Klasmeyt,
Isang salita, walong letra, dalawang pantig.
Sampung buwang nagsama-sama
Nagharutan, nagmahalan, nagtulungan, nagkatampuhan, nagka aminan, nagkasiyahan.
Pero ngayon ay magpapa-alam na sa isa't-isa.
Sa unang araw ay hindi ko alam kung magiging close ko ba ang mga 'to,
Pero ngayon, sa sobrang close natin ay hindi ko na alam kung paano ko kayo bibitawan.
Sa unang araw ay nagkakahiyaan,
Pero ngayon, 'pag magkakasama ay wala nang hiya sa daan.
Sa unang araw ay hindi ko alam kung paano ko kayo pakikisamahan,
Pero ngayon ay hindi ko na alam kung paano ako magpapaalam.
Nagsimula tayo sa "anong pangalan mo?"
Tatapusin na lang ba natin 'to sa "paalam na kaibigan ko"?
Marami na rin tayong napag daanan bilang isang section,
Sana ay 'wag niyong kalimutan ang mga 'yon.
Naaalala niyo pa ba yung kaunti lng sa atin ang may assignment?
Ang saya kasi mamimili ka na lng doon kung kanino ka kokopya.
Naalala niyo pa ba 'yong mga groupings natin?
Ang saya kasi tuwing walang pasok ay nag kikita-kita.
Naalala niyo pa ba 'yong mga contests na sinalihan natin?
Ang saya kasi naranasan natin na mag tagumpay ang isang Pamilya.
Oo, Pamilya.
Itong section na 'to,
Hindi lang mga kaklase ang turing ko sa inyo.
Pamilya ko na kayo,
Dahil isa na kayo sa mga inspirasyon ko.
STAI LEGGENDO
Spoken Word Poetry (Compilation)
PoesiaIf you can't say it, write it. English and Tagalog Poetries
