Chapter Eleven
We stayed at the cafe til almost five pm. Marami kaming napagkwentuhang kung anu-anong bagay. Hindi rin naman naging out of place si Nero dahil kaibigan naman niya si Klea at sanay naman si Natasha sa pakikipagkwentuhan sa mga tao na kakikilala pa lang niya. Kaya everything went smoothly. Buti nga rin ay hindi kami pinatalsik ng cafe owner dahil sa sobrang tagal namin sa lugar.
Nang mapagdesisyunan na naming umuwi ay nagsitayuan na kami at lumabas.
"Hatid kita sa inyo, Athyl?" Tanong ni Natasha habang nanglalakad kami pabalik sa campus.
Magsasalita sana ako nang biglang magsalita ang katabi ko.
"Ako na ang maghahatid kay Athyl... kung okay lang naman. Pareho naman kami ng daan so..."
Gulat akong lumingon kay Nero bago binalik ang tingin sa mga kaibigan ko. Si Klea ay napatakip ng bibig habang si Natasha ay nakataas ang kilay at nakangisi.
"Kay Nero ka na sasabay, Athyl?" Tanong ni Natasha. She's grinning from ear to ear. Halatang may pang-aasar na kasama sa tanong niyang iyon.
Kinagat ko ang pang ibabang labi at tumingin sa lalaking nasa gilid ko. Uminit ang pisngi ko nang magtama ang mga mata namin. His eyes looks soft right now. And that eyes felt like he's saying na okay lang sa kanya kung tumanggi ako.
Magkatitigan kami nang marahan akong tumango. I saw a glint in his eyes. Umiwas agad ako ng tingin at bumaling sa dalawang kaibigan.
May mahinang tili na kumawala sa nakatakip na bibig ni Klea at saka hinampas sa braso si Natasha dahilan kung bakit pabiro itong nainis.
Nagpatuloy kami sa paglalakad at medyo na-awkward-an na ako dahil patuloy pa nga ang pang-aasar ng dalawa indirectly sa amin. I feel bad for Nero that he has to deal with this. At sobrang nakakahiya talaga na para bang sinasabi ng mga kaibigan ko na, yes, I like Nero. And they're saying it right in front of him.
Pwede na talaga akong kainin ng lupa!
Nang makabalik na sa school ay nagpaalam na kami sa isa't isa. Nasa magkaibang lugar kasi nag-park ng sasakyan si Natasha at Nero. We're near the entrance when I gave Natasha one last hug saka nagpaalam. Si Klea naman ay sumabay sa amin at nagpaiwan sa cafeteria dahil doon sila magkikita ni Edge.
Ngayon ay tahimik kaming naglalakad patungo sa west side ng school kung nasaan ang malaking parking lot. Mas nauuna siya sa paglalakad at hinayaan ko ang sarili ko na magpaiwan ng kaunti dahil siya ang may alam ng daan. But then he would walk a little slower para magsabay kami.
I know it's just me making a big of a deal about something this small but I seriously can't help it.
I mentally sighed. I really need to control myself. I'm starting to assume because of these little gestures. A really bad habit of mine.
Maya-maya pa ay natanaw ko na ang pamilyar na Chevy. Nang makalapit doon ay agad niyang pinatunog ang sasakyan at pinagbuksan pa ako ng pinto. I mumbled a little thank you bago siya umikot papasok sa driver's seat.
"Do you wanna go straight home?" Tanong niya habang nagkakabit ng seat belt.
I pursed my lips trying not to smile. Kinabit ko ang seat belt ko at saka umiwas ako ng tingin para hindi niya mapansin ang reaksyon ko. "Not really..."
Binalingan ko siya nang masiguro ko ang sarili ko na hindi ako bigla-biglang ngi-ngiti. Natigilan nga lang ako nang makita ko na siya ang ngumiti sa akin.
"Wanna go anywhere?" Tanong niya habang nagsimulang paandarin ang sasakyan.
"Sure." Sabi ko at sinuklian ng ngiti.
YOU ARE READING
Something Beyond The Silence
General Fictiontwo hearts. two souls. two people who understands. - Something Beyond The Silence a novel by huenaa