Alam kong nahihirapan ka na,
At hindi mo kailangang lumaban mag-isa.
Alam kong ayaw mo nang mahirapan pa,
Bakit hindi ka pumikit at kausapin siya?
Magtiwala ka,
Hindi ka niya iiwan tulad ng iba.
Nandito rin ako at sosoportahan kita.
Hindi ko sasabihing tumahan ka na,
Dahil alam kong hindi mo na kaya at ang sakit-sakit na.
Ayos lang na umiyak ka,
Ayos lang kung napapagod ka na,
Pero sana lumaban ka.
Huwag mo nang intindihin ang sinasabi ng iba,
Hindi mo kailangang patunayan ang sarili mo sa kanila,
Dahil hindi lahat ay naiintindihan ka.
Huwag kang magpaapekto sa kanila,
Tandaan mo na ang sarili mo ang pinaka mahalaga.
Kapag kailangan mo ng kasama,
Nandito lang ako.
Hindi ka nag-iisa,
Sasamahan kita.
I Love you and I'm proud of you.
I hope you'll feel better after reading this.
YOU ARE READING
Spoken Word Poetry (Compilation)
PoetryIf you can't say it, write it. English and Tagalog Poetries
