Bagay Kayo

1.7K 17 0
                                        

Normal naman sigurong magselos ako diba?

Tao ako, nagmamahal din ako, at nasasaktan ako.

Nasasaktan ako kapag may ibang lumalapit sayo.

Nasasaktan ako kapag may ibang nagpapasaya sayo.

Nasasaktan ako kapag may ibang bumubuo ng araw mo.

Nasasaktan ako tuwing nagtatawanan kayo.

Kayo...

Napapatanong nalang ako sa sarili ko kung, bakit?

Bakit merong "kayo"? Bakit walang "tayo"? 

Bakit merong "siya"? Bakit walang "ako"?

Bakit hindi nalang ba ako?

Ako nalang yung papalit sa pwesto niya kung saan mapapasaya kita.

Ako nalang yung bubuo ng araw mo kahit walang siya.

Mahal, ako nalang, ako naman.

Sa mga sinabi ko 'wag mo sanang isipin na nagsasawa na akong maghintay sayo,

Mahal hindi ako magsasawang mag hintay sayo.

Napapagod lang talaga ako.

Alam mo ba girl scout ako, handa ako palagi.

Andito lang ako kapag wala siya sa tabi mo,

Handa ako na maging rebound mo.

Ang tangi ko lang na hindi napaghandaan ay ang pag-alis mo.

Hihintayin ko ang pagbabalik mo,

Kung sakali mang hihingi ka ng tawad sakin ay hindi ko matatanggap yan.

Mahal simula nang iwan mo 'ko ay wala kang nagawang kasalanan sakin.

Nasaktan mo lang ako, at okay lang sakin 'yon.

Dahil alam kong babalik ka.

'Diba?

Babalikan mo 'ko?

Isang araw ay may nagtanong sakin kung ano ba ang nangyari.

Kung ano ba talaga ang nangyari.

Dahil doon ay bumalik ang mga ala-ala,

Naalala ko yung mga panahong inaasar pa kita doon sa crush mo,

Ngayon napagtanto ko na totoo palang kapag nagseselos ka ay irereto mo sa iba.

Naalala ko yung mga panahong nagtatawanan lang tayo,

Kaya napatanong din ako sa sarili ko, kung ano nga ba talaga ang nangyari?

Kase diba dapat ako yung kasama mo? 

Kase diba dapat ako yung kaasaran mo? 

Eh bakit biglang nawala ako? 

Ah! Kasi may bago na.

Mas maganda ba siya? Pasensya na, pangit kasi ako.

Mas matalino ba siya? Pasensya na, ang bobo kasi nito.

Mas mabait ba siya? Pasensya na, ang sama kasi ng ugali ko.

Eto lang ako eh. Eto lang yung kaya ko.

Hindi ba 'yon sapat sayo?

Dati, ayokong sabihin yung hinanakit ko sayo,

Kase baka maging dahilan 'yon para iwasan mo 'ko.

Ayokong sabihin sayo na nagseselos ako, sobra.

Tapos isang araw, bigla mo nalang nalaman.

Ayun, tuluyang iniwasan mo na nga ako.

Bakit kailangan mo akong iwasan? May kasalanan ba 'ko?

Kung kasalanan lang naman pala ang mahalin ka,

Sobrang makasalanan ko na pala.

Minahal lang naman kita ah, ang sakit mo namang mahalin.

Yung simpleng daanan ay hindi natin malakaran nang sabay,

Kung saan ako dadaan, 'yon yung daan na hindi mo lalakaran.

Sa bawat post mo sa facebook ay hindi nawawala sa taglist, comment section o mga reactor mo,

Yung pangalan ng isang taong nagpapasaya sayo, na dapat ay ako.

Wala eh, tinanggal niya na nga 'ko sa puso mo,

Tatanggalin nya pa 'ko sa mga simpleng bagay na mapapansin mo 'ko.

Mula nung dumating siya ay kinalimutan na ako pati ng mga taong malalapit  sa 'yo.

Siya na yung palaging kinaka-usap ng pamilya mo,

Siya na yung kaasaran ng mga pinsan at kaibigan mo,

Siya na yung gusto nila,

Siya na yung gusto nila para sayo,

Siya na yung dapat ay ako.

Tao lang ako eh, bagay kayo.

Spoken Word Poetry (Compilation)Stories to obsess over. Discover now