XII | Gunslingers

7 1 0
                                    

♠️

--- PART TWELVE ---

MAY 15, 2020 | 3:00AM -- 3:35AM

SINASARIWA ni Aldrin---kanang kamay ni Vince, na isang lider ng Kanto Tres, ang kaniyang barkada---ang lahat ng nangyari kanina sa concert. Napapangiti na lamang siya nang pilit dahil do'n.

Silang lima'y may nakasuot ng polong may madilim na kulay ng dilaw, tinernohan ng pantalong kulay asul na tastas maliban kay Vince at Aldrin. Nakasuot sila ng converse na sapatos, may pula, itim at puti. May kaputian si Renz, Aldrin at Jairo samantalang may katamtamang kulay naman si Vince at Ace. Kulay itim ang mga buhok nila maliban kay Vince at Ace na kulay kayumanggi ang buhok.

Nagtatago ang limang ito sa dulo ng Prosperidad St. kadikit ng Sisa St.. Nakasandal, nakaupo at nakayuko sila sa pader ng kulay berdeng bahay kung saan nababalutan ng lumot. Malimit lamang ang ilaw, may matataas na gusali, kada bahay ay may sari-sariling gate at malalaman mo talagang mayaman o may kaya ang mga nakatira rito ngunit kadikit naman ng mga pabrika.

"Pre, anong nakikita mo?" tanong ni Vince kay Ace, isang ispiya.

"May sasakyan, pre, hinahabol ng mga grupo..." tugon ni Ace habang nakatuon ang ulo nito sa kahabaan ng Sisa St.. Medyo 'di siya sigurado sa kaniyang mga kataga. "Pre, bakit pa kasi tayo nagdala ng baril?" tanong ni Aldrin sa mga kabarkada at tumingin sa kanila. Kumunot ang noo ni Vince at tumingin kay Aldrin. "Para maging handa tayo, pre, sa oras ng gulo." Umiling si Aldrin nang bahagya. "Bakit, pre? Lagi naman tayong ganito, 'di ba?" wika ni Vince. "Kung iniisip mo 'yung baril na nilagay ni Jairo sa bag na kung sinuman ang nagmamay-ari... 'Yaan mo na 'yun, mayro'n naman tayong reserba." Dinukot ni Vince mula sa kaniyang pantog ang kaniyang baril at ngumiti sa kaniyang kabarkada.

Napayuko nang bahagya si Jairo habang nakatingin sa dalawang nag-uusap. "Pre, ang nalagay ko kasi sa bag..." Hindi na natuloy ang sasabihin ni Jairo nang inilabas ni Vince ang magasin ng baril at nagulat sa nakita.

"Tangina?! Bakit dalawa na lang ang natira rito, mga pre?!" Tumingin siya nang mariin sa kaniyang kasamahan ngunit si Jairo lang ang gumalaw. Tumingin si Vince kay Jairo. "Pre? Anong ginawa mo? Teka?... Ano 'yung nilagay mo sa bag na 'yon? HA?!" Mas lalong kinabahan si Jairo at halos napatalon sa sobrang gulat.

"P-pre... 'yung nalagay ko sa bag ay 'yung baril na may magasin na puno ng bala..." tugon ni Jairo at iwas na iwas ang tingin kay Vince.

"Tangina..." mahinang wika ni Vince at napahawak gamit ang dalawang kamay sa buhok at napayuko. "Pero pre, 'di mo ba nakita 'yung ginawa ko? 'Yung sigaw ko sa J Brothers na 'yon?" pahabol pa ni Jairo. "'Di bale na... kahit na .38 kalibre lang ito, mas okay na 'to kumpara sa 9mm..." dagdag pa nito at kinalas na ang kamay sa kaniyang buhok at tumingin sa paligid. "Umalis na tayo rito hangga't 'di pa sumisikat ang araw, mga pre. Siguradong hahanapin din tayo ng mga bugok na 'yon," wika ni Vince at tumakbo na sila sa kahabaan ng Prosperidad St. ngunit lumiko sa unang daanan---ang Prelaya St..

Habang nasa gitna ng pagtakbo sa madilim na daanan, biglang nagsalita si Renz, isang ispiya rin. "Mga pre, nakita ko kung sino ang bumaril kay Cedric... kaso pinangunahan ako ng takot, mga pre."

Huminto ang barkada sa gilid at sumandal sa kulay pulang gate na may disenyong butas-butas. "Anong nakita mo?" bulong ni Vince, nilapit ang mukha sa kaniya at inakbayan. "Nakadamit siya ng uniporme ng pulis, pre, nakatago siya sa mga halaman... halos mata na nga lang ang nakita ko, pre, e," tugon naman ni Renz habang nakatitig sa malayo, inaalala ang mga nangyari. "Mabuti at pinangunahan ka ng takot, pre, dahil kung hindi, baka ikaw ang nasunod ng pulis na 'yon," seryosong bulong ni Vince sa kaniya.

J Brothers: Rat-life || ★Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon