XI | Clocks and Clefs

12 1 0
                                    

♠️

--- PART ELEVEN ---

MAY 15, 2020 | 3:00AM -- 4:20PM

MALIKOT ang pag-mamanobela ni Black sa kotse, nasa likuran niya si Jr na mabilis na itinatali ang kamay at paa ng tatlo niyang kasamahan. "Tangina, bilisan niyo naman!" sigaw ni Black habang palingon-lingon sa harap at likod niya dahil hinahabol sila ng dalawang grupo---ang Clockers at ang Treble Clefs.

"Mga tuta..." mahinang wika ni Black nang saglit itong lumingon sa kanilang likuran. Limitadong ilaw na sapat na upang makita isa-isa ang kani-kanilang mga pigurang uhaw na uhaw sa gulo habang hawak-hawak ang mga dos por dos atbp, tumatakbo upang makuha si Jr. Siya'y inipit ng dalawang lalaking nasa dulong upuan, nakaupo nang maayos ngunit limitado ang galaw, nakatali ang kamay nitong nasa likod maging ang paa nitong naka-ekis. Mahigpit ring nakatali sa leeg ni Jr ang lubid na hawak-hawak ng lalaking nasa kaliwa nito.

"Pre, sa susunod naman, ayusin mo naman kumilos, tumityempo lagi 'yang mga barkada mo, e," wika ng isang lalaki sa kanang bahaging upuan. "Tumahimik ka, pre. Ang importante nakuha natin kung ano ang kailangan natin. Mamaya makakatikim 'yan," tugon ni Black.

Nakatingin lang sa kanila nang maigi si Jr, nag-aabang ng mahahalagang impormasyon na makakalap mula sa kanila. "Bakit kamukha niya 'yung kasama nila Servino sa banda?" tanong ni Jr sa sarili, nagtataka. Inalala niya nang mabuti, inaninag ang mukha nito, pilit niyang inaalala kung sino ba talaga 'yon. "'Di pwede... Siya 'yon..." wika ni Jr sa isipan.

Mabilis siyang sinampal ng kaniyang katabi sa kaliwa. "Huy! Anong klaseng titig 'yan?" Napangiti ang dalawang katabi ni Jr sa kaniya. "Mukhang lalaban pa 'tong aso mo, pre, a?" wika ng lalaking nasa kanan ni Jr kay Black. "Labanan mo muna atraso mo sa amin, bata," pang-uuyam ni Black, nakangiti na sinundan ng halakhak ng dalawang katabi ni Jr.

"Gago, pre, ang bibilis naman ng mga tutang 'to," wika ng lalaki sa kanan ni Jr nang lumingon ito sa kanilang likuran. "Hayaan mo 'yan, pre, may iba pa akong plano," kumpiyansang tugon ni Black at kinuha ang cellphone mula sa bulsa ng kaniyang pantalon.

"Pre? Heto na 'yung regalo ko sa 'yo, pre," bungad ni Black, inipit niya ang kaniyang cellphone sa balikat at pisngi nito habang inaasikaso ang pagmamanobela. "Sino, pre? Si Jr ba 'yan? 'Yung sinasabi mo?"

"Oo, pre, wala nang maraming tanong, hinahabol kami ng mga putang inang mga kumag na 'to!" sigaw ni Black at mabilis siyang pinatayan.

Nakarating ang sasakyan nila sa Marcelo H. Del Pilar kung saan natagpuan nila ang kulay itim na sasakyang humaharurot patungo sa direksyon nila. "Sila na ba 'yan, pre?" tanong ng lalaking nasa kanan ni Jr. "Tinanong mo pa," wika ni Black at mabilis niyang iniliko ang sasakyan nila upang tumapat sa gilid ng itim na sasakyan. Napatingin sa magkabilang gilid si Jr at nandilim ang paningin sa paligid. Ngunit bigla siyang sinapak sa tiyan ng lalaking nasa kanan niya kaya't napahiga siya sa lapag. Huminto rin ang itim na sasakyan; mabilis na binuksan ang dalawang pintuan sa dulo at inihagis si Jr patungo sa kabilang sasakyan.

Biglang nawala sa esksena ang dalawang grupong humahabol sa kanila, naging tahimik ang kanilang likuran, tanging hamog na lamang ang maririnig at mga kuliglig.

"Patikimin mo ng masarap 'yan, pre! Baka magutom 'yan sa mahabang biyahe!" sarkastiko at nakakatakot na sigaw ni Black nang unti-unting bumababa ang salamin ng bintana ng sasakyan.

"'Wag kang mag-alala, ipapasubo ko pa sa kaniya kapag nasiyahan ako sa batang 'to!" sigaw naman ng lalaking nasa itim na sasakyan, nakababa rin ang bintana ng salamin ng sasakyan nito.

-----

Napaliligiran ng mga iba't-ibang personalidad ang malaking bilog na mesang nasa gitna. Isang lampara lamang ang tanging nagbibigay ng liwanag sa maliit na silid na ito na nakasabit sa taas ng lamesang ito. Hindi mabura-bura ang nakakapangilabot nilang titigan sa kani-kanilang kaharap sa mesa. May nakapangalumbaba, nakasandal sa kanilang upuan, may tunog ng posporo't palitong sinisindihan ang sigarilyong nakasuksok sa mga bunganga, may mga boteng nakalapag at mga walang laman at may nakahalukipkip habang nakadiretsong nakaupo sa kaniyang upuan.

J Brothers: Rat-life || ★Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon