Bakas

2.7K 18 0
                                        

Masaya 'ko... 

Masaya 'ko sa bakas na iniwan mo.

Kasi ako 'to,

Or should i say, ako na 'to? 

Tinanggap ko na dadalhin ko ang bakas na iniwan mo,

Hanggang sa dulo ng buhay ko.

Imagine, wala ka na pero yung sakit nandito pa,

Pero tinanggap ko yung sakit dahil pinalakas ako non.

Oo, nagalit ako pero natuto akong huminahon.

Nadapa ako pero natuto akong bumangon

Nalunod ako pero natuto akong umahon.

Lumuha ako pero nasayang lang yung panahon.

Hindi na dapat kita iniyakan,

Hindi mo naman ako binalikan.

Pasakit ka lang.

Nasaktan ako at hindi na ako magmamakaawang balikan mo,

Naging miserable ang buhay ko,

Parang unti unting pinapatay mo 'ko.

Bawat bagay na makita ko ay ikaw ang naaalala ko,

Kaya unti unti rin pumapasok sa utak ko,

Na iniwan mo na nga ako,

At ayos na 'ko sa bakas na iniwan mo.

Spoken Word Poetry (Compilation)Stories to obsess over. Discover now