♠️
--- PROLOGUE ---
▪ MAY 14, 2020 | 6:30PM -- 8:00PM
"MGA PRE? Nasa'n na ba kayo? Ang tagal niyo naman? Nandito na ako sa tambakan!" naiinip at galit na galit na pahayag ni Joshua---lider sa barkada---sa selpon niyang touch screen. Nakatayo ito sa pinakamataas na bahagi ng malaking tambak ng basura at lupa na tinubuan na ng mga damo dahil sa sobrang tagal na ang lumipas. Nakasuot ito ng itim na t-shirt, pinatungan ng kulay sky blue na long sleeves jacket. Tinernohan niya ito ng sky blue na maong at kulay puting converse na sapatos. Kulay itim ang buhok nito at nakaliko sa kanan ang direksyon na bumagay sa kaniyang maputing balat. "Teka lang pre, gising pa si mama, sunod na lang ako," tugon ni Jasper. "Kuya mo? Nasaan?" tanong ni Joshua.
"Nasa banyo, nagbabati pa, pre."
"Dalian niyo na, pre! Mawawalan tayo ng pwesto niyan!"
"Papunta na ako d'yan. Naunahan ko pa kayo, mga pagong!" sulpot ni Jessa, ang kaisa-isang babae sa magbabarkada. "Mag-ingat ka, Jessa. Madilim pa naman," tugon ni Joshua at sumagot naman si Jessa ng, "Opo, boss."
-----
"Kuya, dalian mo na, nagbabati pa kasi!" iritang sigaw ni Jasper. Nakaupo ito sa tapat ng isang lamesa habang nakasampay sa kanang balikat ang tuwalya nito. "Saan ba kayo pupunta, ah?" tanong ng papa nila. Sumulpot ito mula sa unang kwarto kung saan malapit lang sa kinauupuan ni Jasper. "Sa concert lang po, pa. Minsan lang 'yon, e." Kumunot ang noo ng papa nila. "Baka mamaya, gumala lang kayo kung saan-saan." Ngumuso ang labi ni Jasper at pinukulan ng matulis na tingin ang kaniyang ama. "Hindi, ah. Concert lang 'yon, ta's uwi na agad."
"Kung kailangan niyo ng pera, bahala kayo. Kabibili ko lang ng materyales para sa kwarto ng ate mo." Yumuko na lamang si Jasper sa narinig at nananatili pa rin ang nakanguso niyang labi habang sinisipa-sipa ang karton sa baba ng lamesa.
"Per, ligo ka na," bungad ni Jhunraye, nakabalot ito ng tuwalya at basang-basa ang katawan at buhok. Dumiretso na ito sa unang kwartong pinaglabasan ng kanilang ama at doon na nagbihis. Kasabay n'on, ay ang pagpasok niya sa banyo.
-----
"Nasaan na kaya si Jr..." kinuha ni Jhunraye ang selpon niyang touch screen at kinausap ito. "Nasaan ka na, pre?" bungad niya. Nakasuot ito ng kulay puting t-shirt at pinatungan ng polong kulay bughaw; hindi niya ito binutones. Tastas na maong naman ang pangbaba nito at kulay bughaw na converse na sapatos habang naghihintay sa sagot ni Jr. "Ang tagal naman sumagot ng kupal na 'to." Kulay itim rin ang kulot nitong buhok at pataas ang direksyon nito habang nilalamon ng medyo kayumangging kulay ang balat nito.
"Nandito ako sa mall. Bakit ano bang mayro'n?" tugon ni Jr. Mabilis namang kinuha ni Jhunraye ang telepono nang tumunog ito upang sagutin ang tanong niya. "Gagi, ngayon na 'yung concert, pre! Saang mall ba 'yan? Si Joshua nag-aantay na sa tambayan natin." Agad niyang kinuha ang pitaka niya upang isukbit sa bulsa niya sa likuran. Lumabas na siya ng kwarto at sinigawan si Jasper. "Hoy, dalian mo na, ang tagal-tagal mo naman. Binagalan ko na nga--"
"Oo, ito na! Ikaw nga 'tong mabagal! Liligo lang kalahating oras pa."
"Dami mong drama, dalian mo na lang--" Napahinto si Jhunraye sa kaniyang kataga nang bumukas agad ang pinto. Niluwa nito si Jasper na nakabalot ng tuwalya ang kalahati ng katawan nito. Biglang natawa si Jhunraye sa nadatnan. "Hoy! Bilisan niyo na d'yan, ang ingay-ingay, natutulog na kami rito, e!" sulpot ng babae sa unang kwarto malapit sa banyo kung saan nag-aalitan ang magkapatid. Dahil do'n, tumawa nang walang tunog si Jhunraye habang may tinuturo sa buhok ni Jasper.
BINABASA MO ANG
J Brothers: Rat-life || ★
Misterio / Suspenso...Tagu-taguan maliwanag ang buwan pagbilang kong tatlo nakatago na kayo. Isa, dalawa, tatlo... At dahil nga sa isang hindi inaasahang pangyayari matapos ang kasiyahan, nalagay sila sa isang peligrong hindi naman dapat nilang pagdaanan ni pagsisihan...