♠️
--- PART THIRTEEN ---
▪️ MAY 15, 2020 | 4:20AM -- 5:00AM
MALAKAS ang hilik ni Joshua habang nakahiga sa gilid ng daan sa Celia St. kung saan nasisilungan sila ng mga puno; katabi niya si Jasper na walang bakas ng kaantukan sa mata nito. Ni walang hikab na ginagawa, tanging hagikhik lamang dahil kausap nito si Xanea sa kaniyang cellphone."Buti, may load ka pa, pi? Himala?" wika ni Xanea.
"Wala na, bi, nagka-load lang dahil sa 'yo," banat naman ni Jasper.
"Siraulo, baliw!" tugon naman ni Xanea, bakas sa kaniyang sagot ang kaniyang pagtawa.
"Nasaan ka? Nasaan kayo?"
"Wala na kami sa Potrero, pi."
Kumunot ang noo ni Jasper nang makita ang tugon niya at lumingon sa paligid kung may paparating ngunit wala kaya ibinaling na lamang niya ang tingin niya sa kaniyang cellphone.
"Nasaan kayo, bi? Bakit? Anong nangyari?"
"Hindi ko alam kung saan, bi. Pero, maayos lang ako. 'Wag mo na muna kami hanapin, baka mapahamak ka pa, pi."
"Sige, sige, bi. Basta mag-iingat kayo, ah? Sino mga kasama mo d'yan?"
"Si Margaux, Aglaia lang tsaka si Jessa, pi."
"Ah, kayo lang, bi? Sige, mag-iingat kayo, ah?"
Hinihintay ni Jasper ang mabilisang tugon ni Xanea ngunit wala na siyang natanggap. Dahil do'n, napatingin na lamang siya sa paligid ulit at sa pangalawang pagkakataon, nakakita siya ng isang pigura ng babae na iika-ika kung maglakad at halos matutumba na sa daan. Naglalakad ito nang napakabagal sa gitna ng Ma. Clara St.; mabuti na lamang at walang sasakyang dumadaan kung hindi, nasagasaan na ito kanina pa.
"Sino 'to? Teka..." mahinang wika ni Jasper at ginising si Joshua. Lukot ang mukha nito dahil naalimpungatan; umuunat-unat pa ito habang nakatingin sa paligid.
"Pre, kilala mo ba 'yon?" Tinuro ni Jasper ang babaeng nasa malayo. "'Yan ba 'yung bumangga sa 'yo?... Sa dyip?"
Inaninag ni Joshua ito at umiling. "Hindi ko makita, pre." Napahikab ulit ito at napapikit.
Inaninag ito ni Jasper nang maigi. Itim ang sando nito maging ang suot nitong leggings. "Teka... si Jessa? Si Jessa, pre!" pigil na sigaw ni Jasper at niyugyog si Joshua kaya naman napabangon ito at nagulat sa nakita.
"Oo nga, pre!" sigaw ni Joshua at mabilis na tumayo upang tumakbo patungo sa direksyon nito kasunod si Jasper.
Nagulat si Joshua sa kaniyang nasilayan ngunit mabilis niyang inakbay si Jessa. "Pre? Anong nangyari sa 'yo?" kinakabahang tanong ni Joshua rito at tumingin sa kaniyang leggings na butas-butas ngunit ang mas naagaw ng kaniyang pansin ay ang pinakamalaking butas ay malapit sa kaniyang pantog patungo sa kaniyang sando na may malaking hiwa.
Umiling-iling lamang si Jessa sa kaniya at napayakap. "Wala, pre... Na...Nabugbog lang..."
"Tangina?! Sino? 'Yung mga IDT? IDT ba 'yon? Nasaan sila--"
"Pre, wala, wala... umalis na sila kaagad, 'di ko na alam kung saan sila pumunta."
"Pre? Bakit namumula 'yang braso mo?" singit ni Jasper at agad namang kumalas si Jessa sa pagkakayakap kay Joshua.
Tiningnan ni Jessa ang kaniyang braso at kamay. "Binugbog nga kasi ako... Kaya gano'n... pa-pati 'yung long sleeves ko, nakuha rin nila," kinakabahan na tugon ni Jessa habang nanginginig ang labi na nakatingin sa dalawa.
BINABASA MO ANG
J Brothers: Rat-life || ★
Mystery / Thriller...Tagu-taguan maliwanag ang buwan pagbilang kong tatlo nakatago na kayo. Isa, dalawa, tatlo... At dahil nga sa isang hindi inaasahang pangyayari matapos ang kasiyahan, nalagay sila sa isang peligrong hindi naman dapat nilang pagdaanan ni pagsisihan...