VI | Black Lady

11 1 0
                                    

♠️

--- PART SIX ---

▪ MAY 15, 2020 | 1:05AM -- 2:30AM

NASA Sanchez St. na ang barkada maliban kay Jr. Malapit ito sa tulay na nasa kanan lamang na patungong Maysilo. Ngunit kung didiretsuhin naman ang daan mula sa puwesto nila, makakarating sila sa Catmon---ang kanilang tahanan.

Nakaupo sa harap ng tindahan ang magbabarkada sa upuang yari sa semento. Nasa kaliwang upuan si Jessa at Joshua habang nasa kanan naman ang magkapatid---sina Jhunraye at Jasper. Medyo maayos na ang pakiramdam ni Jasper sa mga gabing ito. Sarado na ang tindahan. Kakaunti lamang ang mga ilaw na nakabukas at maraming mga balat ng kendi at sitsirya ang nakakalat sa daanan. Sa harapan nila'y may malaking pader na gawa sa semento. Habang ang katabi naman ng kaharap nilang tindahan ay mga bahay na yari sa kahoy at sa semento. Tumingala si Jessa sa kalangitan. Nababahala ang mukha nito sapagkat madaling araw na'y wala pa rin sila sa kanilang tahanan. "Baka hanapin na ako nila mama..." bulong ni Jessa.

"Ano? Sumagot na ba, pre?" tanong ni Joshua kay Jhunraye. Paulit-ulit niyang tinatawagan si Jr gamit ang cellphone ngunit bigo pa rin siya. "Patay! Wala na akong load," inis na wika ni Jhunraye at tumingin sa tindahang nakasara, sa tapat nila. Umiling si Jhunraye at pumalatak.

"Hindi maganda ang kutob ko, mga pre," wika ni Joshua. Tumingin sa kaniya ang kabarkada. "Malamang sa malamang, pinaghahanap na tayo ng mga magulang natin habang pinaghahanap din tayo ng mga hayop na mga magbabarkadang 'yon." Napayuko na lamang si Jasper. Kinuha niya ang cellphone at may kinausap. Agad itong tiningnan ni Jhunraye.

"Per?" tanong ni Jhunraye sa kaniya at biglag binalik ni Jasper ang kaniyang cellphone sa kaniyang bulsa. "Per? Sumunod ba si Xanea hanggang dito?" tanong ni Jhunraye sa kaniya ngunit kumunot ang noo nito. "W-wala, tinatanong niya lang kung nasaan na tayo--" Pumalatak si Jhunraye kaya siya napahinto. "Hindi naman siya masamang tao, mga pre. Hindi naman sila masasamang tao. Tinulungan pa nga nila tayo---" Napahinto na naman siya nang mapahampas sa noo si Joshua nang paulit-ulit dahil sa panggigigil. "Umalis na tayo rito," sambit ni Joshua kaya nagsitayuan ang lahat maliban kay Jasper. "Paano si Jr? Mga pre?" tanong niya.

"Maghiwalay tayo---" wika ni Joshua.

"Hiwalay na naman? Nakita mo ba ang nangyari? Kay Jr, pre?" pangongontra ni Jasper. Tumalikod si Joshua, humalukipkip habang nakatingala sa kalangitan. "Ano nang plano, mga pre?" tanong ni Jhunraye. "Kung mayro'n man, sugurin na lang natin." Napatingin si Joshua sa kaniya. "Akala mo gano'n lang kadali makipaglaban, pre? Nandito si Jessa, pwede nila siyang gawing kahinaan natin!" sigaw ni Joshua. Napatingin siya sa lapag at hinimas-himas ang baba. "Ayokong may mawawala ulit sa ating isa, mga pre..." singit ni Jessa at bumalik sa pagkakaupo.

"O, sige, mga pre," wika ni Joshua at tumingin isa-isa sa kaniyang kabarkada. "Babalik tayo."  Nanigas sa kinatatayuan si Jessa at Jasper samantalang si Jhunraye nama'y nakangisi. Tumayo na si Jessa sa upuan at nagsimula na silang naglakad. "At dahil wala tayong mata sa paligid, mga pre, si Jasper muna ang gagawa n'on," wika ni Joshua kaya napatingin si Jasper sa kaniya. "Kaya mo 'yan, pinabilib mo kami kahit isang beses lang, pre." At tinapik nang marahan ang likod ni Jasper upang pagaanin ang loob nito. "Basta, sasabihin ko lang lahat ng nakikita ko," matipid na sagot ni Jasper. "Kaya mo 'yan, pre, may tiwala kami sa 'yo." Tumingin si Joshua sa ibang barkada. "Oo, pre, kaya mo 'yan, ikaw pa?" singit ni Jessa. "Kaya mo 'yan, Per," seryosong tugon ni Jhunraye at inakbayan siya. "Gayahin mo lang mga kilos ni pareng Jr, magiging magaling ka ring ispiya." Sinuklian naman ng yakap galing kay Jasper si Jhunraye. "Oo nga pala? Kinakausap pa ba kayo ng mga magulang niyo? Parang nakatulog na ang mama ko, pre, e," pag-iiba ng paksa ni Joshua. Kumunot ang noo nila. Kinuha naman ni Jessa ang kaniyang cellphone at kinalikot. "Mukhang nakatulog na nga rin si mama, mga pre," tugon ni Jessa at inipit na niya ang ang kaniyang cellphone sa kaniyang leggings. "Si papa? Tulog na 'yon," tugon ni Jhunraye habang nakatingala. "Kumusta naman kaya mama ni Jr, 'no?" tanong ni Joshua. Napaisip ang barkada. "Tulog na siguro mama niya... Ewan ko lang," tugon naman ni Jhunraye. Lumiko sila patungong B. Rivera St.. May napansin si Jasper na isang pigura ng tao. Kulay itim ito at para bang naliligaw. Nasa gilid ito ng isang pader na yari sa semento. Tila ba'y ginawa niya itong tungkod.

J Brothers: Rat-life || ★Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon