IV | Jeepney

6 1 0
                                    

♠️

--- PART FOUR ---

▪ MAY 14, 2020 | 11:00PM -- 11:50PM

NAGLALAKAD ang dalawang grupo patungong Banana Rd. Matapos lagpasan ang University Ave. Lumiko sila sa kaliwa. Gano'n pa rin ang nadatnan nila: lasingero, may sasakyang nakaparada sa kaliwang bahagi at tindahang nakasara.
Lumingon si Jessa sa paligid. "Ang aga namang magsara ng mga tindahan dito sa..."

"Potrero. Ewan ko. Baka 'yung iba pagod na sa gawaing bahay. Baka 'yung iba tamad ang mga anak sa pagbabantay. 'Di natin alam," singit ni Aglaia.

"Sa 'min kasi, kahit hatinggabi na, nakabukas pa rin, kahit tulog na 'yung nagbabantay." At napangiti nang pilit si Jr. "Gigisingin lang siya ng mga bumibili. Gano'n ba talaga taga-Catmon? O sa nakita ko lang?"

"Saan mo ba nakita?" tanong ni Jr at napakunot ng noo si Jessa habang nakangiti ng pilit habang nakatingin sa kaniya. "Sa inyo, syempre! Malapit ako ro'n, e. Kami," tugon ni Jessa at parang naiinis dahil sa tanong ni Jr.

"Mga kuys at kuts, nandito na tayo," singit ni Son habang nakahinto sa kulay berdeng tatlong palapag na bahay ngunit kulay abo ang pangatlo dahil wala itong pintura, tanging semento pa lamang. Unang pumasok ang mga kaibigan ni Son bago ang mga kaibigan ni Joshua.

"Ayos din naman pala ng bahay niyo, a?" komento ni Jasper nang makapasok at lumilingon sa paligid. Tumango naman si Jessa at ginaya si Jasper. "Do'n tayo sa taas kasi kitang-kita kayo d'yan kapag may naghanap sa inyo," wika ni Son.

Umupo si Jessa, Jr at Joshua sa isang upuang yari sa kahoy sa kanang bahagi habang nasa kaliwang bahagi naman si Jhunraye, katabi ang dalawang sina Xanea at Jasper, higpit na higpit ang pagkakayakap sa isa't-isa. Habang nakaupo naman ang dalawang magkasintahan sa hagdang paakyat sa pangalawang palapag maliban kay Zee na nasa itaas.

"Teka lang, kuha lang ako tubig, pi," singit naman ni Xanea at kumalas sa pagkakayakap kay Jasper.

"O, ito, pi," wika ni Xanea habang may hawak na dalawang baso ng tubig at ibinigay kay Jasper ang isa. "Salamat xi." Umupo na si Xanea katabi si Jasper.

Mayamaya, may narinig silang sigawan sa labas. "Ano 'yon? Bakit ang ingay sa labas?" tanont ni Jessa at pilit tinitingnan ang labas mula sa bintana ng bahay. "Ito naman, parang 'di na nasanay sa 'tin," wika ni Jasper at nakangiti pa. Inirapan lamang ito ni Jessa.

Nilabas ito ni Son at Jessie, ang dalawang tibo. Pagkapasok, napangiti na lang. "Wala 'yon, mga lasing na kasi kaya nagkakagano'n," natatawang wika ni Son at unang pumasok bago si Jessie. Bumalik sila sa hagdang kanilang kinauupuan kanina. "Siguro, mas mabuti kung umakyat na kayo sa taas para sigurado--" Tumingala ito sa itaas. "Zee? Ayos na ba d'yan? Pwede nang pagpahingahan?" Sumigaw naman si Zee ng, "Oo." dahilan upang magsiakyatan ang mga kaibigan ni Joshua patungong pangalawang palapag. Habang ang isang grupo nama'y nagbabantay sa unang palapag, sa baba.

"Siya nga pala, mga kuys, 'wag niyo gano'ng dudumihan 'yung higaan kasi 'yung may-ari nito nasa ibang bahay, kami muna pinapabantay rito," bilin ni Zee at bumaba na ng hagdan.

Matapos n'on, unang sumalampak si Jasper sa kulay berdeng banig. Sumunod ang dalawa si Jhunraye at Xanea. Habang ang tatlo nama'y umupo lang sa sulok na halos katapat lang ng hinihigaang banig ng tatlo.

J Brothers: Rat-life || ★Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon