Kabataan nga ba ang pag-asa ng bayan?
O kabataan ang sisira sa kinabukasan?
Kung gusto natin ng kapayapaan,
Tayo na't mag tulong-tulongan.
Dapat ay pantay-pantay ang pagtingin ng karapatan,
Mahirap man o mayaman.
Maraming tinig sa mundong tinitirhan,
Matutong rumispeto at maging maunawain,
Dahil iisa lang ang ating layunin.
Kaguluhan ay tapusin,
Tulong-tulong nating gawin.
Kung kapayapaan ang hinahangad ng bayan,
Umpisahan mo sa tahanan.
Disiplina ay huwag ialis sa isipan.
Kung hindi uumpisahan sa sarili ay wala tayong makakamtan.
Kabataan, tayo na't lumaban para sa kapayapaan.
Katahimikan ay isa alang-alang.
Ano mang pagsubok ay ating lampasan.
Walang titibag sa kabataang may ipinaglalaban.
Kabataan, tayo na't lumaban para sa kapayapaan.
Wakasan na natin ang kahirapan.
Daanan lang ang problema at huwag nang tambayan.
Walang titibag sa kabataang may ipinaglalaban.
YOU ARE READING
Spoken Word Poetry (Compilation)
PoetryIf you can't say it, write it. English and Tagalog Poetries
