsan namin.
Wala naman sa side ni dad ang pupunta dahil ayaw ng mga ito sa pamilya ni mom. It's a long story. Basta kahit kailan ay hindi nagsama sa isang pagtitipon ang dalawang pamilya dahil siguradong may tensyon lang na magaganap.
And because of Gail's situation... siguradong sa damit na suot-suot niya ngayon, may pagpipintas ang mga kapatid ni mom na sasabihin sa kanya.
On our way to the restaurant I prayed that tonight would not be a disaster. Na sana ay wala na silang sabihin para wala ng away.
Ngayon lang din ulit nila makikita si Gail. The last dinner we had with her ended pretty badly dahil may mga sinabi sa kanya ang pinsan ko. Gail got mad at sinampal niya ito. My tito and titas are furious pero pinagtanggol ko si Gail dahil totoo naman na wala siyang ginagawang masama at ang pinsan ko ang nauna.
"Gail... d-don't..." pinagsisihan ko na nagsalita ako ng hindi sigurado ang sasabihin.
Bumaling siya sa akin. "Don't make a scene? Don't worry, hindi ko iyon gagawin."
YOU ARE READING
Something Beyond The Silence
Genel Kurgutwo hearts. two souls. two people who understands. - Something Beyond The Silence a novel by huenaa
