VIII | Track and Toll

15 1 0
                                    

♠️

--- PART EIGHT ---

▪ MAY 15, 2020 | 2:40AM -- 4:20AM

SUMASADSAD ang kanilang mga paa habang tumatakbo patungong University Ave., nagbabakasakaling mahanap nila si Jr sa lugar na 'yon. Huminto sila sa kanto ng nasabing daanan. "Pre, sa tingin mo ba babalik si Jr dito?" duda ni Jhunraye. Tumingin lang sa kaniya si Joshua. "Hindi siya ang babalikan natin, pre, kun'di si Xanea." Napalingon sa kaniya si Xanea habang nakaakbay kay Jasper. "Ako? Ibabalik niyo? Ha! Hindi ako nababagay roon!" sigaw ni Xanea. "Mga pre..." bulong ni Jasper sa barkada. Mabilis na napakapit si Jessa sa kanang braso ni Joshua sa sobrang takot. "Nasaan, pre?" bulong ni Joshua kay Jasper.

"Xanea! 'Di ba't sabi ko, walang aalis ng bahay?!" sigaw ni Son, nakapamaywang pa ito. "Tara--" Biglang may humataw sa kaniyang ulo mula sa kaniyang likuran---isang dos por dos na kahoy---dahilan upang bumagsak siya sa lupa. "Hay nako, Xanea... Bakit ka pa kasi umalis ng bahay, tingnan mo? Madadamay ka pa dahil sa katangahan mo," wika nito habang unti-unting lumalapit sa amin habang lumilitaw ang kaniyang mukha mula sa dilim.

Napaatras ang lahat maliban kay Joshua at Jhunraye, ang dalawang may karanasan na sa pakikipaglaban. "Taga?" tanong ni Jhunraye kay Joshua. "Ano pa nga ba?" tugon nito. Biglang lumitaw ang ilang miyembro nito na pinaligiran sila. Iba-iba ang kani-kanilang suot, may nakasuot ng t-shirt, sando, maging polo ngunit may kaisa-isang bagay na makapagpapatunay na iisang grupo sila---ang singsing na may tatlong patulis na disenyo sa gitna. "P-pre, may sinabi ba sa 'yo si Jr tungkol sa suot nilang singsing?" nagmamadaling bulong ni Jhunraye kay Joshua. "Wala, pre, hindi ko alam," tugon ni Joshua.

Sumitsit ang lalaking kaharap nilang may hawak na dos por dos na kahoy at ginamit bilang tungkod-tungkuran pansamantala. Lumiit nang kaunti ang bilog na ginawa nila dahilan upang mas kabahan ang dalawa---si Jasper at Jessa. Samantalang si Xanea ay naghihintay ng may mapupuruhan.

"Gaaah!!!" sigaw ni Margaux at mabilis na hinataw ang ulo ng lider na kaharap nila Joshua. Biglang sumunod ang iba pa---kabilang si Joshua at Jhunraye---nitong kasamahan na sabay-sabay na hinataw sa ulo ng dos por dos na kahoy ang mga ito. "Ang kulit mo talaga, bi, 'no?" iritang wika ni Margaux kay Xanea at hinablot siya papalayo kay Jasper ngunit kumontra si Xanea. "Bi, ano ba? Dalian mo na!" sigaw ni Margaux sa kaniya habang ang tatlo ay abala sa pakikipaghatawan ng dos por dos na kahoy at pakikipagsapakan kung mabitawan man ang kanilang hawak.

Napilitang sumama si Xanea kay Margaux at bitawan si Jasper. "Babalik ako, Jasper," pahabol ni Xanea habang hinahatak ni Margaux papalayo habang tumatakbo sa gitna ng bugbugan. "Pre, tumakbo na kayo, DALI!" sigaw ni Zee kay Joshua nang makadale ng isang kalaban. Dali-dali namang tumakbo papalayo si Joshua hatak-hatak si Jhunraye na muntikan pang makasipa ng kalaban at sinenyasan ang dalawa---si Jessa at Jasper---upang tumakbo nang malayo. Pinangunahan nito ni Joshua na tumungong Gov. Pascual Ave.. "Maghintay tayo rito, mga pre," wika ni Joshua at napagdesisyunang magpahinga sa agwat ng dalawang tindahan na nasa tapat ng daanan. Samantalang si Jasper nama'y nakatayo ngunit kalahati lang ng mukha ang kita upang tingnang mabuti ang paligid: kung ligtas ba sila rito, o kung nasaan na nga ba si Jr; nagtatago ba siya o kinuha na naman ng ibang grupo?

"Tangina, pre, sayang 'yon mapupuruhan ko na, e!" sigaw ni Jhunraye at biglang tumunog ang kaniyang cellphone. Agad niya itong kinuha mula sa kaniyang bulsa at tiningnan kung sino ang tumawag. Nanlaki ang kaniyang mga mata sa nakita. "Si Jr, mga pre!" At walang alinlangang sinagot.

"Pre, pre, nasa Basilio St. ako, dalian niyo, pre!" Bigla itong pinatay ni Jr na ikinagulat naman ni Jhunraye. "Tangina, mga pre, may masamang nangyayari kay Jr, TARA NA, DALI!" sigaw ni Joshua at naunang tumayo na sinundan naman ng iba at tumawid sa daanan patungong Sisa St.. Kaunting takbo pa ang kanilang ginawa at lumiko na sila sa Basilio St. dahilan upang tumahimik ang barkada; maging alerto sa paligid, walang gawing ingay at maglakad ng marahan. "Shh..." bulong ni Joshua at pinapakiramdaman ang paligid. Agad silang nagtago sa likod ng kotse na nasa kaliwang bahagi ng daanan at dahan-dahang sumisilip doon. "Walang panganib... Mukhang nakaalis na... siguro," pahayag ni Jasper habang nakatitig sa kadiliman. Mabilis silang tumungo sa isa pang trak na nasa kanang bahagi ng daan. Maya-maya sa sobrang kabado ni Jessa, nagtago na lamang muna siya sa ilalim ng trak. "Mga pre, bakit may long sleeves do'n?" tanong ni Jessa na agad namang sinilip ni Joshua. Nang 'di niya mawari kung kanino 'yon, kinalabit niya si Jhunraye upang sumilip do'n.

J Brothers: Rat-life || ★Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon