Future asawa mo, kung hindi papalarinOkay lang sakin.
Kung masaya ka sa kanya, ako rin.
Dahil suportado kita,
Kahit masakit pa.
Mahal kita,
Pero kung mahal mo siya
Sige, sa kanya kana.
Wag mo sanang isipin na ipinamimigay kita
Masisisi mo ba 'ko? Eh masaya ka sa kanya.
Hindi naman sa madali akong sumuko, mahal kase kita
Kaya ipina-uubaya na kita sa kanya.
Palalayain na kita
Kahit hindi ko kaya.
Ayokong mawala ka pero gusto kong sumaya ka
Kaya sige sa kanya kana
Tatanggapin ko na lang na sasaya ka sa piling ng iba.
Kapag sa kanya kana
Hayaan mo kong mahalin kapa
Mamahalin kita nang sobra sobra
Alam ko kase kung gaano kasakit mangulila sayo,
Kaya ayokong iparamdam sayo na mangulila sa taong mahal mo.
Ipina-uubaya kita hindi dahil sa ayoko na sayo
Ipina-uubaya kita hindi dahil sa masaya na ako
Ipina-uubaya kita hindi dahil sa sumusuko na ako
Ipina-uubaya kita hindi dahil sa hindi na ako sayo
Ipina-uubaya kita dahil alam kong ayun 'yung ikasasaya mo.
Mahal, itong sakit na 'to,
Ito yung sakit na kahit kailan
Hindi ko hahayaang maranasan mo
![](https://img.wattpad.com/cover/238092460-288-k218563.jpg)
YOU ARE READING
Spoken Word Poetry (Compilation)
PoetryIf you can't say it, write it. English and Tagalog Poetries