Chapter Four
Literal na nakatulala ako sa kanila habang nag-uusap si Gail at Nero. Nakaupo na muli kami sa sofa. Kami ni Gail ang nasa mahabang sofa. Nakaupo naman si Nero sa pang-isahan at si Naya ay nasa katapat namin. Sila ni Gail ang magkalapit at nagkwe-kwentuhan. At dahil abala sila sa pag-uusap ay malaya akong nakatingin sa lalaki at hindi pa rin makapaniwala.
Apparently, this is the first time Gail met him. Noong high school daw kasi tuwing nag-pa-party sila dito ay never lumabas ng kwarto ang kapatid ni Naya. He was young back then kaya nahihiya. Pero ngayon naman ay hindi na. Pero mas madalas pa rin ang hindi niya pakikihalubilo.
While they were talking, Nero's eyes met mine. Tulad kanina ay ako ang naunang umiwas.
I can hold that stare. Pero dahil sa naisip ko na baka boyfriend ito ni Naya ay hindi ko siya magawang tingnan. Bakit ba kasi yun ang unang pumasok sa isip ko imbes na kapatid?! I feel humiliated kahit hindi nila alam kung ano ang nasa isip ko kanina.
Ngayon ay na-realize ko rin ang resemblance nila. They have that same almond shape eyes. The structure of their face is similar, parehong mapanga. I can't belive I didn't realize that immediately kahit na ilang beses ko siyang natitigan kagabi.
Napansin ni Naya ang hindi ko pagsama sa usapan. I'm pretty sure she knows that I don't really join conversations like this but she loves to piss me off.
"I told you, baby girl, I have a brother. He can be your baby boy." Kindat nito sa akin.
Sinimangutan ko ito.
"Ate..." Nero called to his sister.
He sound so freaking cute!
Tumawa si Gail at Naya. Hinampas pa nga ni Gail ang kaliwang braso ko. Sinamaan ko rin siya ng tingin at inirapan. Trying to look like I'm annoyed kahit deep inside ay 'di pa rin ako maka-move on kung gaano ka-cute ang pagtawag niya ng 'ate'.
"Sakto, bagay kayo, Athyl. You both like the silence. Book nerds din." Gatong ni Gail dahilan kung bakit tumatawang tumatango si Naya.
Uminit ang pisngi ko sa kahihiyan. Nagkatinginan kami ni Nero at sabay na umiwas.
And I swear I saw him blushing!
Umiling na lang ako at hindi makapaniwala. Kung sino pa ang matatanda sila pa ang isip bata sa ganitong bagay!
"Gail," I warned her. She raised her hands as if she's surrendering while stiffling a laugh. I clicked my tongue saka tiningnan ang phone.
Mukhang tiningnan din ni Naya ang phone niya kaya nagsalita ito. "It's almost twelve. Gusto niyo mag-lunch dito?"
Sasabihin ko sana na 'no thanks' nang magiliw na tumango si Gail.
"I miss the food here. Yung dati niyo pa rin bang chef?" She asked saka tumayo.
Wala akong nagawa kung hindi sumunod na lang sa kanila. At habang naglalakad ay may isang tanong na ayaw mawala sa isip ko. Gaano ba kayaman ang pamilya nila Naya?
—
On their dining area, there's a huge twelve seater dining table. The place is also really spacious. Mayroon ding hanging lights above the table.
Naupo kami ni Gail sa kanang side at sa kaliwa naman ang magkapatid. Bigla naman akong kinabahan nang maupo ako sa tapat ni Nero.
I feel like I'm reliving what happened last night. Nakaupo at magkatapat kami. But this time a lot closer kasi hindi naman sobrang lapad ng table at may dalawang maingay sa tabi namin.
May mga katulong na naglatag ng aming kubyertos. Ang while those things are happening ay nagkaktitigan kami ni Nero. Multiple times. Minsan ay nagtatagal, minsan ay sabay kaming iiwas.
YOU ARE READING
Something Beyond The Silence
General Fictiontwo hearts. two souls. two people who understands. - Something Beyond The Silence a novel by huenaa