Sakanya Ka Na

5.9K 51 6
                                        


Future asawa mo, kung hindi papalarin, okay lang sakin. 

Kung masaya ka sa kanya, ako rin. 

Dahil suportado kita, kahit masakit pa. 

Mahal kita, pero kung mahal mo siya,

Sige, sa kanya kana. 

Wag mo sanang isipin na ipinamimigay kita.

Masisisi mo ba 'ko? Eh masaya ka sa kanya. 

Hindi naman sa madali akong sumuko, mahal kasi kita,

Kaya ipina-uubaya na kita sa kanya. 

Palalayain na kita, kahit hindi ko kaya. 

Ayokong mawala ka pero gusto kong sumaya ka,

Kaya sige, sa kanya kana.

Tatanggapin ko na lang na sasaya ka sa piling ng iba. 

Kapag sa kanya kana, hayaan mo kong mahalin kapa.

Mamahalin kita nang sobra sobra.

Alam ko kasi kung gaano kasakit mangulila sayo, 

Kaya ayokong iparamdam sayo na mangulila sa taong mahal mo. 

Ipina-uubaya kita hindi dahil sa ayoko na sayo.

Ipina-uubaya kita hindi dahil sa masaya na ako.

Ipina-uubaya kita hindi dahil sa sumusuko na ako.

Ipina-uubaya kita hindi dahil sa hindi na ako sayo.

Ipina-uubaya kita dahil alam kong ayun 'yung ikasasaya mo. 

Mahal, itong sakit na 'to, 

Ito yung sakit na kahit kailan, 

Hindi ko hahayaang maranasan mo.

Spoken Word Poetry (Compilation)Verhalen om door geobsedeerd te raken. Ontdek het nu