♠️
--- PART THREE ---
▪ MAY 14, 2020 | 9:30PM -- 11:00PM
HINGAL na hingal si Jr habang nagtatago sa mga upuang malapit sa mga kulungan ng mga hayop. Paikot ang hugis ng lugar kaya paikot din ang direksyon ng kaniyang paglalakad habang nahaharangan ng mga upuang yari sa kahoy na may sandalan.
Wala nang tao ang nakatambay pa rito dahil sa narinig na dalawang putok ng baril. Halos mga gard, at pulis kasama ang kanilang mga sasakyan na lamang ang natira rito habang hinahanap si Jr. Habang nagtatago siya sa pinakadulong upuan kung saan ang pinakasulok, nakita niya si Jasper malapit sa daanan ng mga sasakyan kasama ang mga tibo't babae. Nandoon lang sila sa tapat ng mall na malapit sa daanan ng sasakyan kasama ang ibang mga madla dahil may hinarangan na ang parke ng dilaw na tape.
"Walang hiya, kailangan kong ipaalam kay Jhunraye 'to," bulong ni Jr. Tinawagan niya si Jhunraye upang ipinaalam ang nangyari. Sumagot ito ngunit pabulong lang.
"Pre,--"
"Pre, nagtatago ako sa taas ng isang kulungan pre, 'wag kang mag-alala nagtakip ako ng tolda para 'di--"
"Pre, nakita ko sila Jasper nasa labas."
"E? Paano sila napunta ro'n?" Rinig na rinig ang mga kukong kumakaluskos sa bakal na kulungan. Marahil ay isang unggoy ang nasa loob nito.
"Hindi ko alam, pre. Hanapin mo na lang sila Joshua, pre, ako nang bahala sa kapatid mo."
"Sige, sige, pre." At do'n na natapos ang kanilang usapan.
"Nandito, ser!" sigaw ng isang gard at papalapit na sa puwesto ni Jr. Biglang bumilis ang kabog ng puso niya at lumingon-lingon sa kaliwa't-kanan. Nang wala siyang makitang daan kung saan puwedeng magtago, humarap na lang siya kung saan naglalakad ang gard at huminga nang malalim.
Nang akmang lalapit na ang gard sa kaniya, bigla niya itong sinipa sa paa dahilan upang tumumba ang gard at uminda sa sakit. Ginamit niya ang tiyempong 'yon upang bumalik ulit sa kaniyang dinaanan habang nakayuko at nagtatago sa mga upuang yari sa kahoy ngunit lumiko siya pakaliwa nang may makitang pintuang yari sa bakal. Binangga niya 'yon na naging dahilan ng ingay at maging atensyon ng pulis at gard. Masikip ang entrada dahil sa mga napapaligirang mga kulungan; isa sa nakakulong ay ang kuneho.
Hinanap niya si Jhunraye at lumingon-lingon sa paligid nang makapaglakad nang kaunti kung saan ay lumuwag na ang daan. "Pre, si Jr 'to, sundan mo ako sa palaruan---dali!" Tumakbo na si Jr sa mga mapupuno at mga upuang nasa gilid ng mga pader. Do'n siya nagtago habang tumatakbo patungong palaruan. Magtatago na sana siya sa likod ng malaking padulasan nang makita niya si Joshua at Jessa na nasa daanan na; si Jessa'y kinakabahan at 'di mapakali sa mga nangyayari habang si Joshua nama'y pilit inaalam kung saan sila puwedeng tumungo, kung kaliwa ba o kanan.
Biglang tumayo si Jr at tumakbo upang tumawid sa daanan. Habang tumatakbo sa gitna ng daanan, muntikan na siyang mabangga ng isang kotse na naging dahilan ng pagsigaw ng dalawa---si Joshua at Jessa. "Tara na, pre, tawagan na lang natin 'yung dalawa kung nasaan na tayo, mahirap nang bumalik, pre," hingal na hingal na wika ni Jr sa dalawa. "Nakita mo ba si Jasper, pre?" Tumango si Jr. "E, si Jhunraye?" tanong naman ni Jessa. Tumango ulit si Jr. "Nasaan sila?" Kinakabahang tanong ni Jessa at uhaw na uhaw na sa sagot ni Jr.
"Si Jasper kasama ng mga tibo nasa tapat ng parke sa harapan. Si Jhunraye naman, nagtatago sa isang kulungan, hindi ko alam kung nasaan," tugon ni Jr at niyaya na lamang ni Joshua ang dalawa upang umalis na sa lugar na 'yon.
Tumakbo sila sa kaliwang direksyon, at nagmamadali. Nang malapit na nilang maabot ang intersection, may isang grupo ang nadatnan nilang tumatakbo patungo sa kanilang direksyon. Tumawid pa ito upang tumapat talaga sa dinadaanan ng tatlo. "Sila Jasper!" masayang wika ni Jessa at napangiti. Taliwas naman sa reaksyon ni Jessa ang dalawa. Seryoso ang mukha at walang balak magbago.
![](https://img.wattpad.com/cover/229058034-288-k498853.jpg)
BINABASA MO ANG
J Brothers: Rat-life || ★
Mystery / Thriller...Tagu-taguan maliwanag ang buwan pagbilang kong tatlo nakatago na kayo. Isa, dalawa, tatlo... At dahil nga sa isang hindi inaasahang pangyayari matapos ang kasiyahan, nalagay sila sa isang peligrong hindi naman dapat nilang pagdaanan ni pagsisihan...