Chapter Six

7 1 2
                                    

Chapter Six

Tahimik lang kami ni Nero habang naglalakad pabalik kina Klea. We're under the same umbrella while it's still drizzling.

Hindi ako sigurado kung nakasilong ang buong katawan niya dahil sinigurado niya na may personal space ako habang nasa ilalim ng payong na iyon. He placed a good distance while holding the umbrella. Which I really appreciate.

Binalot kami ng katahimikan habang naglalakad sa side walk. Hindi na rin kami nagmadali dahil kita namin ang paunti-unting pag-aliwalas ng kalangitan.

Nang makabalik ay bumungad sa amin si Klea na nasa pwesto pa rin niya habang si Edge naman ay nakahiga na sa bean bag na kanina kong pwinepwestuhan.

Akala ko talaga maaabutan namin silang naglalampungan. Buti na lang at hindi.

Naupo ako sa gilid ni Klea na abot tenga ang ngisi. Si Nero ay inaayos pa ang payong na nabasa ng ulan sa labas.

"Nag-alala 'yan kaya pumunta rin sa convinience store." Bulong ni Klea.

Kumunot ang noo ko dahil taliwas ito sa sinabi ni Nero. "He said you told him that I was probably running on the pouring rain."

Nakita ko na natigilan siya bago humagalpak ng tawa. "Lame excuse niya."

Inirapan ko na lang siya dahil malamang ay nang-aasar lang ito.

At dahil wala na silang kailangan gawin ay nagkwentuhan na lang kami. Nakaupo kami sa lapag habang kumakain sa coffee table ng meryenda. Dahil ako lang sa amin ang naiiba ang course ay marami akong natutuhan patungkol sa kanila. I learned a lot of details and intricacies of fine arts at talagang kamangha-mangha lang na marinig ang tatlong nasa harap ko na pinag-uusapan ang mga bagay and hear their creative sides.

I've never been that into art but it's amazing how vast in can be.

Dahil din dito ay nakilala ko kahit papaano si Nero. Maliliit na bagay na mapapansin lang kung makikita raw siya na seryoso sa ginagawa. Nakita ko pa ang pamumula niya sa hiya dahil kakaiba talaga magkwento yung dalawa, katuwaan lang pero parang namamahiya sila ng hindi nila sinasadya. Ewan ko ba sa dalawa na yun at ang kaya nilang gawin.

It went nicely and smoothly. Masaya ako na bumisita ako kay Klea. Even though there's a person I never expected to meet here, it was fun. Nawala na rin ang mga alalahanin ko kanina. I just went with the day and enjoyed the moment of hanging out with people. Nakaka-miss rin after ng ilang linggong nanatili akong mag-isa.

"Thank you so much, Klea." Sabi ko at niyakap siya. Kinawayan ko rin ang dalawang lalaki na nasa likuran niya.

"Always welcome, Athyl. Just hit me up if you want to hang out."

Tumango ako. Sa huling pagkakataon ay tiningnan ko ang dalawa sa loob ng studio. Edge waved and I waved back. Pagtama naman ng tingin ko kay Nero ay saglit kaming nagtitigan. His eyes is really pretty. Ngumiti siya at nginitian ko siya pabalik bago tumalikod at lumabas kasama si Klea para ihatid ako sa sundo ko.

"By the way, totoo yung sinabi ko. Yung gusto kang sunduin ni Nero." Sabi ni Klea bago ako makaakyat sa van.

Sinimangutan ko siya dahil ibinalik nanaman niya ang usapin patungkol doon.

I faked a laugh. "Funny." I said sarcastically.

Tumawa si Klea. "Sabi mo wala kang trust issues pero ganito ka sa'kin." Tumigil siya sa pagtawa at tiningnan ako ng seryoso na may ngiti sa labi. "But trust me in this one, Athyl, Nero is a great guy."

Bumalik sa dati ang routine ko. I just stayed at home and enjoyed what I usually do alone. Minsan ay umaalis kami ni Gail just to make up for the few years of us being separated.

Something Beyond The SilenceWhere stories live. Discover now