V | Fragility

9 1 0
                                    

♠️

--- PART FIVE ---

▪ MAY 14-15, 2020 | 11:50PM -- 1:05AM

BUMABA na ng dyip ang lima at nasilayan nila ang napakatahimik na daan. Mahamog, malamig at limitado ang ilaw galing sa mga posteng nakapila mula sa kabilang dulo hanggang sa kabilang dulo. Naghahari ang buwan na siyang nagbibigay ng napakagandang imahe sa kalangitan. Kahit tabunan man ito ng mga ulap, pilit pa ring lumalaban ang liwanag ng buwan. Naglalakad sila sa kanang daanan. Malayo-layo sila nang kaunti sa skyway; kaunti lamang ang mga sasakyan. Sa ibaba no'n, makikita ang napakalawak na lupa na kasinglawak ng skyway. Nasa magkabilang gilid nito ay isang kanal na malalim ngunit hindi mo mahahalata dahil sa dilim na tinatakpan ng skyway. Sa kaliwang lupa nama'y may mga maliliit na silid na gawa sa kahoy at yero. Nando'n ang ibang gard habang ang iba'y nasa labas.

Habang nasa daanan,---malayo sa skyway kung saan nasa ilalim ang mga gard---biglang sumigaw si Jhunraye. "E, gard lang naman ito, per!" Natulala lang si Jasper nang makita ito. "Wala nang mga dyip, mga pre," singit naman ni Jessa. "Shh..." pagpapatahimik ni Joshua. "Paano kapag nakilala tayo niyan?" kinakabahang tanong ni Jessa. "May naisip ako, mga pre," wika ni Joshua. "Ano naman 'yon, pre?" tanong ni Jr, kaliwa't kanan ang tingin nito sa paligid. Ngunit ang mas naagaw ng kaniyang atensyon ay ang mga gard na tumitingin-tingin sa kanila. "Mag-iiba tayo ng suot," matipid na wika ni Joshua. Kumunot ang noo ni Jessa at Jasper. Habang nakakalahati namang nakasara ang talukap ng mga mata ni Jhunraye. Si Jr nama'y 'di nakikinig.

"Ang ibig kong sabihin, magtatanggal tayo ng suot, rarambulin---basta," paglilinaw ni Joshua. "Saan naman tayo magpapalit ng suot?" tanong ni Jhunraye.

"Dito na lang." Sabay turo ni Joshua sa kaniyang kinatatayuan at ngumiti.

"Baliw--" wika ni Jessa ngunit napahinto. "Maliban kay Jessa," wika ni Joshua, tumingin sa kaniya at nakangiti. "Mabuti," medyo iritang tugon ni Jessa. "Tara na, simulan na nati-- Teka, hindi ba nakakahiya? Kasi maraming dumadaan, mga sasakyan?" nag-aalalang tanong ni Jasper.

Bumuntong-hininga si Joshua. "Marami pa ba 'yan sa tingin mo?" At inihayag ang palad sa daanan. "Halos wala na nga, e. Anong oras na ba?"

"11:59, pre," singit ni Jr nang makalapit na kay Joshua. "Nako..." bulong ni Joshua at pumalatak nang tatlong beses habang umiiling. "Ngayon lang yata ako uuwi ng ganito kadilim, mga pre," nababahalang singit ni Jessa. Napangiti si Jasper at Jhunraye, ang dalawang magkapatid. "Malalagot ako kay mama nito, mga pre... Baka ito na ang kauna-unahang uwing madaling araw ko," sulpot ni Jr at hinubad na ang kaniyang t-shirt. "Heto na lang suotin mo, pre," suhestyon ni Jhunraye; naghubad ito ng kaniyang polo at ibinigay kay Jr. Kinuha naman ito ni Jr; sinuot niya at binutones. Kinuha naman ni Jasper ang t-shirt ni Jr. Hinubad niya ang suot niya at ipinalit ang damit na kinuha niya kay Jr.

Tinanggal naman ni Joshua ang kaniyang polo at ibinigay kay Jasper. Habang si Jessa nama'y tinanggal ang kaniyang kulay rosas na long sleeves at itinali na lang sa kaniyang baywang.

"Mga pre, sino 'yon?" tanong ni Jasper habang isinusuot ang polong binigay sa kaniya ni Joshua. "Tara na, baka ispiya ng humahabol sa atin, mga pre," bulong ni Joshua at kinalabit ang kani-kanilang mga balikat isa-isa.

Sinimulan na nilang lagpasan ang skyway kung saan nasa ilalim nakapwesto ang mga gard. Hindi nila tinitingnan ang mga ito ngunit panay tingin pa rin ang mga gard sa kanila. "Bakit ba sila tingin nang tingin sa 'tin, mga pre? Ano bang mayro'n sa atin?!" Nagtitimping inis habang bumubulong si Jessa. "'Yaan mo, 'wag ka lang magpahalata, pre," tugon naman ni Jhunraye. Pinipilit ibalik ni Jessa sa pagiging normal ang kaniyang puso hanggang sa makalagpas na sila sa skyway.

J Brothers: Rat-life || ★Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon